I didn't have to do the first move because for some reason, we were already Fb friends, Twt moots, and we follow each other on Insta.
Slight kilig kasi nasa close friends niya ako sa Instagram.
These simple and little things make me smile. I guess this is what they call a happy crush.
We didn't do much in our province, siguro ako lang wala masyadong ginagawa, sila papa palaging may kinikita since most of their friends are from here kasi dito sila lumaki ni mama.
I was bored so lumabas muna ako at naglibot. Pumunta ulit ako sa food stall kung saan nakita ko 'yong dati kong crush. I ordered milktea and waited.
While I was waiting, a group of boys entered, mga nagva-vape. Hindi ko na sana sila papansinin pero I saw a familiar face.
I saw Akio.
Jusko! Bakit ngayon pa? Bakit sila nandito? Sa lahat ng pwedeng kainan, bakit dito pa? Naka-pang-bahay ako at hindi ko pa dala ang cellphone ko. Wala akong magagawa habang naghihintay.
Yes, I was distracted from being conscious on how I look but I can't disregard the fact na nagva-vape siya.
It was a red flag for me.
Hindi ko sila tinignan kasi.. honestly, I don't know. Hindi naman nila ako mamumukhaan kasi naka-mask ako pero nahihiya na ako nang slight.
Once my milktea was served, nagbayad ako't umuwi. Hinanap ko ang cellphone ko't umupo. I tweeted..
Melktea_qt
Hala, nag-aano. Sayang. 😮💨Medyo na-turn off pero a last stalk wouldn't hurt, right? I searched his Twitter profile and there was a recent tweet.
KioHrnndez
You don't like that? Fine, I'll quit.Napatakip ako sa bibig ko and naisip ko agad na baka hindi naman dahil sa tweet ko 'yon. Ang daming possibilities eh.
*KioHrnndez liked your tweet*
Okay, hinga.
I-dedelete ko ba 'yong tweet? I-delete ko na ba ang twitter account ko? Magpakain na ba ako sa lupa?
Hindi.
Matapang ako. Dapat sinasagot mga ganyan. Therefore, I tweeted a meme. Do you know the shrek meme na parang nagdo-doubt? Yes, that one.
Nakailang refresh ako sa profile niya and nagkaroon ng new tweet.
KioHrnndez
Promise.And with that, tinakpan ko na ang mukha ko. Lord, hindi ko kaya. Parinigan palang 'to sa Twitter with like 95% possibility na ako nga 'yong pinariringgan niya.
Tinigil ko na ang pag-tweet at nag-scroll nalang sa iba pang social media.
"Melinda, bakit ikaw lang ang may ganyan, aber?", tanong ni mama.
"Ay, akala ko mamaya pa po kayo uuwi. Wait, bilhan ko na rin kayo. Malapit lang naman 'yong biliha-"
Paano kung nandun pa sila? Sandali, kung nagparinigan kami sa twitter, ibig sabihin alam niyang ako 'yong babae kanina sa food stall???? Hindi naman siguro, 'no?
Dinala ko ang cellphone at wallet ko at umalis.
Nang medyo nakalapit na ako, dinahan-dahan ko na ang paglalakad. Nakita kong nandun pa rin sila. Itinapat ni Akio 'yong cellphone niya sa kaibigan niya. Pinakita niya 'yong...
Shrek meme ksckxkdkcjdid
"Ano, Kio? Umaasa ka bang magcha-chat siya?", pang-aasar ng kaibigan niya.
"No. I should do the first move.", sagot naman niya.
Hala, enebe.
Nagtago muna ako at nagpahinahon. After that, bumili ako ng milktea na parang walang nangyari. Naghintay ulit ako. Oo, matapang ako pero sa social media lang. Hindi ko pa rin sila matignan. Nasa table sila na medyo malayo sa counter at nakaupo naman ako sa table sa tabi ng counter.
"Hello, pa?"
May tumawag kay Akio kaya tumayo muna siya at medyo lumapit sa kinauupuan ko para hindi marinig ang ingay ng mga kaibigan niya.
"Ah, okay. Wait. Mamaya-maya uuwi na ako. For now, paki-alagaan muna po si Mira. Thanks.", sabi niya.
Mira? Sino si Mira? Does he have a girlfriend?
Ok, ouch.
BINABASA MO ANG
Someone's Shadow
Short StoryWhat does it mean when you're the shadow of someone? First, what's a shadow? It's something that always appears beside you. When we first discovered it, we were beyond curious. It's a random way to describe somebody, but it actually makes sense, es...