Kabanata 3

3 0 0
                                    

Brother.


Tahimik akong lumapit sa mesa at hinila ang upuang naka pwesto sa aking harapan. Umupo ako at walang hiya-hiyang kinuha ang tsaang nilapag niya sa mesa para sa akin. Hinipan ko mo na ito tsaka ko dahan-dahan ininom ng tahimik.

Iniwasan ko talagang gumawa ng ingay kahit unting kaskas lang sa aking gilid. Baka kasi mapagsabihan na naman ako ng hindi maganda ng taong nasa harapan ko ngayon. Napaka seryoso at vocal niya, sa tuwing may sinasabi siya laging nakakasakit ng damdamin.

Ewan ko ba talaga kong ganito siya trumato ng ibang tao o baka sa akin lang dahil pinagsisisipa ko siya kagabie dahil sa kalasingan. Kahit lasing ako, alam ko at tanda ko ang mga galaw na pinag-gagagawa ko no.

"Uubosin mo ba ang tsaang yan o tititigan mo lang ako hanggang sa lumamig yan."

Agad kong inalis nag aking mga mata mula sa pagkakatitig sa kaniya at lumingon sa ibang direksyon. Pati ba naman ang pagtingin ko sa kaniya nahahalata niya. Hinigup ko na nang tuloyan ang tsaa at nilapag ito pabalik sa mesa.

Nakita kong napahinto siya sa pagbabasa at tinignan ang tasa wala nang laman. Bumaling ang tingin niya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Aba't hina hamon talaga ako nang lalaking to ah!

"I see that you're done drinking it. Let's go, I'll bring you to someone na magaasikaso sayo hanggang sa umayos na iyang itsura mo." Bulalas niya sabay tayo mula sa pagkakaupo tsaka na unang umalis ng veranda.

Tulala kong pinagmasdan ang papaalis niyang rebulto tsaka nagmamadaling sinundan ang kaniyang yapak. Saan niya ako dadalhin? Sino ba talaga ang lalaking to at parang kanya ang buong baryo.

"Suotin mo yan," Sambit niya sabay tapon sa akin ng puting bathrobe.

Nagaalangan ko naman itong isinuot sa aking katawan habang nakasunod pa rin sa kaniyang likoran. Hindi ko alam kung bakit sumusunod ako sa kaniya gayong hindi ko naman siya kilala.

Hindi ko naman siya tatakasan ih! Magpapaalam naman ako kapag aalis nako sa resort, tsaka syempre no! Marunong akong mapagsalamat. Baka akala nito aalis ako ng walang sinasabing salamat sa kaniya.

Lokong to! Hindi naman ako scam!

Pagkalabas namin ng kwarto ay bumongad sa akin ang napakalaking kalooban ng bahay. Teka, bahay ba ito? Hindi ba't nasa suite lang dapat kami? Dapat na sa isa sa mga hotel lang ako ng resort nato?

Nanuyo ang buo kong lalamunan habang nagmamadaling sinusundan ang bawat lakad na ginagawa ng lalaking nasa unahan ko. Parang kabisado niya lahat ng pasikot-sikot sa building nato.

Nang hindi ko na matagalan ang pagiging tahimik ay hinila ko na siya ng malakas. Napahinto siya sa aking harapan at tinitigan ako ng walang ka emo-emosyon niyang mukha.

"Teka nga lang!" Sigaw ko at napapalingo-lingo sa paligid. "Saang lugar mo ba ako dinala ha!" Sigaw kong muli sa kaniya. "Bakit napakalaki ng lugar nato? nasa isang building ba ako? nasa isang resort pa naman ako diba? huy! sumagot ka! sagot!" Nnaginginig kong sambit habang niyuyug-yog ang kaniyang balikat.

Hindi pa rin siya kumi-kibo at na natiling nakatitig lamang sa aking mukha. Ano ba ang problema ng lalaking to at bakit hindi makasagot sa mga pinagtatanong ko sa kaniya.

"Huy! nakikinig ka ba ha! Ang sabi ko---.."

Na hinto ako sa pagsasalita ng may biglang sumingit. Dahan dahan akong lumingon sa aking likoran at nakita ang isang matandang babae na naka suot ng isang pang maid na damit. Nakangiti siyang nakatingin sa akin tsaka ibinaling ang kaniyang paningin sa lalaking nasa aking likoran.

"Miguel, siya pa nag tinutukoy mo kanina?" Tanong ng matandang babae.

Na gulat ako sa kaniyang pagtawag sa lalaking nasa aking likoran. Alam niya ang pangalan nito at, Miguel? Tama ba ang dinig ko? Miguel ang pangalan niya?

"Teka, magandang umaga po. Ano po ang ibig niyong sabihin na ako ang tinutukoy ng lalaking to kanina? Ano po ba ang pinagsasabi nito tungkol sa akin?" Nagugulohan kong tanong sa matanda.

Ngumiti siya sa akin at itinuro si Miguel. "Ija, halika na't makapagbihis ka. Ang dungis-dungis mo na, hindi tuloy makita ang kagandahang mayroon ka." Nakangiting sambit niya at hinila na ako papalayo.

"Teka lang---."

Bago paman ako makapagprotista ay nahila na niya ako nang tuloyan. Paglingon ko sa direksyon kung nasaan si Miguel ay wala na siya roon. Ang bilis niyang makaalis, para siyang tutubi na kung saan-saan nalang pumunta sa tuwing nagigipit.


TO MY DEAREST MIGUELWhere stories live. Discover now