CHAPTER 21 Part 2

5 1 0
                                    

Part 2

  (Ysa POV)



"Bakit naman pati si Clyde eh nadamay?"-pagtatanong ko

"Para namang hindi mo pa alam Ysa."-Jessica

"Yun ba? Hindi naman totoo yun eh."-ako

"Sa tingin mo talaga hindi totoo yun? Paano kung sabihin ko sayong totoo yun?"-Jessica

"Imposible."-ako

"Ayaw mo lang talagang maniwala."-jessica

"Kasi nga, hindi yun totoo."-ako

"Paano nga kung totoo pero pinapaniwala mo yung sarili mong hindi totoo?"-Jessica

"Hindi ko alam."-ako

Serious talk na toh. Wala na din sa binabasa kong pb ang atensyon ko.

"Alam mo bang posibleng masaktan si Clyde kasi hindi mo kayang paniwalaan na hihintayin ka nya?" -Jessica

Eto nanaman.. Ako nanaman ang masisisi. -_-

"Hahaha. Patawa ka masayado Jessica. Kayo lang nagsasabi nyan, ni hindi ko yan narinig mula sa kanya."-ako

"Paano kapag sinabi nya sayo ng personal? Maniniwala ka na?"-Jessica

"Kung makita kong sincere sya, baka sakaling maniwala ako."

Sa ngayon, hindi ako naniniwala..

"Tsaka bakit ba pinipilit mo sakin si Clyde eh friends lang kami, at yang sinasabi mong ligaw ligaw na yan, hindi yan mangyayari." pagpapatuloy ko.

"Kasi hindi pa pwede?" -pagtatanong nya.

"Oo, alam nyo naman yun diba?"-ako

Tumango-tango sya..

"Pwede din bang tigilan nyo na ang pang-aasar at kaka-link nyo sakin sa kanila. Nasisira kasi yung friendship eh. Sayang."-ako

Totoo naman eh. :3

"Kagaya ng nangyayari sa inyo ni Jerome ngayon?"-Jessica

Ngumiti ako, pero ung fake smile lang.. :]

"Oo.. close naman kami dati eh. Pero tignan nyo ngayon, halos hindi na kami magpansinan. Daig pa namin ang strangers sa isa't isa eh." pagpapaliwanag ko.

"Oo nga, kasama nyo pa nga minsan ni Alvin si Jerome eh."-Jessica

"Noon yun. Nung wala pang issue. :)"-ako

"Pero sa tingin mo, maibalik pa kaya yung pagiging close nyo dati?" -pagtatanong uli nya.

"Sa lagay ngayon, malabo pang mangyari un."-ako

"Pero gusto mo?"- jessica

Hmmmnn.. wala namang masama eh.

"Oo naman, gusto ko, kung pwede nga lang. Hahaha."-ako

"Totoong nakaamin na sayo si Jerome diba?"- Jessica

"Crush? Oo. Wala namang masama dun eh. lahat tayo pwedeng humanga"- ako

"Sabagay. pero ano na sagot mo?"- Jessica

"Sagot saan ?"- ako

"Sa tinanong ko kanina."- Jessica

Huh? Naguguluhan ako. May hindi ba ako nasagot?

"Ang dami mo kayang tinanong, alin dun?"-ako

"Ay naku naman Ysa, hahaha. Yung kung sino mas pipiliin mo sa dalawa. Si Clyde ba o si Jerome?"- Jessica..


Ah yun ba.... :3



Good Girl and Mr. Nice GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon