Chapter 3 "Friends?"

71 34 6
                                    

Isang Lingo ang nakalipas.

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko 6:00AM. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ako nanaginip tungkol sa kanya. Mas ayus na 'yon para hindi ako gumigising ng umiiyak. Regular class na ngayon kaya gumayak na agad ako at nagbihis ng mabilis. Bumaba na ako sa kusina nakita ko si Celestine, mommy at daddy na nandoon na.

"O come here kuya, kain na tayo. Sasabay akong papasok sa'yo ngayon." Nakangiting sabi ni Celestine. Linapitan niya ako at hinalikan sa pisngi. Lumapit din ako kay daddy at mommy at humalik sa pisngi nila.

"Sige baby girl sabay tayo" sabi ko ng nakangiti sa kapatid ko. Mahal na mahal ko ang kapatid ko lahat ng gusto niya binibigay ko sa kanya.

"Kuya dalaga na ako hindi nako baby" nakasimangot niyang sabi at nag pout pa.

"But Tine, you're always be my baby" sabay kurot sa pisngi ng kapatid ko. Alam kong dalaga na siya pero gusto ko pading baby siya.

Natapos na kaming kumain at nagpaalam na kami kila mommy at daddy.

"Anak, ingatan mo 'yang kapatid mo ha?" sabi ni mommy.

"Mom kahit hindi niyo na po sabihin, 'yon talaga ang gagawin ko. Kaya nga po hindi ako lumipat ng school para sa baby damulag ko na 'to e." sabay gulo sa buhok ng kapatid ko. Nakapout na naman siya, ang cute talaga ng kapatid ko.

Sa totoo lang siya ang nagpapatanggal ng pagod ko, sa kanya ako kumapit mula nung nangyari ang gabing 'yon.

Nagdrive na ako papuntang school ang sinakyan namin ngayon ay ang Ford Ranger ko, dahil hindi naman ako nagmamadali kaya hindi ako nag motorsiklo.

"Hey, kuya don't call me baby at school ha? Nakakahiya sa mga kaklase ko. Senior high school na ako kuya." Nakasimangot na naman siya habang sinasabi 'yon.

"Okay, baby damulag" Humahalakhak kong sabi sa kanya.

"Kuya!" Naiinis niyang sabi tapos nag pout.

"Oo na, oo na Celestine Kiara Estabillo." Patango tango at seryosong sabi ko.

"I love you kuya" Ngumiti siya sa akin. Natanggal na naman ang pagod ko dahil sa malawak niyang ngiti. Kinurot ko ang pisngi niya.

"Love ka din ni kuya, tandaan mo 'yan! Huwag ka munang mag bo-boyfriend ha?" seryoso at ma-otoridad kong sabi. Ngumiti siya at tumango.

Nang nakarating na kami sa school hinatid ko si Celestine sa Senior High Department. Marami na namang babaeng nakatingin sa akin, dahil kilala kami dito lalo na nung high school pa.

Nahatid ko na si Celestine sa classroom niya, naglakad lakad muna ako at tumingin tingin sa mga dati naming tinatambayan dito. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang oras 7:20 na may 10 minutes nalang ako para hindi malate sa klase ko. Binilisan ko ang paglalakad dahil medyo malayo ang building naming sa SHS dept. mabuti nalang pagkarating ko ay wala pa ang professor namin.

Nagkwentuhan muna kami nila Sabrina at Jed.

"Uy bakit parang ang ngiti mo ngayon? Nung isang linggo para kang may PMS" sabi ni Jed at tumatawa. Tinignan ko lang siya ng masama.

"Wala lang 'yon" nakakunot kong sabi. "alam niyo ba hindi ko siya napanaginipan kagabi." Sabi ko sa kanila.

"Huh?" Nagulat si Sabrina. "May improvement kana, mas okay 'yan unti unti kanang makakapag move on." Sabi niya. Sana nga makapag move on na ako. Magsasalita pa sana si Jed ng dumating na ang Professor namin, umalis na sa tabi ko si Jed at si Sabrina ay tumingin na sa harap.

Kill, Heal and Love Again?Where stories live. Discover now