Hangover.
"Fuck." Daing ko nang magising sa init ng araw na tumapat sa aking mukha.
Unti-unti kong ibinuka ang aking mga mata at nakitang nakahawi na ang puting kurtina. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at inihilig ang aking likod sa sandigan ng kama.
Sinuyod ko ang buong paligid kahit ang sakit pa nang aking mga mata sa tuwing ibinubuka ko ito. Walang tao sa loob ng kwarto maliban sa akin. Kinapa ko ang katawan ko at nakitang may saplot pa ako.
Siguro nga totoo ang mga sinabi sa akin ng lalaking tumulong sa akin kagabi. Pero hinayaan niya pa rin akong matulog na basang basa at punong puno ng buhangin ang damit.
Nanatili mo na ako sa ganoong posisyon hanggang sa makalikom na ng lakas. Ang sakit sakit pa rin ng katawan ko at para bang gusto kong humigang muli pero ang dungis-dungis ko pa at walang ligo.
Dahan-dahan akong umalis sa kama at itinapak ang dalawang paa sa sahig ng kwarto. Wala ako masyadong alam sa resort nato dahil hindi ko naman plinano na dito pumunta. Pero sa mga nakikita ko, mukhang mayaman sa gamit ang beach resort na na puntahan ko.
Ang lambot nag kama tapos ang ganda pa ng view. Mukhang ginawa talaga ang resort nato para mag enjoy ang mga taong nais magpag-isa. Nakangiti kong sinuyod ng tingin ang buong kwarto hanggang sa mapadapo ang aking mga mata sa isang picture frame na ibabaw ng kama.
Mukha itong family picture. Siguro sila ang may-ari ng resort nato kaya nandito ang picture frame nila dahil... wala baka trip lang ng may-ari.
Naglakad ako palapit sa bintana at hinawi ang magkabilang kurtina. Tumambad sa aking harapan ang napakagandang tanawin ng kulay asul na dagat. Binuksan ako ang magkabilang sliding doors at nagmamadaling lumabas.
May teresa pala ang mga kwarto ng resort nato halata talagang subrang yaman ng nay ari nito. Ang alam ko lang sa ibang resort pupwede na ang may kwarto at dagat. Dito parang kumpleto yata lahat sa gamit at hindi masasayang ang pinambayad mo.
"Ang lasenggera ay gising na sawakas."
Napatalon ako sa gulat ng may biglang mag salita mula sa aking likuran. Agad akong lumingon at hindi na ininda ang pagikot ng aking paningon. Masakit pa rin talaga ang ulo ko, lalo na't agad agad ko itong iginagalaw.
"Anong lasenggera ang pinagsasabi mo." Nanginginig na sambit ko.
Tumitig lamang sa akin bago nag salitang muli. "Oo, ikaw lasenggerang bata." Pag-ulit niya sa kaniyang sinabi.
"Aba't inulit mo pa talaga." Iritado kong bulong sa aking sarili.
"Uminom ka mo na ng tsaa. Ilalapag ko nalang dito baka mangagat ka kapag lumapit pa'ko." Bulalas niya sabay lapag ng isang tasang tsaa sa mesa.
Akala ko ay aalis na siya ngunit hinila niya ang isang upuan na nasa kaniyang tabi at doon umupo. Aba't may gana pa talaga siyang umupo sa harapan ko pagkatapos niya akong tawagin ng "Lasenggerang Bata!"
"At bakit na rito ka pa? Hindi ka ba lalabas?" Utal-utal na sambit ko sa kaniya.
"Inumin mo na ang tsaa at pagkatapos ay pabibihisan na kita. Ang dumi mo na at ang baho, masyado kang kampanteng uminom mag-isa. Akala mo't kaya na ang sarili mag isa pero pag nalasing hihiga-higa na sa buhangin." Insultong bulalas niya tsaka binuksan ang news paper na hawak-hawak niya kanina pa.
Putang inang lalaki to, akala mo kung sino. Ano ba ang ipinuputok ng butchi niya at kong manginsulto ay parang kanya ang resort nato! At wala naman sa plano ko talaga na magpakalasing no!
Tanginang yan, bigwasan kita ih! Gigil mo'ko.
November 10, 2006

YOU ARE READING
TO MY DEAREST MIGUEL
Romance"Bago si Anton, meron mo nang Miguel sa buhay mo. Na palihim na nagmamahal at nagdarasal na sana ako ay mapansin mo." Malapad nangiti kong sabi tsaka dahan dahang tumayo mula sa pagkaka-upo sa buhangin. "Kung magmamahal man akong muli, sisiguraduhi...