Tinutok ni Julia ang baril kay Dj. Hatred is so obvious on her eyes. But.. I can also see na hindi lang hatred ang nasa mga mata ni Julia. Alam kong may iba pa siyang nararamdaman. Hindi lang ako sigurado. Parang nagdadalawang-isip na siya.
"Please Julia, stop this."
Nakakaawa na ang mukha ni Dj. Looking at him now, parang ang sakit sakit. Hindi ako sanay na nakikitang ganito si Padilla. Parang may tumutusok sa puso ko. Ewan ko kung bakit nagkakaganito ako. Bago rin kasi sa akin ang makaramdam ng ganito.
Bakit ako nasasaktan kapag nakikita kong ganito si Padilla. Hindi rin naman ako bobo, alam kong may nararamdaman na ako kay Padilla. Infatuation lang naman to diba? Aaminin kong nung una crush ko siya. Kinakabahan ako. Kasi naririnig ko, pag mahal mo ang isang tao, hindi mo kakayaning makita siyang nasasaktan. Ns kahit buhay mo, kaya mong ialay. Ibig bang sabihin, mahal ko na si Padilla? Kasi ganitong ganito kasi ang nararamdaman ko.
Pero.. Its just so sudden, right? Parang hindi kapanipaniwala.
"No. No!" Sigaw ni Julia. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Pero bakit ganun? Maganda pa rin siya.
"Julia please, maghunos-dili ka. Pag-usapan na lang natin to." Sabi ko.
"Pag-usapan?" Ako naman ang binalingan niya. "Kath! Hindi pinag-uusapan ang mga ganito! Ayokong pag-usapan. Kasi alam ko, Dj will just lie! He'll just deny everything! Ganyan naman yang demonyo na iyan eh." Sabay turo kay Dj. "Hinding hindi nya aakuin ang kanyang mga kasalanan."
"Julia, lahat ng sinabi ko totoo." Dahan dahan siyang lumapit kay Julia. Hindi din naman kasi namamalayan ni Julia na lumalapit si Dj sa kanya.
"Julia, try listening to Dj first please." Sabi ko habang kinakalas ang lubid na nakatali sa akin.
Kailangan kong makalas ang lubid na to. Hindi ko kayang hayaan nalang na masaktan si Dj.
"Para san pa? Para pati ako maloko niya? Ha?"
"Julia.." Dahan dahan, lumapit ulit si Dj sakanya.
"I said don't go near me!" Sigaw ni Julia. Tinutukan niya ulit ng baril si Dj.
"Please Julia, stop this. Sa tingin mo ba, gugustuhin ni julliene na makita kang nagkakaganito? Na gingawa mo to ngayon? Julia! Mabait si Julliene! Hinding hindi niya hahayaan na magkakaganito ka."
Habang kinakalas ko ang lubid, hindi ko maiwasang hindi tingnan si Dj nang banggitin niya ang pangalan ni Julliene. Halata talagang nasasaktan siya. 'Mabait si Julliene!' Pero kahit nasasaktan siya, halata pa rin sa boses niya na may pagmamahal pa rin siya dito.
Natigilan naman si Julia. Hindi alam kung anong sasabihin. Nakatingin lang siya kay Padilla habang iyak pa rin ito ng iyak.
"Oo! Mabait siya, mabait na mabait! And because of that, you took advantage of her. Sinaktan mo lang siya! Kasi alam mong hinding hindi siya lalaban kapag sinaktan mo! At dahil sa mabait siya, hindi miya kayang maghiganti sayo! Kaya alam kong magiging proud si Julliene sa akin dahil sa ginagawa ko ngayon. Dahil sa wakas, makakganti na ako sa lalaking sumira ng buhay niya!"
"Don't be too stupid Julia! Sabihin mo nga sakin, kailan sinabi sa yo ni Julliene na dinaktan ko siya? Ha?!" Natigilan naman si Julia. "Wala diba? Ngayon Julia, sabihin mo sakin, hindi ka lang ba nagtanong sa kanya kung kumusta siya nung nabubuhay pa siya? Wala kang alam Julia. Parati kong sinasabi sa kanya na kailangan niyang sabihin ang mga problema niya sayo.." Hindi na napigilan ni Julia, napaluhod na ito kakaiyak. Pero nagpatuloy pa rin si Padilla. "Pero alam mo kung anong sabi niya? Hindi mo na raw kailangan pang malaman. Kasi.. Kasi magkakaproblema ka pa. Mag-aalala ka pa. Magagalit ka pa sa parents mo. Alam niyang stress kana kasi ipinagsasabay mo ang pag-aaral at pagtratrabaho sa kompanya niyo."
