Chapter four : Officialy BFFs (part one)

28 1 0
                                    

Siguro nga kailangan ko din nito. Kailangan kong huminga ng malalim-lalim. Akala ko dati nakamove on na ako pero hindi pa pala. Ang hirap. Ang gulo. Yung parang ang sinasabi ng isip mo ay “nakamove on ka na” pero ang puso naman ay “may natitira pa”.

Simpleng top at shorts lang ang sinuot ko. Nakita ko yung cap na bigay din niya sakin dati. Sinuot ko na para naman kahit papaano ay maisip ko na kasama ko pa rin siya. Ang lakas kong makatorture ng sarili diba?

Bibili na rin ako ng bagong cellphone at baka masuntok na ako ni Sofhie.

Pagkarating ko sa cinemax ay may bigla agad yumakap from my back.

“Oi anong naisip mo at nagyaya ka?”

“Ayaw mo? Sige uuwi na ko”

“Sus toh naman! Tara libre na kita” at kumapit siya sakin na parang linta

“Bumitaw ka nga sakin”

“Hehe sorry naman. Lagi ka nang high blood! Kaya siguro ako lang ang kaibigan mo. Ako lang ang nakatagal sayo”

“So thankful pa pala ako?”

“Oo naman! ^______________^

-_-

“Poker face ka na naman eh! *pout*”

“Tumigil ka na nga. Gusto kong kumain. Nagugutom ako.”

“Yah yah! Good idea! Pero---”

“Pero ano na naman Sofhie?”

“Bumili muna tayo ng bagong tops mo”

“Ha? Bakit? May mali ba? Pangit?”

“Hindi ah. Sleeveless lang kasi alam mo na baka ka lamigin at magkasipon ka pa.” mahina niyang sabi. Concern siya sakin? Nakakapanibago na may taong concern sa mangyayari sakin. Kelan ko pa kaya yun huling naranasan? Last 4 years? Nahh I don’t know.

“Hmm Miru?”

“Ah oo sige” at dumiretso kami sa isang boutique.

Simple lang ang napili ko. Syempre may SLEEVES na HAHA. Gray na may mint green yung kulay niya. Ayos din my style J

Then pumasok kami sa isang Japanese restaurant na bagong bukas pa lang dito sa mall. Medyo maraming tao kasi siguro bago nga. Gustong maka-experience ng ibang bagay.

“Hmm Miru pwede magtanong?”

“Nagtatanong ka na”

“Haha oo nga noh. Hmm eh kasi ano—“

“Bungul ka. Wag ka ngang kabahan para namang papatayin kita”

“Ah oo hmm kasi ganito yun” tumigil siya at himinga ng napakalalim . Take note: NAPAKALALIM as in LITERALY.

“Pwede ba tayong magpicture? ^_________^”

“HA?!” Medyo napasigaw ako kasi para lang siyang tanga! “Nagboost ka pa talaga ng hinga para lang itanong yun?!”

“Eh syempre Miru nakakahiya kasi >//<”

“Haixt” tapos bigla kong kinuha yung tablet niya at sinet na ang camera

“Oh may timer ha.”

*Click*

“Huwaaaaa! Thank you bestieeeee”

“Bestie? Ano kamo?”

“Ah Miru pala haha sorry” tapos tumungo siya at tinignan ang pic naming dalawa. Ginawa niyang wallpaper yun at napangiti ako sa hindi ko malamang dahilan.

“Bakit ka nakangiti Miru?”

“Ako? Hindi noh. Hindi ako baliw na kagaya mo para ngumiti sa walang dahilan.”

“Hindi eh! Ngumiti ka kanina!” pagdidiin niya at napatawa naman ako

“Oh ngayon tumatawa ka naman! ANo ba talaga?”

“HAHA wala oh andyan na pala ang order natin”

Hmm maybe, I should give her a chance? Or should I say to give MYSELF another chance?

My Next Target is My Ex's WHAT?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon