Chapter 2

70 2 0
                                    

SAMANTHA FAYE

Bigla akong napatayo ng upuan sa sinabi ng Itay. Nagtatakang tinitigan ako ng mga ito. Hinatak pa ako ni Ate sa'king kamay para mapaupong muli sa'king upuan. Nakakunot noong niyuko ko siya. Pinanlalakihan niya ako ng mga mata. Tinitigan ko siya. Kaagad din akong nahimasmasan ng bahagya pa nitong pisilin ang aking hita. Dahan-dahan akong umupong muli.

Nagtatanong na mga matang tinititigan ko pa rin si Itay na nakaupo sa harapan ko. Pilit kong binabasa ang kanyang isip. Naghahanap akong senyales kung nagbibiro lamang ba ito sa sinasabi. Pero wala akong makita. Seryoso pa rin ang mukha nito.

"Ano? Doon na po tayo titira? Bakit? Anong sasabihin sa atin ng anak ng mga Del Carpio? Pumayag po ba sila?" sunod-sunod na tanong ko kay Itay.

Malakas na napabuntong-hininga ang Itay. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa aming tatlo.

"Hindi ko ginusto ang pasya ni Fernan. Makailang ulit din akong tumanggi. Nandun lahat ang mag-anak ng mapagpasyahan n'ya yun. Gusto n'yang ibigay sa akin ang Hacienda dahil wala ni isa sa mga anak niya ang gustong mamahala n'on. Pero tumanggi ako."

"Mabuti naman po at tumanggi kayo sa alok n'ya Itay. Baka kung ano pa ang sabihin sa atin ng bunsong anak n'on na matapobre."

Naramdaman ko muli ang pinong kurot ni Ate sa aking hita.

Nakairap ko siyang tiningnan.

Totoo naman kasi. Akala mo kung sino ang Miguel na 'yun. Napakayabang. Parang bagyong basta na lang lumitaw sa kung saang lupalop nanggaling at pinagtatanggal yung mga trabahador. Mabuti na lang at dumating yung panganay na kapatid nito. Kung nagkataon kawawa yung mga magsasaka at iba pang trabahador na pinagtatanggal nito kasama na ang Itay ko. Walang ibang mapapasukan. Ang tagal na ng mga itong nagtatrabaho doon tapos bigla na lang tatanggalin. Wala namang ginagawang masama sa kanya. Dalawang beses ko pa lang yun nakita simula ng maghatid ako ng tanghalian ni Itay sa tubuhan. Ang sama pa ng tingin sa akin. Ang sungit-sungit. Tapos sinisante pa yung beterinaryong nagtatrabaho sa loob ng Hacienda na nanliligaw kay Ate. Parang pasan ang problema ng mundo at sa'min binubunton.

"Pero hindi na pumayag na tanggihan ko pa ang alok niyang pangasiwaan ko ang tubuhan at tumira tayong mag-anak sa isang rest house nila doon sa loob. Hindi na rin tayo pinapabayad pa d'on sa malaking pagkakautang natin sa kanila dahil sa pagkakaaksidente nitong Inay n'yo."

Bigla akong natahimik sa sinabi ni Itay at kaagad na nilingon si Ate na bahaya pang nakakanganga sa magandang balita saka muling binalingan si Itay at ginagap ang mga kamay nitong nakapatong sa mesa.

"Talaga po Itay? Totoo po ba 'yan? 'Di kayo nagbibiro?"

Nakangiting tumango ito sa akin.

Kaagad kong binitawan ang kamay ni Itay at si Ate naman ang binalingan ko. Bahagya ko pang niyugyog ang mga balikat nito.

"Narinig mo ba yun Ate!? Makakapag-ipon na tayo para sa pang-tuition mo!" tuwang-tuwa kong sabi sa kanya.

Halos maluha-luha ako sa subrang galak. May luha rin na tumakas sa mga mata nito na kaagad din pinalis at nakangiting tiningnan ako.

Hindi na ako mapakali pa sa kinauupuan ko ng biglang malakas na tumikhim ang Itay. Kaagad akong muling napabaling ng tingin rito. Malapad ang ngiti nitong nakatingin sa aming dalawa ni Ate.

"Wag n'yo na ring problemahin ang pag-aaral n'yo, sinasagot na lahat nang 'yun ng mga Del Carpio. Hanggang sa makapagtapos kayong dalawa ng kolehiyo. Kaya magtino kayong dalawa, ah. Hindi lang kayo, pati ang iba pang mga anak ng lahat ng nagtatrabaho sa loob ng Hacienda. At para naman sa Inay n'yo." nakangiting baling naman nito kay Inay na nasa tabi nito't maluha-luha ring nakatingin dito. "May libreng pagamutan ang mga Del Carpio na ibibigay para sa ating lahat na nasasakupan nila. Kaya palagay ko malapit ka ng mamamaalam d'yan sa mahiwaga mong tungkod." wika nito na ikinatawa naming lahat. Kinurot naman ito ng Inay sa tagiliran.

Unexpected Marriage: Bud Brothers Series 1 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon