KENNETH’S POV:
YES ! YES ! YES !
“AKO NA ANG PINAKAMASAYANG TAO SA BUONG UNIVERSE ! WHOO ! I LOVE YOU ARIES NAOMI LEVA ! WHOO ! MAHAL NA MAHAL KITA ! “
“MAHAL NA MAHAL DIN KITA KENNETH JONATHAN GARCIA ! “
Eto kami ngayon. Sa tutok ng bundok. Sinisigaw na parang wala nang bukas.
“KAYA KAYO ! AKIN LANG SI NAOMI ! “
“AKO RIN ! AKIN LANG SI KENNETH ! “
Tumawa naman kami. Para kaming mga baliw dito. Basta, masaya ako, masaya siya, masaya kami. Wala nang makakapantay pa sa kasiyahan ko ngayon.
“Kain na tayo.”
Hinawakan ko ang kamay niya at pinaupo siya. Syempre, may dinner kami. But not a formal dinner. Yung parang picnic lang. Simple. Pero masaya :)
Pagtapos namin kumain, humiga naman ako. At siya, nakatingin lang sa’kin.
“Okay. Call sign natin?”
“Call sign? Kailangan ba talaga yun?”
“Oo naman.” Umupo ako. “Para alam nila, na tayo.”
“Pero di ba, ang pagmamahal ng dalawang tao ay di nasusukat sa mga ganyang bagay? Kundi dito?” sabay turo niya sa puso ko.
“Kahit na. Ako na lang mag-iisip. Hm… Mine?”
“Pangit eh. Hm. Honey?”
“Wag yun. Mas pangit.” Yun yung tawagan namin dati ni Andrea di ba? Kaya pangit.
“Ano na lang, sweetie?”
“Hm. Parang di appropriate eh. Ito na lang, baby.”
“Common.”
“Please? I find it really cute.”
“Sige na nga. Hi baby.” Sabi ko habang pinipisi ang pisngi niya.
“Hello din baby.” Ngiti niyang sabi.
Kinuha ko ang kamay niya at sinayaw siya ng mabagal.
BINABASA MO ANG
No One Else (KathNiel) [On-Hold]
Teen Fiction"I can love you like no one else can." ⒸBlackConverse12. 2012.