▪️▪️▫️▪️▫️▪️▪️
Tahimik ang biyahe nina Danica kasama ang kaniyang stepbrother pero nang naipit muli sila sa trapiko...
"Sana lagi kang ganoon"
"Na?" kunot-noo na tanong ni Danica.
"Pinagtatanggol ako. Ang sarap sa pakiramdam kaya!"
"Laki-laki mong lalaki"
"Syempre iba pa rin iyong pinagtatanggol ka ng stepsister mo kahit parang Biyenes santo na ang mukha"
"Hoy ikaw!"
Nakangiti lang ang binatilyo pero pinokus na lang niya ang paningin sa harapan.
"Bakit ayaw mong umalis na lang sa work?"
"Hindi kita pinipilit na ihatid-sundo ako"
"Hindi iyon e!" sabay tingin ng binatilyo kay Danica. "What if, bilhin ko ang company mo? So, magwowork ka na sa akin?"
"Pinagsasasabi mo?"
"Seryoso ako. Gagawin kitang secretarya ko kapag pumayag na ang may-ari na ibenta ang lumulubog niyang kumpanya sa akin."
Natigil si Danica.
"Bakit parang ayaw mo?"
"Syempre stepsister kita, ayakong maraming lalaking tinitingnan ka ng iba"
"Sus! Seloso"
"Magresign ka na kasi"
"Tapos hindi mo naman bibilhin"
"Mas maigi. I had money naman kaya bakit ka pa nagpapakahirap magwork?"
"Hindi ako kagaya ng iba ha!"
"I know, pero gusto ko lang nasa bahay ka"
"Nakakasawang kasama naman si Mama..." mahinang maktol ni Danica.
"Doon ka sa condo ko"
"Che! Pinagsasasabi mo ha?"
"Kung ayaw mong kasama si Mama 'ed doon ka sa condo ko"
Imbis na umuwi sila'y iniba ng binatilyo ang daan at dumiretso sila sa isang restaurant na halos mayayaman ang naroroon. Dahil naka-suot lang ang binatilyo ng puting jogging pants at hoodie na kulay grey at naka-sandals lang siyang kulay grey din. Dahil kaswal lang ang suot ng binatilyo napapatingin ang mga nakain doon. Pumasok silang pareho na inihatid sila ng waiter sa bakanteng lamesa saka inabutan ng menu, nagutla na lang si Danica sa nakita...
"Aba! Maigi pa yatang bumili na lang sa turu-turo ah!"
"Ako magbabayad"
"Sira ka ba?"
"Hindi, pumili ka lang diyan at ako magbabayad"
"Walang kapalit na halik ito ha!"
Napatingin ang binatilyo kay Danica at ngumiti.
"Ang daya. Pero walang ganoon"
"Haaa... maigi," saad ni Ruri saka inilapag ang menu at itinuro sa binatilyo.
"Pagkarating ng waiter saka mo ituro iyan. Pasaway ka"
"Ikaw na! Nakakahiya e!"
BINABASA MO ANG
Owned by Mr. Baltaire
Fiksi Umum[NEW] 𝘌𝘹𝘱𝘦𝘤𝘵𝘦𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘶𝘯𝘦𝘹𝘱𝘦𝘤𝘵𝘦𝘥. Nagpakasal muli ang nanay ni Danica sa isang medyo bata pa kaysa sa kaniyang ina, in weird way ang anak nitong matangkad pa sa kanilang pintuan ang kaniyang bagong stepbrother. Alam ni Danica na ma...