At dahil nga wala naman kaming napala sa pagmomovie marathon namin ay ipinagluto niya na lang ako, kaya kami naging magbestfriend. SIya kasi ang chef ako naman ang taga kain, perfect combination diba? ^_^
Nilantakan ko ang chicken wings na prinito niya. Ang saraaaaaaaap, kaya gusto ko kapag nandito siya sa bahay eh. Mas masarap pa siyang magluto kaysa sa chef namin sa bahay.
"Oi Miru" tinignan ko siya habang nilalantakan pa rin ang mga chicken na niluto niya
"San ka nga pala magcocollege?" Itinaas ko lang ang balikat ko bilang pagsagot na 'hindi ko pa alam'
"Kahit kelan ka talaga Nathalie J" at ginulo niya yung buhok ko. Sheeet kenekeleg ako, bat ang gwapo ng nilalang na ito?
"Bat ang gwapo mo?"
"Nathalie?!" Ha?! Walangjoooooo!
"Ikaw Nathalie ha may hidden desire ka siguro sakin noh?" tapos sinusundot-sundot pa niya yung pisngi ko
"Manahimik ka nga Deiyb! Hindi na ako natutuwa!"
Tumayo na ako para sa dramatic walk out ko. At aba ang loko tinawanan lang ako!
"HAHAHAHAHAHAHA hindi ka na mabiro eh. Yaan mo na mahal naman kita *kindat*"
"Che!"
Tapos kiniliti niya lang ako ng kiliti
"HAHAHAHAHA aray hahahaha oi hahaha tama na hahahaha Deiyb!!!!"
"Miss Miru parating na daw po ang daddy at kuya niyo tumawag po siya."
"Ah ganun ba? Ah salamat" at umalis na si Manang
"oi parating na daw ang sila kaya tsupi-tsupi ka na"
"Ang hard mo naman Nathalie pagkatapos kitang dalhan ng chocolates at ipagluto tapos ganyan ka!"
"Hihi yaan mo na mas mahal naman kita ^_^" tapos napatulala siya. Eh? Anyare sa lalaking ito? -_-
*beep beep beep tsk andyan na sila. Okay lang naman kay Daddy eh per okay Kuya? A big big big big NO!
"Tsk andyan na sila! Lagot ka na naman sa kanya ! Hahaha
"Miru?" then napalingon ako
"Oh Dad"
"Hello po Tito"
"Hello din hijo btw kelan ka pa dumating?"
"Kahapon lang po tito. Ah tito uuna na po-"
"Dad kanino yung car na nasa-Oh alam ko na" Tss dumating na si kuya badtrip! Ito na nga ba ang sinasabi ko ee. Nagkatitigan sila, siomai! Alam niyo yung parang may dumadaloy na electricity na namamagitan sa kanila? Parang ganern!
"Dad ihahatid ko na po si Deiyb sa labas" singit ko para mawala ang tension
"Ah sige. Oh sya ingat sa pagmamaneho hijo"
"SIge po salamat po" At tuluyan ko nang hinigit si Deiyb palabas.
Haii nakoooo hindi ko na alam ang gagawin ko sa bestfriend ko at kuya ko -_- bigti na lang kaya ako? Biglang may humawak sa braso ko. Si kuya?
"I think kaya na naman niyang maglakad palabas ng bahay diba?" mahinahon pero maawtoridad na pagkakasabi niya
"Hmm hanggang sa-"
"May sarili siyang paa Miru"
"Pero kuya-"
"Wag ka nang makulit Miru. Ikaw, makakaalis ka na." Bakit ba siya ganyan?
"Ano ba?! Bisita ko siya at hindi sayo! Kaya diba nararapat lang na ihatid ko siya sa labas dahil nakakabastos!" at tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at hinigit palabas si Deiyb.
"Sorry bespren ha? Hindi ko naman alam na maaga silang dadating ngayon eh L"
Ngumiti siya, ang sarap sa pakiramdam.
"Ano ka ba Nathalie, I'm always stronger than you think."
"Kaya bestfriend kita eh!" tapos bigla siyang lumapit at OHHHEEEEEMMMMGEEEEEE niyakap niya ako
"Oi oi oi tsansing na yan!"
"HAHAHA namiss lang kita" at tinagtag na niya ang pagkakayakap sakin
"Dalaw ka samin minsan ha? Miss ka na nila Mama."
"Oo naman sila pa! Oh bye na"
"See you later lang, walang goodbye"
"Sauuuuucceeee daming alam!"
"Hahaha" at pumasok na siya sa kotse niya. Kumaway na lang ako bilang paalam.
But-- I feel something that shivers down in my spine. And I DON'T HAVE ANY IDEA WHAT WAS THAT!!!