After 11 years
"GUMISING ka nang bata ka!" Nagising ako nang may tumamang malambot at mabigat na bagay sa mukha ko. Tinanggal ko iyon at nakita si Inang mahal na nagmamadaling nililigpit ang mga kalat sa aking kuwarto. "Ang tanda-tanda mo na hindi ka pa rin marunog magligpit nang mga kalat mo!"
Humikab ako at tinabi ang unan na binato niya sa akin kanina. Napunas pa doon ang laway ko. "Anong oras na, Ma?" Tanong ko.
"Tanghali na! Bumangon ka na riyan. Hindi ka ba papasok? Ano? Sabihin mo lang at hindi na kita pag-aaralin!" Chineck ko ang alarm clock ko.
"Oh my tanghali na nga!" Dali-dali akong tumayo at tumakbo sa banyo. 7:10 na ng umaga. Talaga nga naman. Bakit hindi ko narinig ang pagkringg ng alarm?
"Naku ilang beses ka ba kailangang malate para magtino! Paalarm-alarm clock ka pa eh wala namang silbi. Hindi tumatalab sayo! Ano ba ang kailangan mong alarm? Ang pinagsama-sama tunog ng mga takip ng kaldero? Hay nako! Buti nalang talaga at nag-iisa ka lang. Ikaw lang ang nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo!" Speech ni mama habang naliligo ako. Hindi ko masyadong naiintindihan ang iba niyang sinasabi dahil sa ingay ng shower.
"Oh baka gusto mo bihisan pa kita!" Bungad niya sa akin pagkalabas ko sa banyo.
"Hindi na, Ma masyado na iyong nakakaabala para sayo. Tsaka baka mahirapan kang abutin ako." Pang-aasar ko sa kaniya. Obviously, mas matangkad ako sa aking nanay. "Ayoko pa namang nahihirapan ang aking mahal na inang lupa---aray!" Buti nalang nakailag ako nang konti. Ang braso ko lang ang natamaan ng bote ng lotion na binato niya. Muntik pang mahubad ang tuwalya na nakatapis sa aking katawan.
Ang hilig mambato ni Mama. Mukha ba akong ring ng basketball? Buti nalang din at konti nalang ang laman nun kung hindi—wala na may bukol na ang aking perfect na ulo.
"Animal ka talagang bata ka!"
"Magbibihis na ako Ma, labas ka na." Tinulak ko siya with care papalabas ng pinto. Ang dami niya pa ring sinasabi habang tinutulak ko siya. "Mag-ayos ka na ha. Hindi mo ba alam kung anong oras na? Mahuhuli ka na naman----" sinara ko na ang pinto.
"Hintayin mo nalang ako sa labas Mamey!" Sigaw ko.
Nagbihis na ako nang real quick mas mabilis pa sa speed. Sinuklay ko ang kulot at mahaba kong buhok (sa ulo ha). Wala na akong time magblower kaya hinayaan ko nalang na nakalugay ang buhok ko. Hindi ko rin naman ito pwedeng itali dahil basa pa. Nagbaon nalang ako ng tali sa buhok para mamamaya.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kuwarto. Sinuot ko na ang black shoes ko na sobrang bagay sa aking uniform. Lumabas na akong bahay. Nakaparada na ang kotse ni Mama sa labas. Sa driver's seat siya nakaupo. Kahit hindi ganon kagaling magdrive ang aking Inay ay wala akong magagawa dahil walang ibang magd-drive para sa amin.
Ewan ko nga dito kay Mama kung bakit ayaw niyang maghire ng driver. Mas better kaya yun.
Sumakay na ako ng kotse. "Kinain mo ang sandwich na ginawa ko?" Tanong niya habang nagli-lipstick. "May sandwich?" Balik ko. May sandwich pala, hindi ko alam.
"Oo nandoon sa kusina."
Lumabas ako ng sasakyan at tumakbo sa kusina. Nakita ko naman doon kaagad ang sandwich. Pero nawala ang cravings ko nang makita ang isang pangit na nilalang sa pagkain ko. "Ate Miling!! May ipis!" Sumulpot mula sa kung saan si Ate Miling (ang aming kasambahay).
"Ha? Saan?"
"Ayon oh! Ayon oh!!" Turo ko sa sandwich.
Lumapit siya sa paglain at pinitik ang ipis. "Bakit mo pinitik? Patayin mo! Patayin mo!" Owemji siya! Naawa pa sa ipis.
BINABASA MO ANG
Unknown Beings
FantasiMga mahihiwagang nilalang, diwata, duwende, anghel, dragon-ano ang gagawin ng isang labing walong taong gulang na babaeng si Lian Ventaru kung siya ay mapunta sa kanilang lugar? Mapipigilan kaya niyang makapasok sa ating mundo ang gulo sa alter univ...