CHAPTER 12

9 5 0
                                    


CHAPTER 12
(Ysa POV)

Filipino time namin ngayon, at ang sabi ng teacher namin, hahatiin daw kami sa dalawang grupo ngayon.

Napunta ako sa group 1, kung saan ang leader namin ay si Cindy.

Magaling sya, matalino, at talented. Swerte ng grupo namin.

"Ok, dahil lahat ay may grupo na, ito ang magiging tema ng gagawin nyong play. Ang group one ay ipapakita satin ang panliligaw noong mga panahon pa ng mga lolo't lola nyo." -sabi ng teacher namin sabay tingin samin.

"... at ang group two naman ay ang panliligaw ngayon."-T.Juli at tingin naman sa kabilang grupo.

Ang dali ng kanila.. :3

"Nagkakaintindihan ba? Dapat makita ko ang pagkakaiba ng dalawang panliligaw na yun bukod sa mga kasuotan at mga props."-T.Juli

"Kelan po namin gagawin?"-Cindy

"Sa monday na. Kayo na bahala sa paghahanda, kung kinakailangan na mag-practice kayo bukas, go lang. Sa ngayon , may time pa naman kayo para magsimula. Maiwan ko na kayo."-T.Juli

"Goodbye 'cher."-Kaming lahat.

Ngayon ko lang napansin, magkaka-sama sa group 2 sina Ella, Marie at Valerie. Bakit ganun? Ako lang nahiwalay. :3 Kawawa naman ako.

Anyway, andito kami ngayon sa kubo, pinag-uusapan namin ang mga gagawin namin para sa play.

"Ikaw na Ysa ang bida tsaka si Jerome..Yieh!! Muling ibalik!! For sure kikiligin yung mga yun.. Dali na."- pagpilit ni Cindy sakin.

Kanina pa tong babaeng toh..

>___<

Kalokohan talga nitong si Cindy eh, muling ibalik? BALIW -_-

Muling ibalik ang friendship, ok pa. Kaso iba nasa isip nitong babae na toh eh.

"Ayoko Cindy, iba na lang."- pagtanggi ko

Hindi po ako nag-iinarte ah, ayoko lang po talaga.. :3 Mas ok nang tanggihan kesa naman gawin toh. I have my reasons naman.

Una, dahil sa pang-aasar nila..

Pangalawa, nagkailangan na kaming dalawa..

Pangatlo, ayoko ng matawag na MANHID..

Pang-apat, baka pag pumayag ako, masabihan pa akong Sadista at paasa.

-__-

"Ayos kaya pag kayo, lakas ng audience impact nyan."-Cindy

Sa totoo lang, close naman kaming dalawa dati nyang si Jerome, kaso inasar kami ng inasar. Kesyo may gusto daw sakin si Jerome at kung anu-ano pa.

Ayan tuloy , nagkailangan.

Actually, sya unang umiwas, ewan ko dun kung bakit. Hindi ko na pino-problema yun.

"Naku Cindy, tigilan mo na nga yan."-Ako

"Push natin, gusto ko kayong dalawa eh." -pagpipilit parin ni Cindy

"Ayoko, tsaka sa tingin mo may matatapos tayo kapag kaming dalawa ang pinag-partner mo?"-sabi ko

Hindi ko alam kung naririnig ni Jerome ang pagtanggi ko, nasa labas kasi yung iba.

Tumatanggi ako kasi gusto kong matapos namin toh agad.

Tama lang naman yung ginagawa kong pag-tanggi eh.

Asar lang..

Wala si Alvin, sya pa naman tagapagligtas ko kapag nili-link ako ng mga classmate namin kay Jerome. :3

Wait... Erase erase!!

No ALVIN na nga pala.. -_-

Layas Alvin, alis! Pang-gulo ka sa isip ko ngayon.

napa-iling na lang ako.


"Bakit ba kasi iniisip mo pa sya, eh nandito naman ako.."

O___O

~~~~
Ang line na pinaka hindi ko malilimutan.. <3
"Bakit ba kasi iniisip mo pa sya, eh nandito naman ako."
Thanks sa pagbasa. ^^

Good Girl and Mr. Nice GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon