Chapter 31 "Temporary Happiness"

35 10 37
                                    

Third Person's POV.

May tumunog na cellphone. Pagkakita niya sa tumatawag dali-dali niya itong sinagot.

"Oo, nagawa ko na. Pero kulang pa! Alam kong nagalit siya sa ginawa ko." nakangisi siya habang kausap ang nasa telepono.

"Huwag kang mag-alala, ayokong mahulog sa kaniya. Gusto ko lang talagang maghiganti." sagot na naman niya sa kausap sa telepono.

"Hindi pa pwede ngayon, nakuha ko na ang loob niya. Kailangan ko nalang ihanda ang susunod kong plano para sa kaniya. Kaya maghintay ka." tumatawang sabi niya.

"Oo, sige na. Goodbye!" ibinaba na niya ang cellphone at humarap sa bintana.

"Buhay ang kinuha, buhay din ang kabayaran." pabulong niyang sabi.

"Alam kong nasaktan din siya dahil doon, pero doble ang sakit na naramdaman ko. Ngayon pang alam ko na na siya rin ang dahilan kung bakit nangyari ang mga iyon." pagsasalita niyang mag isa.

"Humanda ka sa darating na sakit sa buhay mo, kayanin mo sana." tumatawang sabi niya at tumingin sa letratong hawak niya.

"Ako ang gaganti para sa iyo, mahal kong kapatid."

Camilla's POV

"January 20 na ang bilis ng araw." naglalakad ako papasok sa sasakyan ko. Papunta akong sa kumpanya ko ngayon. Nakakatamad ngang pumasok ngayon kasi may monthly period ako. Kaso nga lang may meeting kasi ngayon.

Nagdrive na ako papunta sa Caden Collins Corp. Mga ilang minuto lang nakarating na ako. Nang makababa ako sinalubong agad ako ng dalawang body guard ang isa ipinark ang sasakyan ko at ang isa sinamahan ako hanggang makapaso sa loob ng kumpanya.

"Goodmorning ma'am Camilla!" sabay sabay nilang sabi. Lumakad lang ako hanggang salubungin ako ng secretary ko.

"Ma'am Camilla, meron kang meeting mamaya kay Mr. Estabillo para sa partnership niyo." sabi ni Francine.

Nakipag usap kasi sa akin si Kaizer gusto niyang maging magbusiness partner kaming dalawa. Maayos na kami pero hindi pa kami. Lagi lang siyang nag aaya ng date, pumupunta sa bahay. Iyon lang, walang kahit ano.

'Defensive?'

"Okay." sagot ko. "By the way pupunta din si Kade dito. Diba nagkatampuhan kayong dalawa? Sabi niya gusto ka niyang makausap." dagdag ko.

Nakita ko naman ang pagkakilig ni Francine. Nagkagusto kasi si Francine kay Kade nung unang punta niya dito sa kumpanya. Inireto ko si Francine kay Kade, kaya ayan lumalandi ang lola mo. Nagkadevelop-an din silang dalawa pero madalas mag-away.

"Okay, po ma'am." kunwaring formal na sagot niya. Maganda si Francine, kayumanggi matangkad at sexy din. Mabilis siyang makaclose dahil sa jolly personality niya.

Naglakad na kami hanggang sa makarating kami sa elevator. Pinindot ni Francine ang 4th floor doon kasi ang opisina ko.

"Ma'am, Kumusta naba kayo ni sir Kaizer? Yieee." kinikilig na sabi niya. Alam kong crush din niya si Kaizer. Bukod sa jolly siya. Madaldal din kaya minsan nakakapagsabi ako sa kaniya ng mga nangyayari sa akin.

"Ewan ko sa iyo Francine." natatawang sabi ko. Mangungulit pa sana siya pero tumunog na ang elevator. Kaya lumabas na kami. Kapag dalawa lang kami doon lang niya ako kinakausap tungkol sa mga ganoong bagay. Pero pag sa labas tahimik lang siya.

Iniwan na ako ni Francine sa office ko at umupo sa table niya sa labas ng office ko. Naghintay lang ako ng ilang minuto. Nakita ko na sa screen na papasok na si Kaizer. Mabilis kong inayos ang buhok ko at naglagay ng kaunting tint.

Kill, Heal and Love Again?Where stories live. Discover now