ANG paglalaro nang mag-isa ay napakaboring. Buti nalang bumisita sina tita Rio ngayon at pinayagan ni si Nilo na maiwan dito sa bahay. Mamaya ay babalikan nita rin daw si Nilo pagkatapos ng work niya.
Nakaupo kami ngayon sa sahig ng pinsan ko habang naglalaro. "Ako nalang ito." Sabi ko sabay kuha sa pinakamalaki sa lahat ng laruang dragon.
"Ha hindi pwede. Ako yan." Inagaw niya sa kamay ko ang laruan at inabutan ng manika. "Ikaw yan. Kunwari hahabulin kita para kainin kita tapos tatakbo ka." Paliwanag niya.
"Ayoko, ako nalang yan." Habang tinuturo ang dragon. Ayoko ng manikang ito. Mukhang aso na unggoy na ewan. Tsaka yung dragon mas maganda kasi natatakot sa kaniya lahat. Yung manika—yayks boring!
"Yan nga ang sayo. Mas bagay yan sayo dahil babae ka. Alangan namang ako ang babae?" Sumimangot ako sa sinabi niya. "Ako ang dragon. Mas matanda ako sayo kaya dapat sundin mo ako."
Ano! Dahil lang mas matanda siya sa akin ng isang taon siya na ang masusunod sa amin dalawa? Mukha niya! "Lola, si Nilo ayaw akong pahiramin ng laruan!" Sigaw ko. Agad namang lumabas mula sa kusina si lola Tina at lumapit sa amin.
"Ano ba iyan mga apo. Kayo na nga lang dalawa ang naglalaro nag-aaway pa kayo." Suway niya sa amin.
"Lola, wala akong ginagawa sa kaniya."
"Meron kaya." Humarap ako kay Lola. "Ayaw niya akong pahiramin ng dragon eh yun nga po ang gusto ko." Sumbong ko
"Ako nga ito dahil lalaki ako. Sayo ang manika dahil babae ka. Hindi naman ako naglalaro ng ganyan eh!"
"Lalaki lang ba ang naglalaro niyan? May babae naman na dragon ah" Laban ko. Humarap ako kay Lola. "Diba lola, may dragon na babae?"
Nginitian kami ni Lola. "Alam niyo mga apo, ang c-cute niyo." Tawa niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Mas cute naman po ako sa kaniya." Sabi ko.
"Hindi na nga kita inaano eh!"
"Hayy tama na iyan" suway niya sa amin. Kinuha niya ang laruang dragon. "May ikukwento nalang ako sa inyo. Gusto niyo ba iyon?" Sabay na lumingon kami kay Lola.
"Opo, Lola! Ano po iyon?" Sabik naming tanong.
Hinalukipkip niya ang kanyang dalawang braso. "Secret muna. Hangga't hindi kayo nangangako na hindi na kayo mag-aaway na dalawa." Tinuro niya kaming dalawa ng oinsan ko. Nagtinginan kami ni Nilo.
Aba'y nakakainis naman kasi talaga siya. Kadamutan. Ibabalik ko rin naman yung dragon niya. Ano namang akala niya sa akin, mang-aangkin? Hindi nalang sana siya naiwan dito.
Inirapan ko siya.
NILO
HA asa siya. Makipagbati siya sa salamin. Akin ang laruan na ito kaya ako ang masusunod. Okay lang kahit hindi ikuwento ni Lola yung kuwento niya. No big deal.
Inerapan pa ako ha. Siya pa talaga ang may lakas ng loob para mangganyan. Sa bagay mga babae lang naman gumagawa niyan.
I crossed my arms at tinignan siya nang masama.
"Ahh ayaw niyo?" Nakangiting tanong ni Lola. "Eh di hindi ko nalang ikukuwento." Tumayo si Lola kaya't sabay kaming napatingin ni Lian sa kaniya.
Hinawakan siya ni Lian sa braso. "T-teka Lola," agad akong nag-iwas ng tingin noong lumingon si Lian sa akin. Bahala ka jan.
LIAN
"M-MAGBABATI na po kami." Alam ko rin naman na gusto ni Nilo malaman ang kuwento. Nagmamatigas lang yan.

BINABASA MO ANG
Unknown Beings
FantasyMga mahihiwagang nilalang, diwata, duwende, anghel, dragon-ano ang gagawin ng isang labing walong taong gulang na babaeng si Lian Ventaru kung siya ay mapunta sa kanilang lugar? Mapipigilan kaya niyang makapasok sa ating mundo ang gulo sa alter univ...