Chapter five : Officialy BFF's (part two)

22 1 0
                                    

“Hmm Miru?”

“Ano na naman Sofhie?!”

“Hala ! Wag ka namang magalit oh *pout*”

“Wag kang magpout hindi bagay. Oh ano ba yun?”

“Bakit ka nagyayang gumala?”

“Ayaw mo? Sige alis na ko” At akmang tatayo na ako

“Ala! Hindi naman sa ganun-“

“Pakibayaran na lang-“

“Miru naman ih”

“HAHA joke lang J”

“Ihh naman eh kasi ano lang kasi nga diba nagyayaya ka lang tuwing depressed ka?”

“Ah ito ba? Wala trip ko lang. Namiss ko lang mag-mall”

“Miru wag mong sarilihin ang problema mo ha? Nandito lang lagi ako sa tabi mo” napatigil ako saglit ngunit nakabawi din agad ako.

“Haha oo naman, Bestfriend nga kita diba?”

“Talaga?!” bigla siyang napahawak sa kamay ko (aroii chansing) siguro dahil na rin sa tuwa.

“Yhup Bestie J”

                Siguro kailangan ko na din siyang pagkatiwalaan. Simula kasi nung lumipat ako sa St. Claire at para dun na magtapos ng high school ay siya lang ang nagtyaga na samahan ako.

“Last na tanong”

“Ano ga na naman?”

“Lagi ka na lang highblood. Dalaga ka pa naman ah! Kaya hindi ka pa namemenopause ih”

*batok*

“Aray ha”

“Itanong mo na lang kasi”

“Hmm kasi matagal ko na talaga itong gustong itanong sayo kaso natatakot lang ako ih”

“Dami mo pang alam Ms. Melendrez. Itanong mo na lang kasi”

“Hmm kasi diba back then para kasing may malaking harang sayo well apparently hanggang ngayon pa rin naman pero nabawasan na parang ganun lagi ang aura mo. Bakit?”

“Bakit gusto mong malaman?”

“Kasi para alam ko na kung bakit ka ganyan. Ibang-iba ka na kasi sa dati”

“Anong ibang-iba sa dati?” tanong ko na may pagtatataka.

“Hmm ano kasi, dati na kasi kitang kilala. Grade four tayo nun, nagging kaklase kita sa Sunday’s School. Lagi ka noong nakangiti, sobrang approachable at sobrang friendly mo pa. At ang tawag pa naming sayo nun ay Haru. Kaya nung pumasok ka sa St. Claire ay nabigla ako na Miru pala ang pangalan mo.”

“Ah yun ba?”

“Oo bakit?”

                Napatungo na lang ako at nabitawan ang chopsticks na hawak ko dahilan ng pagkataranta niya.

“Pero Miru kung hindi mo pa naman kayang magkwento ay rerespetuhin ko yun atleast ngayon sure na ako na Bestfriend mo ako ^_______^”

Buti pa siya may respeto, hindi katulad ng mga dati kong kaibigan magagalit na agad kapag may sinekreto ka sa kanila.

Pero magtitiwala na ba ulit ako?

My Next Target is My Ex's WHAT?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon