Chapter 8

7 4 0
                                    

𝑁𝑎𝑡𝑎𝑠ℎ𝑎'𝑠 𝑃𝑂𝑉

Naka uwi sila nang gabing 'yon,na pareho ko silang hindi pinapansin. Nagtataka pa si Mama kung bakit ang tahimik namin pero nag pa lusot na lamang ako. Ayoko mag sinungaling pero kaylangan,ayaw ko na pati si Mama ma stress sa'min.Tatlong araw na ang nakaka lipas pero hindi ko parin sila kinikibong mag kapatid.Hindi ako ma pride sinaktan lang nila ang loob ko lalo na ni Alexus.

"Beh!alam mo ba mawawala ng isang week si Hannah uuwi raw sa probinsya nila......namatay daw lola n'ya."Bungad sa'kin ni Yna pagkapasok ko palang sa classroom.

"Oo nag chat din s'ya sa'kin na uuwi raw muna sila." Tumawag din s'ya sa'kin nun,rinig at ramdam mo sa boses n'ya na galing s'ya sa pag iyak.

"Nung bata pa s'ya inalagaan s'ya ng lola n'ya diba?."Tumango ako.

"Sobrang close at mahal n'ya ang lola n'ya kaya nasaktan 'yon ng sobra." Noong bata pa si Hannah, halos lola n'ya lagi ang nakakasama n'ya, pero noong nag highschool na s'ya nalayo sila sa isa't isa dahil pumunta na sila rito sa maynila.

"Halika,puntahan na'tin si Erica sa room nila." Pag aaya n'ya sa'kin.Tumango naman ako.Palabas na kami ng room ng biglang may humawak sa kamay ko.

"S-sha."Si  Alexus."I'm sorry talaga."Ilang  araw na s'yang nag so-sorry haysss.

"Uy beh patawarin mo na,hindi ka shota para mag tampo ng gan'yan." Kinurot ko s'ya sa tagiliran.Nakaka gigil eh.

Pero may point s'ya,hindi dapat ako mag tampo ng gan'to dahil hindi naman ako gf?.Pero nakaka ouch padin 'yung mga sinabi n'ya eh!hmmp!.Hinarap ko si Alexus.

"Ulitin mo pa 'yon isusumpa talaga kita."

"P-pinapatawad mo na ako?babalik na tayo sa dati?." Sarkastiko ko s'yang nginitian.

"Hindi" pag bibiro ko rito kaya naman nawala ang ngiti sa mga labi n'ya."Biro lang."

"Natasha naman."

"Alam mo para kang timang."

"Omg pareho kayong dalawa,mag kaibigan talaga kayo."

"Oh bakit hindi kaba n'ya kaibigan?."Sagot sakan'ya ni Alexus.

"Wag kang sasabat."Pag tataray naman ni Yna.

"Eh ikaw naman unang sumabat ah." Pinandidilatan s'ya ni Yna kaya naman ihinarang ko na ang dalawa kong kamay.

"Maupo kana doon Alexus oo,bati na tayo kaya doon kana." Pag tuturo ko sa upuan n'ya."At tayo naman pupuntahan pa natin si Erica sa kabilang room kaya tarana na."Ipinaharap si Yna sa pintuan at tinulak ito papalabas.

Mabilis lamang kaming nakating sa room nila.Nakapasok din naman kami kaagad dahil kilala na kami at kilala narin namin ang mga classmates nila.

"Erica-kunnnnnnnn." Pag tatawag ko kay Erica na busy sa kung ano mang isinusulat n'ya sa notebook.Lumingon s'ya sa'kin.

"Ingay."

Nilingon ko naman ang nag salita.Nginitian n'ya naman ako.

"Ahh sorry." Binig'yan ko naman s'ya ng sarkastikong ngiti at hinawakan ang kamay ni Yna papunta sa gawi ni Erica.

"Beh sino 'yon?." Tanong ni Yna kay Erica pag tutukoy sa lalaki kanina.

"Ahh 'yan?, hindi naman namin 'yan classmate,grade twelve 'yan atsaka 'yung dalawa n'ya pang kasama...... ayun 'yung nasa tabi n'ya."Tumango kami.Liningon ko 'yung lalaki atsaka 'yong dalawa pa.Pinagtaasan ko s'ya ng isang kilay dahil naka tingin rin ito sa'mi.Ngumiti na naman s'ya.

"Bakit sila nandito?." Tanong naman ni Yna.

"Pamangkin kasi 'yan ng teacher namin."Bumalik ulit s'ya sa pag susulat."Spencer San Diego."

Thirteen Years Of FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon