Embarrass.
Pagkatapos kong magbihis lumabas ako agad ng kwartong iyon. Hindi ko alam kung saang banda ang veranda na sinasabi ng matandang babae kanina sa akin. Wala akong choice kundi ang hanapin ang parting veranda na habilin sa akin ng matanda. Maliban sa veranda na meron ang kwartong pinagtulogan ko kagabi, wala na akong alam pang ibang parte ng bahay na ito dahil hindi naman ako kaylan na punta dito.
Ngayon lang talaga.
Naglakad-lakad ako sa gitna ng hallway habang tumitingin sa paligid. Nang makita kung dead end na ang hallway na dinadaanan ko, kaagad ako naka dama ng kaba sa dibdib ko. Mapagkakamalan talaga akong magnanakaw nito dahil kung saan-saan na lamang ako pumupunta at pumapasok.
Lumingon-lingon ako sa paligid, nagbabakasakaling baka may daanan pa. Pero huli na ang lahat dahil may biglang humila sa aking kamay dahilan lang pagkbigla ko.
"Puta!" Sigaw ko sa gulat at pilit na sinasabayan ang mabilis na lakad ng babaeng may hawak sa kamay ko. Muntik nakong sumubsob sa sahig habang kinakaladkad ako ng taong humila sa akin.
"Sino ka?!" Nagugulahan kong tanong.
"It's not for you to know." Malditang sagot ng babae na ikinainis ko ng subra.
Aba at ang maldita! Kapag talaga na laman ko kung sino kang bruha ka, hindi ka talag sisikatan ng araw bukas! Galit kong hinila pabalik ang kamay ko dahilan ng pagatras niya. Hinablot ko ng mabilis ang kamay ko at galit na tinitigan siya. Hindi ito ang babaeng nakita ko kanina na tinawag si Miguel na kapatid.
Ibang babae ang kaharap ko ngayon kaya't nakakapagtaka. Ilang magkakapatid ba sila at bakit parang galit lahat sa akin dito? Ako ba nag dala nang sarili kong katawan dito? Hindi naman diba, si Miguel ang nagdala sa akin dito.
"Ano ba ang problema mo!" Sigaw ko sa inis at hinilot ang palapulsohan ko. Nguniti siya ng nakakaluka tsaka ako tinalikuran at nag lakad palayo. Pero bago paman siya makalayo ay may sinabi siya sa akin.
"Hawiin mo ang kurtinang nasa tabi gilid mo, mahahanap mo ang hinahanap mo kanina pa. Kawawa ka naman napagtripan pa kita, Paumanhin." Bulalas niya at kumaway sa akin bago tuloyang tumakbo papalayo.
Walang hiyang yon, ginawa pa akong laruan. Kapag talaga naka alis ako sa bahay nato hinding hindi ko palalampasin ang mga pinag-gagawa ng mga taong to sa akin. Akala siguro nila napaka bait kong tao. Hintayin niyong maka-alis ako dito talagang magkakagulo ang buong pilipinas! Inis kung hinawi ang kurtinang tinutukoy ng babae kanina, tumambad sa aking harapan ang isang malaking sliding door.
Hindi ko masyadong ma ananinag ang labas ng sliding door dahil tented ito kaya marahan ko na lamang na binuksan ito ng walang pagaalinlangan. Nagulat ako sa aking nakita, ang malawak na karagatan at ang malakas na hanging sumalubong sa akin. Tinangay nito ang aking basang buhok at isinayaw sa ere habang nakatulala akong nakatingin sa karagatan.
Dahan-dahan akong naglakad papalit sa railings na nasa unahan. Napahinto ako sa bigla nang may humawak sa aking palapulsohan.
"Gaano ba ka lawak ang bahay namin at natagalan ka sa pagpunta dito?"
Mapagmataas na bulalas ni Miguel na ikinakunot ng aking noo. Kinuha ko ang aking kamat mula sa kaniyang pagkakahawak at naglakad palapit sa upuang nasa tapat ng maliit na lamesa.
"Hindi ba't may sasabihin ka sa akin? Sabihin mo at nang maka-alis na ako." Walang emosyong sambit ko at umupo sa upuang nasa aking harapan.
Tumaas ang kaniyang isang kilay bago naglakad pabalik sa kaniyang inuupoan kanina. Dahan-dahan siyang umupo doon at tumingin sa akin ng diritsyo. Wala naman siguro akong ginawang mali sa taong ito hindi ba? Kasi kung meron malalaman ko naman dahil ako ang gumawa. Pero wala talaga eh, hindi ko nga siya kilala.
"Bakit ka nandito? Wala ba kayong resort?" Biglang tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
Tinaasan ko siya ng kilay bago sumagot. "Bakit? Ikaw ba ang may-ari nang resort na pinuntahan ko kagabi huh!" Sigaw ko sa kaniya. Tumawa lamang siya na ikangulat kong muli. Paano niya nakakayang tawanan lamang ako, gayong ang ayus-ayos ng katanungan ko sa kaniya.
"Sigurado kabang iyan talaga ang itatanong mo?" Paninigurado niya. Tumayo siya ng bahagya at inilapit bigla ang kaniyang mukha sa skin. "Pano kung sabihin kong oo." seryosong sambit niya. Para na akong mabibilaukan sa subrang lapit ng mga mukha namin sa isat-isa.
Lumunok mo nA ako bago tinulak palayo ang kaniyang mukha sa akin. Nanggigili na ako sa lalakig ito, kunti nalang at mabibigwasan ko na siya. Isa pang lapit ng mukha ang gawin niya talagang makakakita siya ng butuin sa langit kahit umaga pa.
"Alam ko namang mayaman ka pero hindi mo pagmamay-ari ang resort na pinuntahan ko kagabi!" Sigaw ko sa kaniya.
"Talaga? Tignan mo nga ang paligid, kung saan ka pumunta at nagpakalasing kagabi nandito ka pa rin. At ang angas mo naman dahil ipinasok mo pa talaga ang kotse mo resort kahit pilit kanang pinipigilan ng nga tauhan ko. Hindi kapa na kuntento at nagtatakbo kapa sa baybay na lasing at may dala-dalang bote ng whiskey." Mahabang salaysay niya na ikina tahimik ko.
Papaanong naging tauhan niya ang mga humarang sa akin kagabi. Ang pagkakaalam ko ay mga crew sila ng hotel at ayaw nilang humandosay ako sa buhangin kaya pilit nila akong hinihila palayo sa dagat.
"Anong mga tauhan ang pinagsasabi mo? Crew sila ng resort no! tinutulongan nga nila ako kagabi na huwag matulog sa buhangin ih!" Depensa ko sa aking sarili.
Tumawa siya ng bahagya at nag salitang muli. "Lasing kanga kagabi." Dikalra niya sabay tango ng kaniyang ulo. "Mga tauhan ko ang kumaladkad sayo kagabi, amin ang resort na ito. At kagabi? nagulat ang lahat sa pagdating mo na para bang ikaw ang may ari ng buong resort. Para malaman mo, isa itong rest house at private resort. Hindi ito iyong public at typical na beach resorts na kung sinu-sino ang pupwedeng mag check-in at maligo. Prebado ang buong resort nato, at ikaw pa lamang ang nagtangkang pasukin ito ng lasing!"
Natutupok ko ang aking bibig at unti-unting yumuko dahil sa kahihiyang na ramdaman. Nagdadalawang isip ako kung pakikinggan ko ba ang mga sinasabi niya tungkol sa mga nangyari kagabi o hindi na lamang.
YOU ARE READING
TO MY DEAREST MIGUEL
Romance"Bago si Anton, meron mo nang Miguel sa buhay mo. Na palihim na nagmamahal at nagdarasal na sana ako ay mapansin mo." Malapad nangiti kong sabi tsaka dahan dahang tumayo mula sa pagkaka-upo sa buhangin. "Kung magmamahal man akong muli, sisiguraduhi...