7

3 0 0
                                    

From that day on, parang lumevel up ang nararamdaman ko sakanya.

3 days lang kami sa probinsya nun dahil long weekend lang naman pero not that long. Saturday, Sunday, and Monday lang. Sa ibang days, we spent time with other family members and friends kaya hindi rin kami nakapagkita ulit ni Aki. Nagkwento ako kay Mama and Cherry at syempre, puro asar nanaman ang nakuha ko sa kanila.

My feelings for him were different from my feelings sa mga past crushes and flings. Speaking of, 'yon ang naging topic namin.
Ex-crushes and ex-flings.

Aki
Alam mo ba?

Aki
Naging crush ko 'yong pinsan mo when we were Grade 7.

He was a grade higher but we were the same age kasi maaga siyang nag-aral. Nung una, akala ko pa nga niloloko niya ako na magka-age lang kami kaya sinend pa niya birth certificate niya.

Lili
Hays, ano ba 'tong lahi namin? Char.

Aki
Oo nga. Don't worry. You'll become Hernandez someday.

Lili
Sus, ganyan ka rin siguro sa mga ex mo.

Aki
Nahh. Most of my exes are from here. Mas madalas personal na usap hindi chat.

Lili
Ahh ganon ba? Niligawan mo sila?

Aki
Yeah. Pumupunta ako sa bahay nila, quality time, gifts, etc.

I don't know but that made me feel a little bit sad. Ako, nakuha niya sa chat lang pero 'yong iba, nagawan niya ng maraming effort. Maybe dahil nasa malayong lugar ako? 'Yon lang siguro 'yon.

Kapag naman naglalaro siya ng basketball, sinasabihan ko siya ng goodluck at hinihintay ko siyang mag-chat ulit.

Habang naghihintay, naglinis muna ako ng kwarto, nag-workout tapos kumain. Hehe.

May kumatok kaya ako ang nagbukas kasi nasa itaas si mama, nagpa-plantsa. Pagkabukas ko, bumungad si papa galing sa trabaho.

"Ay, nak! Naaalala mo 'yong tinanong mo sa'kin kung saan 'yong house?", tanong ni papa habang naghuhubad ng sapatos.

"Ahh. Opo. Bakit po?", tanong ko.

"Magkaka-reunion kaming magkakaklase. Uwi tayo nang August 27.", sabi ni papa.

"Oh. Next month pa. Medyo matagal pa. Sige po.", sagot ko.

"Kaya kung may ipapakilala ka. Dun mo na ipakilala.", sabi niya pa.

Aki was the only one I considered to formally introduce to papa. Wala akong kaba na nararamdaman kasi I thought that magkakasundo sila. Si Tan naman noon, nahuli lang siyang nanliligaw pero si Aki, when it comes to him, I think of things na pang-long term. Things that are serious and will last.

Pagkabalik ko sa kwarto ko, kinuha ko ang cellphone ko. Nakita kong online si Aki kaya nag-chat na rin ako.

Lili
Guess what?

Hinintay kong mag-seen siya pero minutes have passed and hindi na ako makapaghintay so sinabi ko na.

Lili
Uwi ulit kami sa Aug 27!

Lili
May reunion daw sila papa kasama papa mo. Sama tayo?

Naghintay pa ako nang ilang minuto. Nag-scroll muna ako sa Tiktok habang naghihintay. After 30 minutes, nag-reply siya.

Aki
Hi! Sorry, late natapos 'yong laro.

Lili
Eh online ka kanina

Aki
Idk. Ganun ata talaga sa messenger.

Lili
Ohh baka.

Aki
Aug 27? Hala.

Lili
Yes. Makikita mo na rin si papa HAAHAH

Aki
Aalis kaming magkakaibigan nun. Mag-babasketball kami.

Aki
Remember 'yong kinwento kong ex crushes nila Sean at Neil? Manunuod sila kaya sasamahan ko 'tong dalawang sira.

Lili
Oh. Hindi ka makakasama?

Aki
Hindi eh. Matagal na rin namin pinlano 'yon eh. Babyahe pa kami kasi y'know, sa malayong lugar 'yon.

Lili
okayy

Aki
Sorry, Lili.

Aki
Lili?

Aki
Sorry na, okay?

Aki
Are you okay?

Lili
hindi eh.

Aki
Sorry na. Laro muna kami.

Nalungkot na ako. I felt my eyes were really tired so after mag-dinner, nag-toothbrush ako at natulog na. Masyado ko bang dinadamdam lahat?

Someone's ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon