(BBS1-10) : Suspicious Minds

61 4 2
                                    

AN: As promised, here's the update 🤭😅

Martin's POV

He watched as Pops walk away from him. He even saw her approach his brother.

You really want me to treat everything that happened between us is just a dream huh?  Then I'll give you a dream Pipay.

Sinadya niyang dumaan sa mga ito.

"Mart? Saan ka galing?" Tanong ni Vic habang yakap-yakap pa din si Pops.

"Dito lang kuya. I just talked to someone." He answered and looked at Pops na biglang napa bitaw kay Vic. "I mean I talked to someone on the phone, I don't want anyone to hear kaya lumabas ako." Palusot niya pero tiningnan ng maka hulugan si Pops.

"Hon, masakit ang ulo ko, can I sleep na?" Singit naman ni Pops.

"Sure, pano bro? Mauna na kami?" Paalam naman ni Vic sa kanya.

"Sige. Matulog na din ako sunduin ko lang si Sheryl." Aniya at napansin niya ang pag ismid ni Pops.

"I see someone is jealous."

----------

Pop's POV

When they reached Vic's bedroom ay kaagad siyang nahiga sa kama.

"Hoy Pipay! Hindi ka ba magbibihis muna? Ang dumi dumi mo baka madumihan yan kama ko inihihiga ko pa naman diyan si baby Vico?" Masungit na saway pa sa kanya ni Vic.

"Hoy Victorio! Hindi ako madumi no? Saka nasaan ang anak mo?" Naiinis na tanong niya dito.

"Nasa kwarto ni Aga, hiniram nung dalawa ni Lea, nag pra-practice na ata mag alaga ng anak yung pinsan mo. Kung dito ka matutulog sa kwarto ko, mag palit ka ng damit seryoso ako Pipay."

"Oo na oo na! Pahiram ng damit!"

"At manghihiram ka pa talaga? Bakit kasi di ka nagdala ng gamit mo? Plano mo pala dito matulog!"

"Hindi ko naman plano matulog dito Victorio, kung alam ko lang----"

"Kung alam mo lang na ano? Saka ano ba naisipan mo at dito ka matutulog ha Pipay?"

"Wala, saka dati naman ako natutulog dito a? Ngayon pa naging bawal e ikakasal na tayo?" Pag iwas naman niya sa tanong nito.

"Oo nga, pero dati sa guest room ka natutulog hindi dito sa kwarto ko."

"Ang dami mong reklamo Victorio natatakot ka bang matukso sakin? Don't tell me crush mo na ako, naku sinasabi ko sa'yo hindi pwede!" Pagbibiro pa niya sa kaibigan.

"Alam mo Pipay, konti na lang iisipin ko nagka ganyan ka bigla dahil kay Sam o di kaya naman kay Martin. Crush mo?"

"Hala, bakit mo naman nasabi?" Nagbibirong tanong pa niya upang hindi ito maka halata.

"Wala naman, you were acting weird kasi mula nung dumating sila. So sino sa kanila? Si Sam or si Mart?"

"Pinagsasabi mo diyan Victorio? I don't do crushes, ano ko katorse? PBB teens? Saka bakit ko naman magiging crush yung kapatid mo? Di naman masyadong gwapo, tapos ang yabang-yabang pa!" Naka kunot noong sagot pa niya.

"Defensive.. so si Martin nga? Lakad kita?" Tukso pa nito.

"Pinapamigay mo ko Victorio?" Nakataas kilay na tanong niya dito.

"Hindi naman, pero if you like him then okay lang naman sa akin. Ganun din naman yun diba? Sa Benitez ka pa din makakasal." Seryosong sagot na nito.

"Paano yung deal natin? Diba I need to pose as your girlfriend pa because of Pia?"

Serendipity (TBBS Book 1)Where stories live. Discover now