Nagising ako ng 12:30 pm. Tsk malelate pa ata.
Inopen ko muna ang ipod ko at nagtingin sa fb. Sinearch ko ang account niya at bongga! Hindi nakaprivate ang profile niya. Makapal kasi ang mukha ko nun kaya ako pa mismo ang nag-unfriend sa kanya. Nagmumukha na tuloy akong stalker dito.
Tinignan ko ang dp (display profile) niya na kaka-update pa lang kahapon. And guess what? Kasama niya yung hipokrita ! bwiseeeeeeeeet! Nakakapang-init ng ulo >.<
Kung makapagreact naman ako parang boyfriend ko pa rin siya. Sige Miru asa pa more!
At aba famous ang manong. May 578 likes ba naman. Pero syempre ang daming nambabash kay Anica! Mwhahahahaha !!!! Maranasan mo sana ang naranasan ko dati!!!!!!! Sige oo na ako na ang bitter. Tinignan ko ang next dp niya wow. Ang gwapo. Ang caption ay “My heart is so jetlag”
Jusmeeeeee! Ito siguro nung nagbakasyon siya sa Korea. Haixt namiss ko yung mga pasalubong niya. Kaso halos umulwa ang mata sa daming likes! 2,526?!!!! Ano yun? Gumagamit ba siya ng auto-like? Ang gwapooooo ng ex ko. Nakakaproud <3_<3
Tapos yung iba pa halos umiyak na ako ng dugo sa gwapo! San kaya yun pinaglihi nung bata pa? aii aba! Kagwapong nilalang!
*teng (Yan po yung sound para sa notif or message)
Sofhie Melendrez : Alam mo bang kinontak na kita ng kinontak sa phone mo pero laging out of coverage area ang nangyayari?
Me: Hindi ko alam
Sofhie Melendrez: Kinain ka na ba kanina ng canteen at hindi ka na nakabalik?!
Me: Hindi. May inasikaso lang ako.
Sofhie Melendrez: Sa sobrang pag-aalala ko sayo ay ipina-announce na kita para ipaalam na missing ka! Buti at pinuntahan agad ako ni Miss Nurse para ikwento ang kalunos-lunos mong itsura! Ano nga bang nangyari sayo?
Me: Ah wala. Nakatulog lang ako. Eh hindi ko alam na umulan pala kaya namukha na akong basang sisiw dahil sa putik.
Sofhie Melendrez: Yun lang ba ang dahilan? Oh may iba pa?
Me: Kelan pa ba ako nagsinungaling sayo?
Sofhie Melendrez: Hmm, lagi?
Me: Ganon?
Sofhie Melendrez: Oo kaya!
Tapos sineenzone ko na lang siya. Aba binabadtrip ako ee.
Sofhie Melendrez: Ui
Hala! Sorry na.
Oi joke lang naman yun ee
Me: Geh
Sofhie Melendrez: Eh bakit out of coverage area nga pala ang phone mo?
Me: Nabasa ata kanina kaya hindi na mabuhay.
Sofhie Melendrez: Ah gesge. Btw wala na nga palang pasok mamaya! Kaya magparty tayoooooooooooo! Galaaaaaa!!!!!
Me: Bakit daw?
Sofhie Melendrez: May emergency meeting daw ang mga teachers ee.
Me: Ah sige. Wag ka nang mangulit may gagawin lang ako.
Sofhie Melendrez: Yes BOSS ! ^O^
Tapos nagstalk na ulit ako ng profile picture album niya. Geh Miru panindigan mo na yan.
Pero may isang picture siya na nakuha talaga ang buong atensyon ko.
Ang picture ng babae at lalaki na nakatalikod at magkaholdinghands. Ito ay nung First Mot-mot namin ah. Hindi niya pala ito tinagtag? Binasa ko ang ibang comments na nandun.
Nat-nat Chua: Bakit nakatalikod bro?
Shaun Chua: Haha stolen lang kasi yan. Sweet noh?
Nat-nat Chua: Yuck ka bro! Nalandi ka na!
Shaun Chua: Kaso wala na.
Nat-nat Chua: You miss her?
Shaun Chua: Yeah. God knows how much I miss her.
I felt my heart skip a beat. Pero- mali to. Sobrang mali to.
Pinindot ko na ang home dahil hindi ko kinaya ang nabasa ko. Totoo ba yun? Pero syempre siguro hindi na ngayon kasi that was 4 years ago. Sh** bat ganun!
I press the chat box and search for Sofhie’s name. Luckily she’s still online.
Me: Bar?
Sofhie Melendrez: Katanghaliang tapat ?!
Me: I mean later.
Sofhie Melendrez: Mall first
Me: Okay. Meet me at Cinemax.
Sofhie Melendrez: Ililibre mo ko ng ticket?!!!!!! Weeeeeeh?
Me: Hindi kita ililibre. May pera ka !
Sofhie Melendrez: Sure. What time?
Me: Now.
At bago pa siya makapagreact ay inunahan ko na siyang maglog-out.
I think I need this to relax. Bakit kasi hindi pa niya yun inalis yun kasama ng iba naming pics na magkasama!
Sh** I think my heart is filled with hopes again </3