Meron mo nang ako, bago siya.
Miguel's Point of View
"Pwede ko bang yayaing maglakad-lakad sa bay-bayin ang aking pinakamamahal na prinsesa?" Tanong ko sa aking napakagandang matalik na kaibigan.
Bumaling siya sa akin at ngumiti tsaka tumakbo papalapit sa akin. "Oo naman, mukhang kailangan ko nga rin talaga iyan." Sang-ayon niya at naunang lumabas ng kaniyang kwarto.
Sumunod ako sa kaniyang lakad hanggang sa makalagpas na kami sa mga bahay na gawa sa kahoy at nipa. Hinintay ko talagang makatapak na kami sa buhangin bago ako mag simulang mag salita.
"Ikakasal ka na bukas. Masaya ka naman diba?" Malumanay kong tanong sa kaniya.
"Oo naman, napakasaya ko Miguel. Sa subrang saya ko, parang gusto ko nang ilipat ang araw ng kasal namin sa gabiing ito." Humagikhik siya ng tawa at peke naman akong nakisabay sa kaniya.
"Nako, baka may paniking pumunta sa kasal niyo dahil gabi tapos nasa dagat pa ang venue." Pabiro kong sambit na ikinainis niya. Tinampal niya ako ng mahina which made me laugh loudly.
"Wala kanang matinung sinabi. Iyan lang ba ang sasabihin mo at inaya mo ako mag lakad sa baybayin?" Napipikon na niyang kompronta sa akin.
Kung alam lang niya, napakarami kong gustong sabihin at ipagtapat sa kaniya ngayong gabi. Kung hindi lang ako natatakot at nangangamba, noon ko pa sana ipinagtapat sa kaniya ang lahat.
"Ito naman hindi ma biro. Syempre may matino akong sasabihin sayo rito. Aayain ba kita sa tabing dagat kung iinisin lang kita." Mapanuyong sagot ko.
"Sige nga, ano ang sasabihin mo sa akin." Hamon niya.Huminga ako ng malalim at tumingin sa kalangitan. Dahan-dahan akong umpo sa buhangin at ganoon din ang kaniyang ginawa.
"Promise me na kapag natapos ako sa sasabihin ko sa iyo, hinding hindi magbabago ang pakikitungo mo sa akin. Tsaka isapa ikakasal ka na naman bukas kaya alam kong wala nang talab ang mga ipag tatapat ko sa iyo ngayon." Explina ko sa kaniya, sabay hingi ng kondisyon.
Bumaling siya sa akin at mariin akong tinitigan sa mata. Sa mukha niya ngayon parang hindi nanga tatalab ang mga ipag tatapat ko sa kaniya. Isa rin sa dahilan kung bakit ngayon lang ako magtatapat ng damdamin sa kaniya.
"Ano nga kasi yon, ito naman oh ang tagal tagal sabihin sakin. bakit di mo nalang diritsyohin at nang matapos na tayo. Nilalamig nako Miguel." Reklamo niya na ikinatawa ko na lamang.
"Hinintay ko talagang dumating ang araw na ito bago mag tapat sa iyo. Lahat lahat na nadama ko, ipagtatapat ko sa iyo sa gabing ito." Malumanay kong sabi.
"Naalala mo noong 18th birthday mo?" Tanung ko sa kaniya.
"Oo, ano naman ang tungkol doon?" Tipid niyang sagot.
"Tinanong mo ako kung may nagmamahal ba sa iyo ng palihim. Kung may dumadalangin ba sa iyo na mapa sakaniya ka o dikaya'y may palihim bang nakatingin sayo habang naglalakad ka mag-isa." Mahabang sambit ko at tanging tango at tawa lamang ang isinagot niya sa mga sinabi ko.
"Naalala mo pa pala ang mga 'yon. Syempre as a teenager mag tatanong talaga ako, tsaka ikaw kaya boy best friend ko. Baka diko alam may kakilala ka palang may gusto sakin pero hinaharang mo lang diba." Nanglilisik na tumingin siya sa akin na ikinatawa ko.
"Wala akong niisang hinarang sa mga may gustong manligaw sayo. Ako pa nga nagbibigay nang payo kung papaano ka nila mapapasagot." Dipensa ko sa aking sarili.
"Oh tapos ano pa? mag kwento ka pa, bako sa susunod oh sa makalawa makalimotan ko na ang mga pangyayaring yan dahil busy nako sa married life ko." Seryosong bulalas niya at tinapik ang aking balikat.Tumango ako at nagsimula na muling mag salita.
"Felly pa ano kung sabihin ko sa iyo na... Na hindi malabong may nagkakagusto sayo ng patago at pinagmamasdan ka sa malayo. Palihim kang minamahal at tahimik kang ipinagdarasal na sana.. Sana ay maging sa kaniya ka balang araw. Maniniwala ka kaya?" Tanung ko sa kaniya.
Tumingin siya sa itaas at ibninaling doon ang buo niyang atensyon. Akala ko ay hindi na siya sasagot sa tanong ko, pero ibinaling niya ang kaniyang mga mata sa direksyon ko.
"Mahal kita, noon pa." At ayon, nabigkas at naamin ko din ang damdamin ko sa kaniya.
Hindi naman pala mahirap ang umamin, tanging tayo lamang na may pagtingin sa isang tao ang kusang bumubuo ng mga bagay na ikinatatakot natin. Na ikinadadahilan kung bakit hindi natin maamin sa taong napupusoan natin ang lihim nating pagtingin.
Nakatitig lamang siya sa akin pagkatapos kung aminin sa kaniya ang lihim kong damdamin sa kaniya. Ngumiti ako ng pilit at nagsalitang muli.
"Alam mo noon pa naman iyon, hindi na ngayon. Mas gusto ko lang na sabihin iyon sa iyo upang mawala na sa isip ko ang mga bagay na iyon. At alam ko ring hindi mo na papansinin ang mga sinabi ko sa iyo sa gabing ito dahil masaya ka na sa buhay na pinili mo ngayon." Nakangiti ako habang binibigkas ang mga salitang iyon sa kaniya. Habang siya at tahimik na nakatingin lamang sa aking mga mata.
"Bago si Anton, meron mo nang ako. Na palihim na nagmamahal at nagdarasal na sana ako ay mapansin mo." Malapad nangiti kong sabi tsaka dahan dahang tumayo mula sa pagkaka-upo sa buhangin.
"Tara na! giniginaw ka na diba? Baka pagalitan ako ni Anton kapag na laman niyang hinayaan kong ginawin ang future wife niya." Pabiro kong sambit at hinila na siya patayo.
"Ang ganda pakinggan kapag pinag sama ang pangalan mo at apilyedo ni Anton. Gusto mo ipagdugtong ko ngayon?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.
"Si-ge nga, ih try mo nga kung maganda bang pakinggan." Hamon niya sa akin. Tinapik ko ang kaniyang balikat at kinindatan siya bago tuloyang magsalita.
"Mrs. Feloimeni Desierro Velosantos. Kita mo yon?! Ang gandang pakinggan diba!" Masayang sigaw ko at tatawa tawang pinipikon siya.
"Oo, maganda nga pakinggan." Sangayon niya sabay ngiti ng malapad.
"Tara na Miguel bumalik na tayo sa loob. Gusto ko nang matulog dahil maaga pa ang serimonya ng kasal bukas." Aya niya sa akin at pumaunang naglakad pabalik sa looban.
Tahimik ko siyang pinagmasdang naglalakad papalayo sa baybay. Ngumiti ako sa kahuli-hulihan bago nag iwan ng isang kataga.
"Kung magmamahal man akong muli, sisiguradohin kong hindi na sa ganitong paraan."
February 16, 2015

YOU ARE READING
TO MY DEAREST MIGUEL
Romance"Bago si Anton, meron mo nang Miguel sa buhay mo. Na palihim na nagmamahal at nagdarasal na sana ako ay mapansin mo." Malapad nangiti kong sabi tsaka dahan dahang tumayo mula sa pagkaka-upo sa buhangin. "Kung magmamahal man akong muli, sisiguraduhi...