Chapter 12

8 4 0
                                    

𝑁𝑎𝑡𝑎𝑠ℎ𝑎'𝑠 𝑃𝑂𝑉

Anong ibig sabihin ni Tita Nicole?.Nilingon ko si Uno na inosenteng tumingin sa'kin. Tuluyan ko nang pinihit ang door knob.

"Hindi n'yo habang buhay maitatago kay Natasha na may ibang pamilya na ang asawa mo sa ibang bansa!." Nang mapansin nila ang pag pasok ko ay tila parang naka kita sila ng multo.

"A-ano pong ibig n'yong sabihin?."

"Natasha anong nangyayare?." Pabulong na tanong sa'kin ni Uno. Nilingon ko lang ito at ibinalik ang tingin kay Mama at Tita Nicole.

"N-Natasha–"

"Ano pong ibig sabihin ni Tita Mama?." Pag puputol ko sa sasabihin ni Mama.Kinakabahan ako sa kung anong malalaman ko. Narinig ko ang pangalan ko kaya kaylangan kong malaman ang totoo!.

"A-anak w-wala 'yon–"

"Ma! anong dapat kong malaman?!. "

"Natasha–"

"Natalie! hanggang sa mga oras ba namang ito itatago mo parin ang totoo sa anak mo?!."–Nicole.

"Ate!"

"Tita"Mangiyakngiyak kong pag tawag kay Tita Nicole.

"Natasha kung hindi kayang sabihin ng Mama mo ako ang mag sasabi."Aniya at matalim na tinignan si Mama. " Sa loob ng halos tatlong taon inuto n'yo ang pamangkin ko!."

"T-tita ano ho bang nangyayare?."

"Natasha.... may iba nang pamilya ang Papa mo sa ibang bansa, pumunta ako rito dahil sobra na! dalawa na ang anak roon ng Papa mo pero hindi mo parin alam ang totoo!."

"Ate! ako na ang mag sasabi n'yan sa anak ko!. " Hinawakan ni Mama ang kamay ko pero tinanggal ko ang pag kakahawak n'ya. Bakit??? bakit kaylangan nilang lokohin ako?!.

"Sana noon mo pa 'yan ginawa Natalie!."

"A-anak I'm sorry" Humagulhol at napaluhod si Mama sa harap ko. Hindi ko na napigilan ang pag buhos ng mga luha ko.Ang sakit!sobrang sakit!.

"All this time Ma!.....pinaasa n'yo ako na buo at masaya ang pamilya ko!."

"Anak I'm sorry–"

"Kaya ba m-minsan kapag nag tatanong ako about kay P-papa parang nag iiba kasi ganon?."

"Patawarin mo ako Natash–"

"Itinago n'yo sakin!napaka sinungaling n'yong lahat! sa loob ng tatlong taon? right tita Nicole?." Tumingin ako sakan'ya pero umiwas ito. Ang tagal na!.

"A-ayaw kalang namin masaktan!."

"Sa tingin n'yo ho ba hindi ako nasasaktan sa ginawa n'yo?–ahhh!kaya pala!kaya pala noong tinawagan ko si Papa may batang sumagot! Dada pa talaga ang tawag?." Tumawa ako habang ang luha ay walang humpay na bumubuhos. Ganoon naba katanga ang tingin n'yo sakin?.

"Anak" Patuloy parin sa pag hagulhol si Mama.Napaluhod ako sa sobrang pang hihina ng tuhod ko. Nakita ko pa ang pag kabigla sa mukha ni Uno na naka tayo sa may pinto.

"Pinaasa n'yo ako!pinaasa n'yo ako na may maayos akong pamilya pero wala na!sira na pala ang pamilya ko!." Gustong gusto ko mag wala!pero hindi ko magawa nanghihina ako,nakakapang hinang malaman na sarili mong mga magulang ay niloloko kana pala sa loob ng halos tatlong taon!.

"N-Natas–"

"H'wag n'yo ho akong hawakan!" Pag pipigil ko kay Tita Nicole nang subukan n'ya akong lapitan at hawakan.

"Ginawa mo akong tanga Ma! At dinurog ako ni Papa! bakit?! naging mabuti naman akong anak ah! ang gusto ko lang naman ay may buo at masaya akong pamilya 'yun lang! pero wala na!.......wala na." Tumayo ako mula sa sahig.Hinawakan ni Mama ang paanan ko nang tumalikod ako sakan'ya.

"Anak I'm sorry."

"Bitiwan n'yo po ako." Mariin kong saad.Hindi n'yo ako masisisi Ma!Pa! kung sana lang ay sinabi n'yo na sa'kin noon palang edi sana baka sa mga oras na ito ay matagal ko nang natanggap na sira na ang pamilya ko!.

"S-saan ka pupunta?." Tanong sa'kin ni Tita Nicole. Sa kabilang buhay kung saan naroon ang tunay na pahinga.

"Hindi ko po alam kaya pabayaan n'yo na muna ako!." Pumiyok ang boses ko dahil sa pag iyak.Wala paring tigil sa pag buhos ang mga luha ko.Ang bigat bigat sa dibdib!.

"A-anak naman–"

"Ma!parang awa mo na sa'kin!bitawan n'yo po ako!." Pag mamakawa ko na pakawalan n'ya muna ako.Gustong gusto ko munang umalis sa bahay naito......sa bahay kung saan ko nasaksihan at naaalala ang masasayang alala namin.Isang masayang pamilya NOON.

Umiiyak na binitawan ni Mama ang paa ko.Pakiramdam ko ay masama akong anak,dahil sa nasigawan ko ang sarili kong Ina.Pero dinurog n'yo ako Ma eh!lalo kana Papa.

Tumakbo ako palabas ng bahay.Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto ko munang lumayo sakanila.Sobra sobrang sakit bilang isang anak na nangungulila sa isang Ama na nasa ibang bansa umaasang sa pag uwi nito ay mahigpit na yakap ang una mong mararamdaman pero wala na.......sinira mo ang tiwala ko sa'yo Papa.

Patuloy parin ako sa pagtakbo may iilang napapatingin sa'kin pero wala na akong pakealam roon.Sa bawat takbo ko ay ang pag tulo naman ng aking mga luha.

"Natasha!." Agad na itinabi ni Uno ang sasakyan n'ya at bumaba mula rito.Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo papunta sakan'ya at niyakap s'ya.

"Uno." Humagulhol na ako ng tuluyan.Hindi ko rin alam kung sino ang makaka intindi sa sitwasyon ko ngayon.Sana ay panaginip lang ito.......gusto ko nang magising sa bangungot na'to!.

"Shhhh" Ramdam ko ang kamay n'ya sa likod ko. "Nandito ako." Patuloy parin ako sa pag iyak ko sa balikat n'ya,pero heto s'ya at handa akong samahan.

"G-gusto ko muna l-lumayo sakanila." Hinawakan n'ya ang mag kabilang pisngi ko.

"Kung 'yan ang gusto mo...... sasabihin ko nalang sakanila na kasama mo ako,hindi kita pababayaan hmm?." Binuksan n'ya ang pinto ng kotse n'ya at ipinasok ako roon. Kaagad din s'yang sumunod sa loob.

"Heto" Isinoot n'ya sa'kin ang isang cap. "Iiyak mo lang nandito lang ako." Kasabay ng pag start ng kotse ay ang pag umpisa ng ulan at ang pag buhos rin ng mga luha at sakit na nararamdaman ko.Parang sasabog ang utak ko......naging masaba ba akong anak? irresponsible ba ako?bakit?bakit kaylangan mo pa mag hanap ng ibang pamilya Pa?bakit kaylangan mong itago sa'kin Ma? bakit ginawa n'yo akong tanga?.

................𝑈𝑁𝑂 𝑇𝑦.................

Hindi ko kayang pabayaang umiyak ng mag isa si Natasha.Nasasaktan ako,sa bawat pag hikbi n'ya ay parang may kung anong tumutusok sa'kin.Unang kita ko palang noon sakan'ya ay  gusto ko na s'ya.Mga bata palang kami noon nang ipakilala s'ya sa'kin ni Alexus.Ang buong akala ko dati ay hindi ganoon ka seryoso ang nararamdaman ko pero mali ako.....nang mag high school ako ay sa Canada ako nag aral ng dalawang taon dahil kinailangan kong samahan doon si Lolo.Walang araw na hindi ko naiisip si Natasha.Isang araw nakilala ko naman sa bansang 'yon ang isang babaeng bumihag din sa'kin.Akala ko ay nakalimutan ko na ang nararamdaman ko para kay Natasha pero hindi.Niloko ako ng babaeng nakilala ko at ang bumago sa'kin.Natuto akong uminom sa murang edad,naging basagulero,kaya naman pinabalik ako sa Pilipinas.At sa pag uwing pag uwi ko si Natasha na agad ang nasa isip ko.Sa pag dating ko sa bahay ay bumungad sa'kin sina Alexus at ang mga katulong........as usual wala sina mom and dad.Laking gulat ko pa noon ng pag kapasok ko sa loob ng bahay ay naroon si Natasha na may mga icing sa mukha at hawak hawak ang isang cake.Cake na ginawa n'ya.

Alam ko rin na may feelings ka kay Alexus noon paman.Kaya kahit masakit pinilit kong kalimutan nalang ang nararamdaman ko para sa'yo.

Pag karating ko sa basement ng building kung nasaan ang condo ko ay nag stay muna kami doon.Naka tulog na s'ya sa kakaiyak. I can't believe this......ang masayang pag sasama noon nila Tita Natalie at Tito Damian ay matagal na palang wala.Kahit ako ay nabigla paano nalang si Natasha.

"You don't deserve this kind of pain" Bulong ko sa kawalan. "Kung may chance lang ako sa'yo Natasha......babawiin ko lahat ng sakit na'yan." Inayos ko ang hibla ng buhok n'ya at isinikop ito sa likod ng kan'yang tainga. She's so pretty.

"Mabait naman ako eh." Nag sasalita s'ya ng tulog.I wonder if ano ang panaginip n'ya,siguro'y pati sa panaginip nito ay umiiyak s'ya,dahil patuloy parin ang pag tulo ng mga luha n'ya.

"Sobra."

Thirteen Years Of FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon