Unknown.
Feloimeni's Point of View
Ang malakas na hampas ng alon at malamig na simoy nanghangin ang mismong nagpagising sa tulog at wala sa sarili kong katauhan. Nakahandusay ako sa buhangin habang hawak hawak ang bote ng alak sa aking kanang kamay.
Wala sa sariling kinapa ko ang aking katawan, mula saking dibdib hanggang sa parting baba ng aking beywang. Dahan-dahan akong bumangon kahit masakit pa ang aking ulo at katawan. Hindi ko alam kung bakit na punta ako sa bandang ito gayong naroon lamang ako sa karatig na cottage na pinag-inuman namin.
Wala sa sariling tumayo ako ngunit dala ng kalasingan at kahinaan ay natumba ako. Naiiyak nako sa sakit ng aking ulo, masyadong madilim ang buong paligid at wala na ako masyadong nakikitang tao na dumadaan sa baybayin.
Pinilit ko muling tumayo at ipinantukod ang boteng kanina ko pa hawak hawak. Huminto ako saglit tsaka tuloyang tumayo at sa pangalawang pagkakataon ay muntik nakong sumubsub sa buhangin.
Isang mainit na palad ang biglang dumapo sa aking balat, habang dahan dahan itong pumulupot sa aking beywang. Upang bigyang suporta ang aking katawan mula sa pagkakatumbang muli.
"Huy! Kung may balak kang gahasain ako huwag mong itutuloy! Baka mapatay ka ng pamilya ko!" Lasing kong sigaw, ngunit wala akong boses na narinig.
Tanging ang hampas lamang ng alon at mga bituing nagnining-ning sa langit ang tangi kong naaaninag. Unti-unti ko na mamalayan na inaangat ako mula sa pagkakatayo ng isang taong hindi ko naman naaaninag. Hindi ko nga rin alam kung talaga bang tao ang kaharap ko ngayon oh maligno na nakatira sa ilalim ng dagat.
Hindi kumibo ang taong nasa harapan ko, hanggang sa unti-unti ko nang na mamalayan na umaangat na ang aking katawan. Mabilis kong iginalaw ang aking mga paa, sa pagbabakasakaling makalayo sa taong nasaking harapan ngayon.
"Lumayo ka nga sakin!" Galit kong sigaw at nagpupumiglas sa kaniyang mga kamay.
Kahit anong lakas ng sipa at pagpupumiglas ang gawin ko, hindi pa rin niya nabibitiwan ang beywang at kamay ko. Ano bang klasing tao ang nasa harapan ko ngayon? Tao ba ito oh maligno?
Huminto ako sa pagpupumiglas at napansing karga-karga na ako ng taong mayhawak sa akin ngayon. Lasing at wala sa katinuang napatingin ako sa kalangitan, kahit hindi ko masyadong malinaw na naaaninag ang kalangitan. Alam kong maaliwalas at payapa ang kalangitan.
"Saan tayo punta?" Nakangiti at wala sa sarili kong tanung sa kaniya. "To the moon?" Malandi kong sabi.
Matino pa ang isip ko kanina, pero dahil sa alak nag-iba bigla. Wish me luck!
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lamang sa paglalakad ng tahimik. Ano ba ang problema ng taong ito? Kung tinutulongan niya akong huwag dalhin ng alon sa ibang isla, edi thank you! Pero kung tinutulongan lang niya ako dahil may masama siyang balak, no thanks!
[Fuck. Ang sakit na nang ulo ko.] Reklamo ko sa aking sarili.
Maya-maya pa ay biglang huminto ang lalaki sa paglalakad. Wala na akong lakas pang bumangon at itulak siya sa akin palayo dahil subrang sakit na talaga ng ulo ko. Gusto ko na lang himatayin sa harapan niya kaso hindi ko alam kong mabuting tao ba talaga ang taong ito.
Isang tunog ng bukas na pinto ang na dinig ko dahil ng pagkataranta ng aking isipan. This is it, katapusan ko na talaga. Wala na, mawawala na ang matagal kong pinaka iniingat-ingatan kong bagay sa aking sarili. lord! Please wag mo na ngayon.
Mangiyak-ngiyak akong ibinaba ng lalaki, lalaki nalang ang ididiscribe ko sa kaniya dahil basi sa katawan niya para siyang lalaki. At kung hindi siya lalaki, hindi niya ako dadalhin sa isang kwartong walang ibang tao kundi ako at siya lang!
Nang madama ko na ang malambot na kama ang buo kong pagkatao ay nanlamig sa kaba. Naiiyak na humangos ako at nagdarasal na sana hindi pa ito ang kataposan ng sarili kong kaluluwa. Ina-amin kong hindi nga dapat ako tumakas sa amin at nagpunta sa islang hindi ko naman alam kong saan pero basta na lamang akong dinala ng aking mga paa rito.
Wala na nga ako sa katinuan. Sana naman huwag maging demonyo ang taong may karga sa akin ngayon.
Nakaramdam ako nang pag-alog sa kama, dahilan nang pag-atras ko ng walang lakas. Nanglulumong ipinikit ko ang aking mga mata at handa nang isuko ang buong pagkatao ko sa lalaking hindi ko naman kita kung anong hugis at wangis mayroon siya.
"Kumotan mo ang sarili mo, hindi ka naman siguro lumpo."
Nagulantang ako sa kaniyang boses at mga sinabi. Kasabay niyon ang pagdapo ng isang makapal na comforter sa aking katawan na ikinahinga ko ng maluwag.
Hindi ko talaga alam kong ano ang mararamdam ko ngayon, gayong hindi naman pala masamang tao ang nakapulot sa akin sa tabing dagat. Dahan-dahan kong kinumotan ang aking sarili at bumaling sa kaniyang direksyon kahit hindi ko lubos maaninag ang kaniyang mukha.
"Iinom-inom ka tapos hindi mo din naman pala kaya. Matulog kana, masyado kapang bata para uminom ng mga matatapang na inomin." Iyon lamang ang una't huling boses na na dinig ko bago tuloyang na walan na nang malay dahil sa kalasingan.
November 9, 2006

YOU ARE READING
TO MY DEAREST MIGUEL
Romance"Bago si Anton, meron mo nang Miguel sa buhay mo. Na palihim na nagmamahal at nagdarasal na sana ako ay mapansin mo." Malapad nangiti kong sabi tsaka dahan dahang tumayo mula sa pagkaka-upo sa buhangin. "Kung magmamahal man akong muli, sisiguraduhi...