Prologue

291 6 1
                                    

Wayne

Present day.

I tasted the last drop of my whiskey when the door swung open. At pumasok ang luko-luko kong kaibigan na kararating lamang ng States. I smirked with his sudden visit.

"Sino na naman ang luhaang babaing iyon na dinispatsa mo?"

"Ang ganda ng pasalubong mo sa akin, ah."

I heard his evil smirked, "Di nga? Sino na naman ba yun? Wala na kayo ni Jelyn?"

I smirked. Nilagok ko kaagad ang bagong kuha kong whiskey.

"Ba't ka napadpad dito?"

"Sus! Umiiwas ka lang. Sino nga 'yung babaeng pinaluha mo na nakasalubong ko?" Kulit pa ni Miguel sa akin.

"Pinaluha ka diyan. Wala akong ginagawa sa kanya, ah."

"I bet, meron. Luhaan eh." Tudyo niya sa akin.

"Hindi nga! Kulit din nito. Anong atin at napadpad ka dito? Lagot ka kay Tito pag nalaman nun na inagahan mo ang uwi para mag hasik na naman ng lagim dito sa Manila. Tiyak itatapon ka na naman nun pabalik ng States." I chuckled.

"Naku! Style! 'Wag mong ibahin ang usapan at may nakita ako ng papasok ako dito. Tiyak na pinaiyak mo 'yon."

"Subra ka naman sa'kin Bro. Anong palagay mo sa akin? Malinaw naman ang usapan namin sa simula pa lang na no string attach. Iwan ko ba sa babaing yun at ang hirap umintindi ng salitang walang kami."

"Berdugo talaga ng mga babae."

"Ang sama mong kaibigan. Sinisira mo ang pagkatao ko. Kanino pa ba ako magmamana? Sayo di ba? Pareho lang naman tayo."

Napahalakhak ito ng malakas sa sinabi ko. Sabay upo na naka de kwatro habang ang dalawang braso ay nakapatong pa sa sandalan ng malaking sofa sa loob ng opisina ko.

"May sisirain pa ba Bro? Hindi ba at matagal ng malaki ang sira?"

"Siraulo ka talaga kahit kailan! Baka may makarinig sayo at maniwala sa mga pinagsasabi mo."

"Honestly speaking Bro, what makes you stop to get serious and commit with a girl? It's been a long time since you have been in a relationship with Jelyn. You're not getting any younger. You are already thirty years old, bro."

"Wow! Coming from your mouth? Am I the only one here who doesn't like commitment?"

Napahalakhak itong muli sa sinabi ko at ngiting asong nakatingin sa akin. Sarap sapakin!

"So bakit nga? I want to know why. Maybe my mind will change too, if magustuhan ko ang reason mo, ano?"

"It's simply because, I can't still find any girl that will surpass my standard."

Napabangon sa sofa bigla si Miguel sa sinabi ko at nakakunot noong hinarap ako nito.

"At ano na namang standard na yan ang tinutukoy mo, aber?"

"I should be the first man in a womans' life. It's a big factor for me."

***

10 YEARS AGO.

Pagkalipas ng mahabang oras na pagmamaneho ng walang patutunguhan, kaagad kong pinarada ang aking kotse sa gilid ng kalsada at saka pinatay ang makina.

I sighed. I looked around before I opened the door, lumabas ako at pabagsak itong sinara. Walang katao-tao. Madalang ang mga dumadaang sasakyan. Subrang daming naglalakihan at matataas na punong kahoy. Still, kapuri-puri pa rin ang lugar na ito at subrang tahimik. 'Di ko alam kung anong lugar itong napuntahan ko sa walang kwenta kong pagmamaneho para lang makalayo sa bahay. Malayo sa aking mga magulang, lalo na sa aking ama. A successful businessman.

Unexpected Marriage: Bud Brothers Series 1 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon