Chapter 3

47 1 0
                                    

SAMANTHA FAYE RAMOS

Heaving violently. My lips parted a bit to gasp for air. I stopped running. Nanghihina ako. Pagod na pagod. I felt even more weaker when I turned around and didn't see any trace of her. Butil-butil na pawis ang tumulo sa aking mukha.

I was literally listening to a strong thud of my heart. Nagpalinga-linga ako, pero wala. Sa'n pumunta yun? I slowly sat on the ground as I found my breath.

I shouted her name many times, but no one answering. Nilamon lang ng malawak na kakahuyan 'yong malakas na boses ko. Nanatili lang akong nakaupo sa lupang puno ng mga tuyong dahon habang inaantay siya.

Ngunit ilang oras na ang lumipas, ni anino nito wala akong makita.

Napabalikwas ako ng tayo. Nagpabalik-balik ng lakad habang tinatanaw ang lugar na dinaanan ko sa pagtakbo. Wala pa rin ito. Saan na ba pumunta 'yon? Nagdadalawang isip ako kung babalikan ko ba s'ya or aantayin ko na lang s'ya sa labasan. Pinili ko ang huli.

Mabilis at malalaking hakbang na hinanap ko ang daan palabas ng kakahuyan. Makailang beses pa akong natisod sa pagmamadali. Sumabit pa yung damit ko sa maliit na putol na nakausling kahoy.

Nahirapan pa ako n'ong una kakahanap kung saan na ba 'yong daan palabas ng kakahuyan. Nagkandaligaw-ligaw pa ako. Hindi ko alam kung anong oras na. Sumasakit na ang ulo ko. Pati ang t'yan ko kumakalam na rin. Gutom na gutom na ako. 'Di pa pala ako kumakain. Tuyong-tuyo na rin ang lalamunan ko. Parang gusto kong uminom ng malamig na malamig na tubig.

Kaagad akong napasalampak at nahiga sa luntian na damong nasa bukana ng kakahuyan. Nakakapagod! Ang sarap ng simoy ng hangin. Subrang lamig. Ang bango-bango pa ng mga bulaklak. Subrang ganda ng lugar. Parang paraiso. Napakatahimik. Napatingin ako sa langit. Kaagad akong natigilan. Hapon na! Wala pa rin si Ate! Sa'n na ba 'yon pumunta!

"Ay! Anak ka ng pating..!"

Napatili pa ako sa gulat at kaagad na napaupo ng may biglang tumakip sa aking mga mata. Ang higpit ng kapit. Pinagbabaklas ko isa-isa ang mga daliri ng kamay na nakatakip sa mga mata ko. Nang matanggal ko, nakangiting mukha ni Ate Lea ang sumalubong sa aking paningin.

Inirapan ko siya.

She chuckled. "Kanina pa kayo hinahanap ni Tay Philip nandito ka lang pala. Dumaan ako sa bahay n'yo wala naman kayo. Nasaan pala ang Ate mo?" nagpalinga-linga pa ito.

Kaagad akong tumayo at hinarap ito.

"Hindi ko alam. Inaantay ko nga din e."

"Saan ba pumunta?"

Tinuro ko ang loob ng kakahuyan.

Nakakunot noo'ng tiningnan ako ng nagtatanong nitong mga mata. Akala siguro nagbibiro lang ako.

"Sinundan kasi namin kanina yung lalaking nakakabayo. 'Di namin namalayan napapalayo na pala kami. Tapos n'ong mahuli naman kami n'ong lalaki na sinusundan namin siya, kumaripas na ako ng takbo. Akala ko nakasunod lang si Ate sa akin. Hindi pala."

"Nakow! Kayo talagang dalawa! Umuwi ka na d'on at nag-aalala na ang mga magulang n'yo."

"Pa'no si Ate? Baka naligaw--"

Hindi na nito pinatapos pa ang aking sinasabi at kaagad akong marahang tinulak sa likod paalis. "Umuwi ka na. Malamang kasama na 'yon ni Señorito Miguel pabalik."

"Pa'no mo na--"

"Nakita ko s'ya kaninang mabilis na nagpapatakbo ng kabayo. Bigla na lang nawala. Hindi ko alam na dito pala s'ya sa kakahuyan pumunta. Sige na. Pauwi na rin ako."

Nag-aalangang tiningnan ko pa ito at nilingon ang kakahuyan. Nagdadalawang isip akong umalis. Ayaw kong basta na lang umuwi ng di kasama si Ate. Hindi nito ka-close si Miguel. Baka kung napa'no na 'yon. Baka naligaw kaya 'di nakasunod sa aking pagtakbo.

Unexpected Marriage: Bud Brothers Series 1 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon