Chapter 4

4 0 0
                                    

Steven's P.O.V.

"Hi Steven." Sabi ng babae dito sa harap ko, Ang ganda niya. Hays! Iba na talaga ang kagwapuhan ko o! Chixx pa talaga ang lumalapit sakin. Tsk tsk.

(A/N: tuloong! Tinatangay ako sa kahanginan ni istiben rey!)

(Hoy author! Nagsasabi lang ng totoo, crush mo nga ko e!")

(A/N: Oo na, back to story na leshee!)

"Hello .." Bati ko naman, nginitian ko lang siya at tumalikod na. Kasi naman e!

Tsk tsk

Nagkakasala na naman ako sa Prinsesa kong si Loisa. Mahal na Mahal ko yon e, kaya Loyal ako sa kanya. Sa dinami dami ng Naging Kasintahan ko, sa kanya lang talaga ko nagseryoso. Kaya yung mga may crush saken diyan, Sorry ha?

Kay Rae na lang kayo magpaligaw, Huehue Joke lang no! Kahit ganon yung kapatid ko alam ko namang pusong babae yon.

"Uy pre!" Si Mark pala, Yung tropa ko.

"Oy pareng Mark! Buhay ka pa pala no?" Pabiro kong sabi.

"Oo naman pre! Gagung to!" Sagot naman niya, haha.

"Ano? Tara dota na!" Adik talaga to e. Tss

"Oh sige sige ba! Ako pa hinamon mo! Kapal mo din!" Pagyayabang ko. tsk! Totoo naman e Weak talaga to sa Dota,kay Rae pa nga lang walang wala yan e.

"Hahaha. malay mo naman pre! Text mo nga sila Cj, ayain mo din."

"Ge, pulubi ka talaga! Wala kang pang load." Pangiinis ko pa.

"Tsk, tara kunin na natin kotse naten, para diretso uwi." Sabi niya.

"Gege."

Itetxt ko na sana sila Cj ng biglang..

Ganda Calling......

Si Rae Yan wag kang ano! Hehehe. ano namang nakaen neto at tatawag tawag. Tsk tsk tsk.

"Oh??" Sagot ko.

["Nasan ka?!?"]Nayyyy! Kala ko nakaloudspeak, sadyang napakalakas lang talaga ng boses niya. Kaynis!!

"Makasigaw ka ha!! Dito ako sa parking ng University namin! Bat ba?"

["Pauwi ka na???"]

"Ah... Ano.. May pupuntahan lang kami---"

[San na naman? Panay ang gala mo! para kang bakla! Umuwi ka na!"]
Aba! Bwisit na to! Ako bakla! Asa! Sayang kagwapuhan ko!

"ano ba! bat ba ha!"

[Na-Nandito ako sa Dorm mo.. may sasabihin ako sayo.. importanteng mahalaga."] psh! Nagcutting na naman! Abnoy talaga.

"eh?? Bat ka nandyan! Dito mo na lang sabihin"

[Isa! Dali na kuya!]
Tsk! Ano ba yan!!!

"o s-sige sige na."

[Ge! bilis!] sabi niya, at pinatay na. Tsss ang bossy talaga.

"oy mark! Uwi na pala ko. Tumawag si Rae e, tinotopak pinapauwi na ko."

"Ano ba yan Pre! Tsk tsk si Rae talaga o! gege kami na lang nila Cj. Next time na lang, Yayain mo si Rae."

"sigesige, sibat na ko." At tumango siya, tsaka ako umalis.

Habang nagdadrive ako pauwi di ko maiwasang mapaisip, Ano na naman kaya inaarte nung kapatid ko na yun!

Bago ako makarating sa bahay natanaw ko na Si Rae sa may tapat ng gate ko.

binusinahan ko siya at agad naman siyang tumayo at... Nakasimangot pa!
Problema ba neto!

Pagbaba ko ng kotse...

"bat ang tagal mo?!" Tanong niya at, dun ko lang napansin ang labi niya, kung di ako nagkakamali ay nagdugo siguro yun dahil mapulang mapula.

Alangang naglipstick yan. Iyan pa ba tsss. siguro nakipag sapakan na naman! Hays!

"hoy!"

"ah.. May kinausap pa kasi ako.." Nasabi ko na lang. "Pasok na tayo."

Binuksan ko na amg gate at ang pinto at sumunod naman siya saken.

"Ano bang makakain dito kuya?"

"Mmm, marami dyan sa Ref. ikaw na bahala magbibihis lang ako."

At umakyat na ko para magbihis.

Samantha's POV

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When A Badgirl Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon