"Pang-matagalan ka. You're not someone that should be played. Pagdating sa'yo, one shouldn't decide rashly..
I can't hurt you."
-2 months ago-
I feel empty.
I felt so sure that I didn't do anything wrong but as days past, I slowly reflected on what happened.
"Hoy! Bakit nakatingin ka nanaman sa kawalan?"
Nagulat naman ako rito kay Cherry. She's my best friend and right now, we decided to try the thick milo, down the street.
"Oh, eto.", sabi niya't inabot ang isang serving sa'kin.
"Cherry, do you think na AKO talaga 'yong problema?", tanong ko sakanya at sumubo. Shucks, feeling ko isa-isang malalagas ngipin ko. Ang lamig at tamis!
"Mel, what are you talking about?", she asked habang nakakunot ang noo niya.
"Anong nangyayari sa'yo? Dati naman after a week, as in wala ka nang pake. Ngayon, you're even blaming yourself. It has been a year.", dagdag niya.
"Naisip ko lang kasi..", sabi ko at nilulon ang nasa bibig ko bago mag-explain.
"..na baka all this time kaya walang nagtatagal sa panliligaw sa'kin is because I'm too demanding.", pagpapaliwanag ko.
"Ay, teh. What's wrong with expecting na ihahatid-sundo ka ng nanliligaw sa'yo? Isa pa, siya pa nagalit.", sabi naman niya.
"You have a point pero you know, love has its imperfections and I've been chasing perfection.", sabi ko naman.
"So, what?", tanong niya.
"What if imbis na umalis ako dahil sa mistake, I give them a chance na bumawi?", sagot ko.
"Well.. oo dapat naman talaga maging patient pero it was a different case with you and Tan."
"You gave that boy 3 chances and he wasted all of it.", sabi niya.
Tumango naman ako at iniba ang usapan. There's nothing wrong with second chances, 'yong mali ay kapag inabuso na ng taong 'yon ang chances na binibigay mo.
After spending time with Cherry, hinatid ko muna siya sa sakayan ng tricycle at umuwi na ako.
"Oh, bakit ngayon ka lang umuwi? Mag-impake ka na.", bungad ni mama sa'kin.
"Hala, ma. 4pm palang naman po ah. 'Di niyo na ba ako mahal? Bakit pinapalayas niyo na po ako?", sabi ko habang naka-puppy eyes.
Tinignan ako ni mama na parang nawe-weirduhan sa'kin at tumawa.
"Sira! Uuwi tayo ng probinsya bukas.", sabi niya. Kinabahan naman ako, jusko!
"Alam ko namang kailangan mo ng bakasyon. Hanggang ngayon, na-bobother ka pa rin dun sa nangyari sa inyo ni Tan.", pang-aasar pa niya.
"Ha? Sinong Tan?", pagkukunwari ko. Natawa nalang kami ni mama.
BINABASA MO ANG
Someone's Shadow
Short StoryWhat does it mean when you're the shadow of someone? First, what's a shadow? It's something that always appears beside you. When we first discovered it, we were beyond curious. It's a random way to describe somebody, but it actually makes sense, es...