Umuwii na rin naman kami agad ni Julia. Naabutan ko pa nga si Padills na nanonood ng TV. May popcorn pa. Ang sarap ng buhay ah! Inggit ako! L
“Hoy Padills,” lumingon naman ito sa akin. Pero agad din naman ibinalik ang mga mata sa TV. “Ano yang pinapanood mo?” sabay tingin ko sa TV. “Tom and Jerry??!! Sa laki mong yan nanonood ka pa rin ng Tom and Jerry? HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA!” Grabe ang tawa ko! Eh pano ba naman kasi, nanonood pa siya ng Tom and Jerry sa edad niyang yan?
“Pakialam mo? Eh favorite ko yan eh! Ganda kaya nyan!” tas nanood na naman siya. Eh wala akong choice so nanood nalang din ako. Maya-maya.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHA! GRABE! ANG SAKIT NG TIYAN KO! TINGNAN MO AMAZONA OH! HAHAHAHAHAAHHAHAHAHA! ANG KAWAWA NI TOM! HAHAAHAHAHHAHAHAHA!”
I just look at him with a weird expression. Anong nakakatawa dun? Pinasok ni Tom yung ulo niya sa parang flower vase, not knowing na may bomb dun. Kaya ang nangyare, sumabog ang bomba tas pag-angat ng ulo ni Tom, nagmukha bulaklak na sunog ang kanyang mukha! See?! Anong nakakatawa dun guys? Sabihin niyo nga sakin!
“Para kang tanga.” Sabi ko with my suppeeerrr serious face.
Agad din naman itong tumigil sa kakatawa. “Badtrip ka!” Tapos inirapan ba naman ako? ang baaaaddiinnggggg!
“Mas badtrip ka kaya!”
Sa halip na sagutin pa ako, finocus nalang nya ang kanyang attention sa TV. Aba! This is a miracle! Hindi na siya nakipag-away sa akin! Sana nakipag-away nalang siya sa akin. Ang boring naman oh! Matext na nga lang si Quen.
To: Quen
‘Quueeeeenn! Ang boring dito sa bahay! Punta ka naman dito oh. B-ball tayo!’
From: Quen
Sige. I’ll be there in 10 minutes J
Hayy. Ang daling kausapin nitong si Quen. HAHA! Kung hindi ko lang siya bestfriend, iisipin ko talagang may gusto to sakin. Paano naman kasi, lahat nalang ng gusto ko ibinibigay niya. Pero alam kong hinding hindi mangyayari yun. Magbestfriend kami eh. Hindi pwedeng mainlove sa bestfriend. Parang incest na yun. Itinuring mo ng kapatid ang bestfriend mo. So talagang hindi pwede!
Wala pang 10 minutes, nakarating na si Quen sa bahay.
“Ano Kath, let’s play Bball?” sabi ni Quen sa akin. May hawak na siyang bola.
“Sige sige! Tara!” dali dali kaming pumunta sa court. Sumnod si DJ at nakisali sa amin. Ang joiner nga eh. Ang loser pa! pwe! Pikon na pikon na siya kasi bakit daw pinagtutulungan siya namin ni Quen. HAHAHAHA! Bahala siya!