Naramdaman ko na may pumatong sa ilong ko. Minulat ko ng kaunti ang isa kong mata at nakita ko ang isang paru-paro na nakadapo dito.
“Achoo” , yun allergy haha. Umalis na tuloy siya L Grabe ngayon na lang ulit ako nagging kaemosyonal na ganito. Shemaii ang emo ko -_-
Tumigil na pala ang ulan, hindi ko manlang naramdaman. Tumingin ako sa relo ko. 10:30 am na pala. Isang oras lang pala akong nakatulog. Muli akong pumikit at saka lang nagsink-in sa akin ang ibig sabihin nun. Nanlaki ang mata ko at muling tinignan ang relo sa wrist ko upang siguraduhin kung tama ang pagkakabasa ko.
“Sh**!” First time kong magcutting. Bwiset! Hindi na naman ako pwedeng bumalik sa room dahil daig ko pa ang basing sisiw sa itsura ko. Putik-putik na rin ang uniform ko dahil sa isang oras na pagkakahiga ko sa basa at puik na lupa. Ano ba naming buhay to oh! Tumayo na ako at kinuha ang phone ko sa bulsa ko. Pinindot ko yung on button pero…
“Ha? Anong nangyari sayo at ayaw mong mabuhay?!” Langya, bakit ang malas ko ngayon? Pano na ako makakapagpasundo nito? Dahil sa badtrip ko a sinipa ko ang isang bato sa unahan ko.
“Urgh badtrip!”
“Aray! Di man lang nam lang nag-iisip kung may matatamaan siya bago itapon yung bato!” galit na sabi nung Kuya na natamaan ko ata. Gesge ako na talaga ang nakasalo ng kamalasan ngayon.
“Sino ka ba?” tanong ko
“Aba kabago-bago ko pa lang dito ay nabato na agad ang ng bato? Kakaiba naman ang campus niyo”
“FYI hindi ko binato dahil nasipa ko”
“Eh di ikaw nga ang gumawa” at nakita ko ang mukha niya. Bumangon na kasi siya sa pagkakahiga niya sa malayo. Nakatulog din ata siya. Aii correction, NAKATULOG pala ako. Nabigla siya nang pagkakita sa akin. At hindi ko inasahan ang sunod na ginawa niya.
“Whahahahaha” alam niyo yung tawang napakalakas tapos tonong nang-aasar? Ganun!
“Bakit ka tumatawa?” tumigil siya sa pagtawa
“Tignan mo nga ang sarili mo. Mukha kang basing sisiw!” tapos tumawa ulit siya
Napakunot na ang nuo ko dahil sa kabastusan ng inasal niya. Sa pagkakaalam ko ay transferee lang siya tapos ganun na agad ang ipinapakita niya? What a shame!
“Sino ka ba? Ang kapal naman ng mukha mo para pagtawanan ako!” tumigil ulit siya
“Malalaman mo din, soon.” Tapos ngumisi siya.
“Ang arte mo” yun na lang ang nasabi ko
“Ano namang kinaarte ko?”
“Malalaman mo din, soon.” Pang-uulit ko sa sinagot niya sakin kanina.
“May attitude ka rin pala.”
“Syempre naman. Hindi naman kasi ako Santa-santita katulad ng iba.”
“And I like it” tapos ngumiti siya sakin
Bigla niyang hinubad ang nakabalot sa kanya at ibinato ito sa akin upang maging dahilan ng pagtaas ng kilay ko. ‘Aba bastos talaga’
“Oh para san to?”
“Pambalot sayo” umiwas siya ng tingin tapos “bakat na kasi ang bra mo” pagtutuloy niya.
Nanlaki ang mata ko at tinignan ang blouse ko na natatakpan ng jacket niya.
“Sh**! Pervert kaaaaaaaa!” sigaw ko sa kanya pero naglalakad na pala siya palayo sa akin. Pumulot ako ng bato at binato ko sa kanya. Boom! Sapul! Nakaganti din, at nagtatakbo na ako papunta sa clinic.
*Pagdating sa clinic
“Miss nurse?”
“Godness grace! Ms. Perez anong nangyari sayo?”
“Ahm long story po, pwede po bang makitawag?”
“Sure, use the telephone.”
“thanks miss”
At dinial ko na ang number sa bahay.
Ring-ring-ring
“Perez’s residence. Who’s this?”
“It’s me, Miru. Please tell manong to pick me up now”
“Okay miss.”
-end of convo-
“Oh ano magkwekwento ka?” Tanong ulit ni Miss nurse. Ang chismosa naman nito. Napag-isip-isip ko
“Hmm it’s too personal miss kaya wag na lang. I just need to go home.”
“Okay, as you say so Ms. Perez” at hindi na niya ako kinulit.After 10 minutes ay dumating na din si manong.
*Perez’s Residence
Pagkarating ko a naligo na agad ako dahil sa sobrang lagkit ng katawan ko. Napagpasahan kong Afternoon classes na lang ang papasukan ko. Pagkahiga ko sa kama ay naalala ko na naman siya.
“Bakit kaya siya nasa school? Haii nako tanga ka talaga Miru. Malamang dahil sa girlfriend niya at pinapaalala ko lang sayo na hindi ikaw yun!” Ngayon na lang ako nagmukhang baliw dahil sa pagka-usap ko sa aking sarili.
Nagtalukbong na ako ng kumot at pinikit ang aking mga mata.
“Pervert!” sambit ko dahil nagflash sa isip ko ang mukha niya.