CHAPTER 4

17 5 0
                                    


CHAPTER 4
(Ysa POV)

  Bakit mga gulat ata ang lahat? Di rin ba sila makapaniwala ?

Hmmmm... mukhang matalino si Dale Justine.

At grabe din ah. Coincidence lang ba yun?

Hindi rin ako makapaniwala na Dale Justine ang pangalan ni guy kanina.

So sya yung sinasabi ni teacher Sandra na transfer.

Umalis na si T.Sandra at lumipat na sa ibang room. May isa pa kaming subject bago mag-breaktime.

As usual, dahil first day of school ngayon, wala kaming ibang ginawa kundi ang magpakilala.

*BREAKTIME*

"Ysa, tara na!" pag-aya sakin ni Alvin.

"Sige." sagot ko.

"Wait ! wait! sama ako sa inyo."-Valerie

"ok, tara na."-ako

"Anong gusto mong kainin?"-tanong ni Alvin.

"Kahit ano, ikaw na bahala. Eto pera oh." sabay abot ng 50 pesos.

"Wag na Ysa. :) My treat." -Alvin

"Bakit si Ysa lang ang ililibre mo? ang unfair!" -pagrereklamo ni Valerie.

"Ok, ok, ano bang gusto mo Valerie?"-tanong naman ni Alvin kay Valerie.

"Ahmmm.. Tinatanong pa ba yun? ikaw syempre! pwede ba?"-Valerie

uh-oh!! Wrong answer Valerie.. >_<

"Bahala ka nga dyan. Um-order ka mag-isa."-Alvin

Sabi na eh. Maaasar toh eh. lagot kang Valerie ka.

"Joke lang naman. Pizza na lang. :)"-Valerie

"Sasagot din naman pala ng matino eh." sabi ni Alvin bago pumunta sa pila.

Pansin ko lang.. Ang sungit ni Alvin pag si Valerie ang kausap.

Hmmm? Tsk tsk! One Sided Love..

"Ikaw kasi eh, niloko mo nanaman eh, nasungitan ka nanaman tuloy ni Alvin."-ako

"Sanayan lang yan Ysa. :) marerealize din ni Alvin na di sya dapat ganito sakin. Mapo-fall din yan sakin. :)"-Valerie

Ngumiti na lang ako. :) Konting push pa Valerie, ikaw lang aasahan ko. Sana nga mabaling sayo.

"Bakit hindi nyo kami hinintay?"-Ella sabay upo sa isang vacant seat dito sa table namin, kasama nya si Marie.

"Eh paano, yung mag-bestfriend , gutom ata."-Valerie

"Ah, hindi naman. Si Alvin kasi nag-aya bigla." -ako

"Ok. Kaya pala eh. Baka hindi nag-breakfast si Alvin."-Marie

^___^

Makapang-asar nga. :)

"Naks naman! Concern. :)" pang-aasar ko kay Marie

"YSa!"-Valerie

Kala ko pa naman si Marie ang maaasar. hahaha, Grabe talaga tong si Valerie oh.

"Yan, asar pa Ysa. Hahaha. Lagot ka kay Valerie dyan."-Marie

"Hindi na nga eh."-ako ^_^V

Parehong nali-link sa bestfriend ko, sino kaya ang nakatadhana. hahaha. Gusto ko maging playing cupid. :) Kahit sino naman sa dalawang toh piliin ni Alvin, ayos lang sakin. :)

"Grabe ang haba ng pila. Bakit ba kasi sumabay pa tong mga sophomores na toh eh." pagrereklamo ni Ella.

"Wag kang magreklamo dyan. Hindi ikaw ang may-ari ng school."-Valerie

"Oo nga girl, mamaya marinig ka pa ng principal, mayare ka pa."-Marie

"Fine!"-Ella

"Hindi pa ba kayo bibili?"-Valerie

"Mamaya na. Mahaba pa pila eh."-Marie

"Ibigay nyo na lang kay Alvin yung pera, malapit naman na sya oh. Sya nalang pag-orderin nyo kesa pumila pa kayo." pagsa-suggest ko.

"Ang talino mo talaga girl!" sabi ni Ella sabay tayo at lapit kay Alvin.

Nilibot ko muna ang paningin ko sa canteen. In all fairness ah, laki ng pinagbago.

Oh wait! Si Dale Justine yun ah. Justine na nga lang.

Kumakain sya mag-isa. Solo of life. Sabagay first day pa lang naman kaya wala pa syang ka-close dito.

"Ui girl."-Ella

"Oh? ang bilis nyo ah."-ako

"Musta ang bakasyon?"-Ella

Huh?

"Ganun pa din naman.. Walang bago."-ako

"Naku naman Ella, kanina pa yang tanong mo na yan ah. Bakit kamusta ka ng kamusta kay Ysa , eh halos araw-araw nga ata tayong magkakasama nung bakasyon eh."-Valerie

Agree ako kay Valerie.. Totoo naman eh. Ano trip nitong si Ella?

"Oo nga pala noh?"-Ella

"Mali. Tayong tatlo kaya laging naiiwan. Palaging sinusundo ni Alvin yang si Ysa eh." pagsingit naman ni Marie.

"Sus! Selos ka naman? hahahaha" pang-aasar ko.

"Hindi ah!" pag-depensa ni Marie

"Ilang beses ko bang sasabihin na ako lang ang may karapatang magselos?!"-Valerie

"EDI IKAW!" sabay-sabay naming sinabing tatlo kay Valerie

"Oh girls, eto na pagkain nyo."-Alvin

Kainan na.. 5 iced tea, 5 slices ng pizza, at mga gummies with lollipop.

*After 10 minutes*

~munch munch munch~ sarap! ^_^

Syempre ako lang yan.

"Jusko po naman Ysa, napaka-tagal mong kumain." pagrereklamo ni Valerie

"Nakaka-gutom maghintay."-Marie

Si Ella, ayun, busy sa pagtetext.

"Eto oh."-Alvin sabay abot ng ibang gummies kay Marie

Si Alvin oh, dumada-moves!!

"Gutom din ako Alvin! Bakit si Marie lang binigyan mo? Ang unfair mo talaga!- Valerie

Sabi na eh, hindi toh makakatiis si Valerie na hindi magreklamo eh.

"Maghati na lang kayong dalawa."-Alvin

"Ayoko! Ayoko ng may kaagaw! Gusto ko buo!"-Valerie

Ibang klase talaga ka-gwapuhan ni Alvin, mabait pa..

Naku! Pag ako na-fall dito..

O__O

~~~

Hmmmn ? Ok. ^^ vote and Comment sa lahat. :) support and be a fan na din. ^^

Enjoy. Kamsa~

Good Girl and Mr. Nice GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon