"Good morning, nak!", bati ni papa.
"Good morning, pa, ma!", bati ko sakanya and kay mama.
Nag-breakfast kami nang maaga kasi uuwi kami ng probinsya since long weekend sila papa.
Sinabi ko na rin kay Aki 'yon. It's our first time na makita ang isa't isa, not as strangers, but as friends(?)
Dati nanunuod lang kami sa Discord ng movies and nagtatampo pa nga siya kasi siya ang screensharer. Lugi daw siya kasi hindi niya ako makikita habang nanunuod. Ngayon, magkikita na kami.
After mag-breakfast, nagsakay na kami ng mga gamit. Pinlay ko na ang music from my usb para hindi kami ma-bored sa byahe.
Habang nakadungaw sa bintana, inisip ko 'yong amin ni Aki. Lahat ng requests ko binibigay niya kahit kadalasan, as a joke lang, hehe. Kagaya nalang ng paghingi ng selfie, vid na kumakanta, and sumasayaw. Isa sa mga fav ko 'yong nag-vid siyang kunwari nagpapakilala kay mama. Kunwari pa siyang Lili nabanggit niya imbis na Mel.
Una, mag-classmates tatay namin. Pangalawa, he appeared sa buhay ko kung kailan I felt hopeless na deserve ko ang love at pangatlo, nagkita na pala kami noon.
Remember 'yong momentary crush ko? 'Yong nakita ko sa food stall na malapit sa house namin sa probinsya? May possibility na siya 'yon. He lived near and palagi pala sila nandun magkakaibigan.
Aki
Yeah, dyan kami banda. Paano mo nalaman? Scary ka ah.Lili
Sira. Tinanong ko si papa kung saan nakatira 'yong dad mo.Aki
Hala, kilala na ako ni dad?Lili
*titoAki
Ah, oo, tito. Sorry hehe practice lang.Lili
Malapit lang pala house niyo. Kaya pala minsan nasa food stall kayo.Aki
Yeah. Alam mo ba na 'yong last na punta namin dun, pinilit ko lang friends ko.Aki
Papunta kami sa ibang kainan nun pero nakita kitang pumasok dun kaya inaya ko sila. I was supposed to make the first move there pero nahiya ako tapos hindi ka pa tumitingin.Lili
Nahihiya rin kasi ako huhu. Palagi ba kayo dun?Aki
YepLili
HAAHAHA I just remembered something. Sa same food stall ko nakita unang crush ko d'yan eh.Aki
Really? Sino yan ha?Lili
Don't worry. Nakita ko lang siya pero hindi niya ako nakita.Lili
Ang lakas kasi ng dating. Naka-black t-shirt siya nun.Aki
Ah, ako yun. Naka-white shorts pa nga ako. Jk.Lili
Paano mo nalaman na naka-white shorts 'yong nakita ko nun?Aki
Wait. Anong itsura nung t-shirt?Lili
Black na may gold na design.Aki
Hala, familiar.Di ako naniniwala sa destiny but iba talaga 'to. It's like God really wanted us to meet. If I had to think of what to describe our relationship, it would be..
Shadow.
We're each other's shadow. We didn't know na all this time, nasa tabi na kami ng isa't isa. Kagaya ng mga babies na tuwang-tuwa sa shadows nila, we also became interested as soon as we realized each other's existence.
Sabi ko kay papa nakakausap ko palang si Aki. Kinikilala ko palang. Okay lang naman sakanya. Alam din niya na magkikita kami mamaya. Sabi pa nga niya magdala raw akong baril. Natawa nalang kami ni mama.
Nakatulog ako sa byahe kaya parang mabilis lang. Pagkagising ko, nakarating na kami. I greeted lolo and lola. Kiniss ko rin sila sa cheeks tapos tumulong ako sa pag-ayos ng gamit.
Nag-toothbrush na rin ako, perfume and brush ng buhok.
"Masyado ka ata nag-aayos ah.", pang-aasar ni mama.
"Hehe. Nakakahiya naman po kasi, ma. Baka may panis na laway pa ako, jusko.", sagot ko.
Cellphone and wallet lang ang dinala ko tapos dumiretso na ako sa food stall. Dun na raw kami magkita para malapit lang sa bahay. Kakabyahe lang daw kasi namin at baka pagod ako.
Nakita ko siyang nakaupo kaya pumunta na ako dun.
"Hi!", bati ko.
"Hey! Do you want anything? My treat.", sabi naman niya.
Um-order nalang kami ng milktea since na-miss ko rin ang milktea rito. Minsan nabubulol kami tapos nahuhuli namin ang isa't isa na minsan nakatingin. Ang awkward pero nakakakilig pa rin.
Nag-usap kami about school and other stuff. He was really nice. Dapat nga 6:40pm ako uuwi pero sabi ko kay mama, basta before 7pm ako uuwi. Hehe.
Natapon pa ang kaunting milktea sa dibdib ko, punong-puno kasi. Mukha tuloy akong batang natapunan. Nagpakuha ako ng tissues kay Aki and nagtaka siya kung bakit. Hindi niya pala napansin na natapon. Hindi raw kasi siya tumitingin dun.
He offered na ihatid ako so naglakad kami palabas. I jokingly walked away from him kasi nahihiya ako sa height ko. He was so tall. Nagkunwari pa siyang nagtatampo kasi nilalayuan ko siya.
"Dito nalang. Goodbye!", paalam ko sakanya pagdating namin sa gate.
"Bye, Lili. Ingat.", pagpapaalam din niya.
Tumalikod na ako at nagsimulang naglakad papasok pero parang gusto lumingon ng katawan ko. Also, hindi pa ako nagpapasalamat sa libre niya. Baka nakaalis na siya pero tinignan ko na rin para sure.
I looked back and saw him waiting na makapasok ako. Nakita kong nagulat siya't nailang.
"Thank you pala sa libre!", sabi ko. We smiled at each other.
I don't know what made that moment so special. Was it because of the love song na nagpa-play sa background kasi nagvi-videoke kapitbahay namin? Was it because that moment was like a kdrama scene?
Or was it because I realized I've completely fallen.
BINABASA MO ANG
Someone's Shadow
Short StoryWhat does it mean when you're the shadow of someone? First, what's a shadow? It's something that always appears beside you. When we first discovered it, we were beyond curious. It's a random way to describe somebody, but it actually makes sense, es...