II: Motivated

1 0 0
                                        

NUNG nalate ako kahapon, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako male-late pang muli. Ayoko nang mapagalitan at mapag-iwanan. Namissed ko ang first subject—which is math. Malas. Hindi ba naman ako pinapasok. Kaya heto, nasa harap ako ngayon ng faculty at hinihintay na papasukin ni Sir Harold. Kailangan ko raw magquiz pero doble sa sinagutan ng mga kaklase ko. 50 ang sinagutan ng mga kaklase ko kaya oo tama kayo, 100 ang kailangan kong isolve. Ang saya diba? Parang straight to heaven na.

"Ms. Ventaru, come in." Tawag ni Sir. Pumasok ako sa faculty nang nakayuko. Kakahiya sa mga teacher dito. Binabati ko ang ang bawat teacher na madadaanan ko. I'm still respectful you know. Nasa pinakalikod pa ang desk ni sir kaya lahat ng teacher ay swerteng nakatanggap ng greet mula sakin. Chos.

"I already told you earlier na 100 pages ang sasagutan mo." Sabi niya habang may hinahanap sa drawer ng desk niya.

Oo sinabi na ni sir kanina kung ilan ang sasagutan ko. Sinbi ko na rin sa inyo diba----wait what?! Tama ba ang rinig ko? 100 p-pages?!

Hindi ako makapaniwalang nakatitig kay sir. Namumutla ba ako? Feel ko namumutla na ako. Joke lang yun diba? 100 pages? This man is kidding me.

Hindi naman 50 pages ang sinagutan nila kanina ah. Sabi ni Cleyr kanina.

"Upto number fifty ang sinagutan namin, hindi naman masyadong nakakamatay kaya, less worries mare."

May kinuhang folder si Sir. "I'm sure nagreview ka na kanina. You're lucky because may time kang makapagreview, ang mga kaklase mo ay binigyan ko na kaagad ng quiz papers." Lucky pa ako sa lagay na 'to ha.

"S-seriously sir? 100 p-pages?" Hindi mo ba alam sir, murder yun!

"100 pages? No HAHAHAH pinapakaba lang kita. Successful naman diba?" Tawa niya. Mukha po ba akong natutuwa sir? "Here," inabot niya sa akin ng paper. "You can answer it here."

"'You can answer it here' sounds like a choice sir. So pwede ko rin po ba itong answeran sa labas?" Ngiti ko.

Tinignan niya ako ng seryoso. "Sabi ko nga po sasagutan ko po dito. Right here, right now." Sinulatan ko na nang pangalan ko ang paper at kunwaring serious sa pagsagot.

"I want to see your solution." Habol niya pa. Napakaunfair. Kapag siya pwede magjoke tapos kapag ako may ganyanan?

Okay na sana ako sa 100 mathematical problems eh, pwede kong hulaan nalang at imagic ang answer ko, tutal karamihan naman dito ay with choices. Pero okay na rin ako sa with solutions. Dzuhh Lian Ventaru kaya 'to.






MALAPIT nang magfive nang hapon. May 13 pa akong sasagutan. At ang 13 na yun ang walang choices. Huhu help me Lord.

Nakamumud na ang mukha ko sa paper ko at tinutok-tok sa sa ulo ang ballpen. Bakit wala nang lumalabas na sagot sa utak ko? Nadrain na siguro.

Magtatanong nalang ako kay sir kung paano ito. Hindi naman masama ang magtanong diba. "Sir, paano po ito? Hindi ko po kasi gets." Turo ko sa paper.

Ilang segundo pang naiwan ang tingin ni Sir sa computer niya bago tuluyang humarap sa akin. Tinuro niya naman agad sa akin kung paano makukuha ang sagot. Sinulat niya sa solution paper ang equation na magagamit ko. "Thank you sir!" Ngiti ko. Bumalik na siya sa ginagawa niya. Sinimulan ko nang isolve yung problem gamit ang equation na sinabi ni sir.

Pagkatapos kong makuha ang sagot sa una ay hindi ko na naman alam kung paano masosolve ang susunod. Hindi naman kasi ako nagreview kanina. Hindi ko alam kung anu-ano ang mga pinaggagagawa ko kanina.

Napaayos ako nang upo nang may maisip na ideya. Dahil pinakaba ako ni sir kanina, babawi ako sa kaniya. Madalas kong napapansin na wlaa si Sir sa sarili niya kapag nakafocus siya sa isang gawain at may kumakausap sa kaniya. Busy si sir sa computer niya. So...hehe.

"Sir," Pagtawag ko sa kaniyang atensyon.

"Hm?" Hindi niya ako nilingon. Ibig sabihin nakafocus siya sa ginagawa niya. Pinagdikit ko ang mga palad ko at pinagkiskis. The plan starts now. Sana nga lang ay gumana.

"Ano pong equation ang gagamitin dito sa number 15, 37, 58, 62, 65, 73, 78, 79, 81, tapos dito po, tsaka dito, tas dito?" Matapos kong ituro ang mga blangko ay inabot ko sa kaniya ang paper at ballpen. Nakatalikod siya sa akin dahil nakaharap siya sa computer niya.

Nauto ko siguro talaga si Sir. Mukhang sinusulat niya ang equation sa lahat ng sinabi ko. Maya-maya lang ay binalik niya sa akin ang paper at ballpen.

Yes yes yes. Mapapadali ang gawain ko!

Nawala ang malawak na ngiti sa aking mukha nang makita na hindi equation ang sinulat ni Sir.



I am busy with my work, and so please you are supposed too. I am not giving you that quiz for me to answer. Para sayo yan, para matuto ka. Huwag mong iasa sa iba ang iniatas sa iyo. I gave those problems to you kasi alam kong magagawa mo yang masolusyonan. Believe in yourself. Now, you just have to prove me I'm right. :)


Gusto kong mamotivate sa sinabi ni Sir, pero this is too much. Char.


Hindi man equation ang sinulat ni, binigyan naman niya ako ng lakas ng loob.

Tama si Sir, ito ang pinagawa niya sa akin dahil alam niyang kaya ko 'to. Kung naniniwala siyang kaya ko, I also have believe na kaya ko—not just to believe, I have to show him that I am not a disappointment.

Hinawakan ko ang ballpen at nagseryoso sa pagsagot. These are just basic problems, I am a great solution.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unknown Beings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon