Chapter 30 "Cross The Line"

47 11 13
                                    

Camilla's POV

Gumagayak na ako papunta sa reunion namin. Sabay kaming pupunta ni Yui. May kumatok na sa pinto ko.

"Denden bilisan mo mag a-alas tres na." sabi ni Yui.

"Patapos na ako, saglit lang naman." sabi ko sa kaniya.

"Maghihintay nalang ako sa baba." sabi niya at narinig ko nga ang kaniyang pag alis sa tapat ng pinto ko.

Mabilis na ang kilos ko hanggang sa makapag bihis na ako. Naka black crop top coordinates skirts lang ako at sneakers. Naglagay din ako ng kakaunting liptint at nagdala ako ng sling bag.

Lumabas na ako at bumaba na. Nakita ko si Yui na nakatingin sa akin at nakataas ang isang kilay.

"3:30PM na, ambagal mong gumayak." sabi ni Yui. Tumayo na din siya at lumabas na ng bahay. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating na kami sa sasakyan niya.

Nagdrive lang si Yui hanggang makarating kami sa Estabillo hotel. Napaisip lang ako baka makita ko ang Mom and Dad niya. Ano kayang sasabihin ko?

Lumakad na kami papunta sa pinareserve nilang room sa hotel. Nasa 22nd floor ang room na pinuntahan namin. Pagkapasok namin doon, nagulat ako sa nakita ko. Ang akala ko normal room lang iyon, hindi pala.

May maraming ilaw parang maliit na venue talaga siya ng party. Siguro customize ito para sa gagawin naming events ngayon.

"Camilla!" sabi agad ni Heidi at lumapit sa akin hinila niya ako sa upuan na katabi niya. "Dito ka maupo, si Yariel diyan sa tabi mo." muwestra niya sa upuang nasa tabi niya.

Umupo naman ako kaagad, napatingin ako sa lahat pero wala pa si Kaizer. May apat pang upuan ang nakareserve.

'Sino pa kayang kasama namin?'

"Si Kei, wala pa malelate sila." sabi naman ni Flare. Tumango lang ako. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Sa harapan ay may long table na puno ng pagkain sa paligid naman napakaraming bulaklak.

Sa harapan ko may mga pagkain din, pero hindi muna ako agad kumain dahil busog pa rin naman ako. Maya maya pa dumating na ang hinihintay namin.

Nauna siyang pumasok naka jeans, plain na white shirt na may maliit na design at sneakers. As usual, ganoon pa rin siya manamit. Nakangiti siyang pumasok habang nakatingin sa akin. Pero nang may pumasok pang dalawa nagulat ako.

'Si Z? Buntis? Si Kaizer ba ang ama?'

Masyado na akong nag overthink medyo naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko lalo na nang alalayan niya ito papaupo sa upuan.

"Dahan dahan Z, kakalabas mo lang ng hospital." sabi pa niya.

Nakita ko rin si Aira na kasama nila. "Hi Camilla." sabi ni Z. Ngumiti lang ako, pati si Aira ng Hi din.

Ano ba 'yang dala dalawang babae pa ang kasama niya. Umupo na silang tatlo, katapat ko na naman si Kaizer nasa kaliwa niya si Aira at kanan si Z. Sa katabing upuan ni Z ay bakante.

Nakangiti lang si Kaizer na nakatingin sa akin. Ano ba itong lalaki na ito may kasama na ngang asawa nakatingin pa sa akin.

"Bakit hindi pa tayo magsimula?" sabi ni Jedi.

"Hinihintay pa natin si Ash, kailangan din siyang makilala ni Camilla." sagot agad ni Z.

'Sino naman kaya iyon?'

Nakikita ko ang pag-aalaga ni Kaizer kay Z, binibigyan niya ito ng pagkain. Pero pagkatapos non, titingin na naman siya.

"Kei, malulusaw si Camilla." pagbibiro ni Jared.

Kill, Heal and Love Again?Where stories live. Discover now