A week has passed and hindi na muna ako nagparinig sa kahit anong social media ko. Tama lang naman kasi ayoko naman humarot sa taong may girlfriend na.
Is it normal to be disappointed sa happy crush lang?
Uuwi na kami bukas ng Manila kaya nag-impake na rin kami ng mga gamit. Everything happened so fast and hindi kami masyado nakapag-bond ng mga kaibigan ko rito dahil busy sila.
Kinwento ko lahat kay Cherry and sabi niya sayang daw.
<Teh, pass sa pagiging kabit.>, sabi niya habang magka-call kami.
<Syempre naman. Happy crush lang naman 'yon.>, sabi ko sakanya.
<Then, why do you sound so sad?>, tanong niya.
Sinabi ko nalang na hindi ko rin alam. Meeting him made me hope that there was love for me but bumalik lang ulit lahat sa dati. Maybe hindi pa para sa'kin ang love.
Pagkatapos ko mag-ayos ng mga gamit namin. Kinuha ko na ang cellphone ko at in-open ang safe place ko. Twitter.
Melktea_qt
I should definitely stop na.After tweeting that, nag-scroll pa ako saglit at tamang like and retweet sa mga posts na relate ako. Bakit ba kung kailan malungkot ako puro masasaya at in-love ang mga nasa twitter? Kapag naman masaya ako, puro pang-broken. Sabayan niyo naman ako. Charot.
While scrolling, a tweet appeared on my feed.
KioHrnndez
Oh, pls don't.Loh, pinagloloko mo ba ako? You literally have a girlfriend. Kaunting kembot nalang, maniniwala na akong pare-pareho lang ang mga lalaki.
I just turned my cellphone off and went outside the room to help my family prepare our dinner.
"Apo, may nanliligaw na ba sa'yo?", tanong ni lola.
"Wala pa po.", sagot ko naman habang nakangiti na tipid.
"Wag mong hinahabol ang pag-ibig ah. Ang tunay na pag-ibig ay nakakapaghintay.", pagpapaliwanag ni lola.
"Unahin mo muna ang pag-aaral at iba pang gusto mong gawin sa iyong buhay. Maganda ka naman, matalino, at mabait. Hayaan mo lang sila.", dagdag ni mama at tinanguan naman nina lolo and papa.
Hindi naman sa pagmamayabang pero tama naman sila. Hindi mostly about dun sa part na maganda, matalino, chuchu. They were right about how true love can wait.
Pagkatapos mag-prepare ay kumain na rin kami. Tutulong na sana ako sa pagligpit nang lumabas si mama at binigay ang cellphone ko.
"Kanina pa tumutunog 'yan. Kami na rito. You already helped in preparing and cooking dinner.", sabi niya.
Nginitian ko siya at bumalik na sa kwarto habang hawak ang cellphone ko. I have 5 notifications. 3 from Twitter and 2 from Instagram.
Una kong in-open ang Twitter ko and napakunot ang noo ko kasi hindi ko naman kilala ang mga nag-mention sa'kin.
KioHrnndez
Gonna make me wait??Comments:
its_neil: @melktea_qt ay sorry na-mentionplayboysean: siraulo ka talaga, neil HAHAHAHSHAHA @melktea_qt sorry sa tropa namin, nakasinghot ata ng good item.
dan_09: hello! Maglilinis lang po sana ako rito ng kalat. Btw, hi raw @melktea_qt sabi ni Kiyow.
??????????
I'm so confused. Anong kinalaman ko sa tweet ni Kio? Hindi ba makikita 'yan ng girlfriend niya?
Melktea_qt: Po?
Naguguluhan talaga ako kaya para mawala na 'yon sa isipan ko, tinignan ko naman kung ano meron sa Instagram.
Kio_H
HeyKio_H
I'm the guy from the restaurant.
BINABASA MO ANG
Someone's Shadow
Short StoryWhat does it mean when you're the shadow of someone? First, what's a shadow? It's something that always appears beside you. When we first discovered it, we were beyond curious. It's a random way to describe somebody, but it actually makes sense, es...