Chapter 12 "New Guy"

58 26 24
                                    

Camilla's POV

Pagkatapos ng isang linggong bakasyon nila mommy dito umuwi na uli sila sa US. Papasok na ako sa school ngayon ihahatid ako ni kuya. 'oo naiwan si kuya pinagbigyan kami ni mommy'.

"Cami, mag-ingat ka ha? Sa CDC Corp. lang ako tawag ka pag may kailangan ka, kahit busy si kuya pupuntahan kita" sabi ni kuya sa akin. Tumango lang ako at lumabas na sa kotse niya. Ang sarap talaga pag nandito si kuya.

Mula nung birthday ko ngayon lang uli ako pumasok pinagpaalam din kasi ako nila mommy noon dahil nagbakasyon kami.

Pagdating ko sa room nakita ko na ang mga classmates ko napansin kong nakatingin sa akin si Kaizer.

"Oy malusaw" sabi ni Jedi. Hindi padin natitinag ang walang hiya titig na titig padin sa akin. Napansin kong kinagat niya ang labi niya bigla nalang akong napaiwas ng tingin sa naalala ko.

'Oo nga pala may atraso pa sa akin ang gago'

Hindi ako nagsalita kahit anong titig niya sa akin buti nalang dumating na ang Professor namin.

"Goodmorning everyone, meron na naman tayong bagong transferee" tumingin si Ma'am Lara sa pinto at sumenyas na pinapalapit na ang bago naming classmate.

"Hello, I am Yariel Usui Ichikawa 18 years old, half Filipino and half Japanese. I hope we can hangout sometimes" sabi niya at kumindat, nagtilian naman ang mga classmates namin. "Can I sit there?" tanong niya kay ma'am at patukoy sa upuan sa tabi ko. Tumango naman si ma'am.

Napansin ko ang katabi ko na parang sinapian na naman nagulat ako ng hilahin niya ang bangko ko papalapit sa kaniya muntik nakong mahulog.

"Hoy! Ano bang problema mo? Muntik na akong mahulog" sabi ko.

"Don't worry I will catch you" bigla nalang nag sigawan ang buong klase napansin ko ding nakitawa si ma'am sa kanila.

"Ang korni mo" inirapan ko siya at humarap na ako sa board. Akala ko magtuturo si ma'am pero humarap uli siya sa amin.

"Listen everyone, Next week merong camping na magaganap, lahat ng freshman lalabas tayo ng school, kailangang ipapirma ninyo itong waiver sa guardian ninyo" Ipinamahagi ni ma'am ang waiver.

Marami pa siyang sinabi tungkol sa mangyayari sa camping next week kailangan daw mag ready kami ng mga performance dahil may labanan sa araw na iyon.

Dance competition, Singing Competition at ang Mr. and Ms. K University at Face of the night.

Tumayo si Sabrina, siya ang classroom president. "Okay, ngayon sa dance competition sino ang pwede? Sampo ang kailangan" sabi niya.

Tumayo ang mga classmate namin na marurunong sumayaw ang napili ay sina Jedi, Aira, Elie, Myr, Ryan, Jasmin, Lory, Hope, Lora at Vincent.

"Okay meron na sa Dance Competition, sa Singing Competion kailangan daw duet" sabi ni Sab.

Nagtaas ng kamay ang katabi kong bagong Transfer "I can sing" he said.

"Sample, kahit isang chorus lang" sabi ni Sab.

'We're only gettin' older, baby
And I've been thinkin' about it lately
Does it ever drive you crazy
Just how fast the night changes?'

Napakaganda ng boses niya shete, napatingin ako sa kaniya nagulat ako nakatingin din pala sa akin ang loko.

'Everything that you've ever dreamed of
Disappearing when you wake up
But there's nothing to be afraid of
Even when the night changes
It will never change me and you oooohh'

Kill, Heal and Love Again?Where stories live. Discover now