Chapter 15- Inside Me

341 3 2
                                    

NAOMI’S POV:

“Kain tayo ! “

Dinala ko ung isang tray ng chocolate chip cookies at cupcakes sa sala.

“Oi ! Akin ung cupcake na pink ! “

“Akin ung malaking cookie ! ”

“Hep ! Hep ! Hinay hinay lang ! “

Dinumog nila ung isang tray at nagbalikan na sila sa kani-kanilang nilatag na matress. Nagcuddle ung iba sa mga pillows nila. Nagtabon naman ung iba ng kumot.

“Para di maging boring, laro tayo ! “ –Lester

Bakit andito si Lester? Ininvite ko ang Flipped 5 at ang barkada sa sleep over. Un nga lang, wala pa si Kenneth dito. Nabobore kasi ako dito sa unit ko. Para magkalapit na rin kami kahit papaano. Para na rin malaman ni Neil na di talaga masama si Kenneth. Negative ang thoughts niya sa kanya eh.

“Wait. Ayusin ko lang ung electric fan.”

Actually, may aircon dito. Nagpalagay lang ako ng extra electric fan just in case. Humila ako ng upuan at sinubukang abutin ung electric fan. Tinilt ko ung paa ko para maabot ung switch. Tilt lang ng tilt ung paa ko. Nasa may bandang dulo kasi ung switch.

“Konti na lang…”

Nag abot kamay ko na ung switch…

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH ! “

“AYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY ! ”

*BOOGSH*

KENNETH’S POV:

“AYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY ! ”

“UI ! ”

Napabagsak na lang ako sa sahig. Napamulat na ung mata niya na punong puno ng kaba. Nanginginig siya sa takot kaya hinawakan ko siya ng maayos.

O.O <-- kaming dalawa

“Ok ka lang?” tanong ko sa kanya.

“A-Ah, oo.”

Tumayo na siya agad kaya sumunod na rin ako. Nagpagpag na ako ng sarili ko. Nakatingin lang naman sila sa’kin.

“Problema niyo?”

“As I was saying, laro na tayo ! “ –Lester

Nagbalikan na sila sa ginagawa nila nung wala pa ako. Si Naomi naman, bumalik na dun sa kitchen. Sinundan ko naman siya. Ayun siya, sa counter. Nagpreprepare ng mga sweets.

“Hi.” bati ko.

“Jello. Salamuch sa kanina.”

Natatawa ako. Ba’t ganito magsalita ‘to ngayon?

“Anyare sa’yo?”

Humarap siya sa akin habang kapit ung spoon. May halong katarayan ang mukha niya. Then, she smiled.

“Joke ! Wala lang. Trip lang. Thank you talaga kanina. Kung wala ka dun, baka nabalian na ako. Teka, ok ka lang? Di ba masakit ung likod mo? Ung kamay mo, ung paa mo,di ba nasprain---“ hinawakan niya ung likod ko, kamay, balak pa nga ata akong buhatin dahil dun sa paa eh.

“Ops. Tama na. Ba’t ang OA mo? Ok lang ako.”

“A-Ah, OA na ba? Uhm, sorry. Ung CR nga pala, andun sa may left. San ka ba nakakita ng sleepover ng nakajacket?”

Lumakad siya palabas, kaya sumunod na rin akopara magpalit. Nakiupo na rin ako dun sa vacant na matress. Actually, first time ko ‘to. Parang ang girly kasi ng mga sleepover. Pero andito rin naman ung banda. Para na rin sa kanya. ENEBEYEN.

“Sige. Laro tayo ng Question Game ! “ –Naomi

*CRICKET (A/N: Ung SFX na tumahimik bigla)

“Madalas kasi naming nilalaro un nina Mama…”

“Sige ! “ sigaw ko

Napatingin naman silang lahat sa akin. Ngumiti lang si Naomi. Wag niyong sabihin na di nila alam ung Question Game? Aish. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumabi sa kanya.

“Ganito ung Question Game. Magbibitaw ng isang question, tapos ibibigay ng lahat ang answers nila. Kahit gano nakakahiya man. O, ano, game?” tumango naman sila. “Naomi, ikaw na magbigay ng question.” ngumiti naman siya.

“Uhm, pano kung nainlove ka sa taong di dapat?”

Parang hinampas ako ng hangin. Ewan ko. Ako ba pinapatamaan nito? Hahaha. Feeler ko. Teka, bakit nga naman hindi? Gwapo naman ako. Mayaman, sikat---

“Ah ! Ikaw na ang nagsabi di ba? Hindi dapat. Meaning, hindi na dapat.” ano ba yan. Di pa ako tapos eh ! Mabango, malinis---

“Hello? Eh pano kung mahal mo talaga? Fight for it ! Dapat di ka sumusuko ! “

Author  ! Ano ba?! Di pa ako tapos ! (A: Kenneth, sapak gusto mo? Manahimik ka nga ! Naglalaro kayo di ba?) Eh kasi Author--- (A: Hep, tumigil ka na kung gusto mo pang manatili dito ! Di ko pagbibigyan ung gusto mo. Sige ka.) Ui, Author, joke lang ! Peace tayo ! Di na mauulit. Promise ! (^_^)V

As I was saying, ako ay--- (A: May sinasabi ka Kenneth?) Wala po Author (__ __”)

Balik sa kwento. Ngumiti naman si Naomi nang marinig na niya ang sagot ng lahat. Tanong ba un o humihingi siya ng advice? Aish.

“Kung ako, ung diretsong tatanungin, titimbangin ko muna lahat.” ano daw? “Kasi, depende rin naman un sa tao eh. Kung nainlove ka sa taong, di ka naman iniiwasan, pwede mong ipaglaban. Pero kung nagmahal ka ng isang taong, sobrang layo at nagkakaiba kayo, siguro nga mas maganda na ung, layuan mo siya. Ung alam mo na kahit andyan ka, andyan o, sa tabi niya, di ka pa rin niya makita. Tabunan ka ba naman ng isang milyong babae na humahabol sa kanya? Tss.” May luhang tumulo mula sa mga mata niya. ”Pero ang saklap lang… Akala mo, nakalimutan mo na siya. Kasi pinipilit mo ang sarili mo na gawin un, hindi pala… Mas lalo ka lang nahulog sa kanya.” Nagpunas siya ng luha niya. “O ano, tulog na tayo? Good night ! Ang pagod eh ! “ nahiga na siya sa mattress niya at natulog na.

I looked at her as she lay down and tried to sleep.

“Naomi…” napabugtong hininga na lang ako…

“I LOVE YOU…”

-----------------------------------------------------------------

Ehem ! I love you daw o. What do you think? Totoo, o hindi? X)

-Vote, comment and be a fan :)

No One Else (KathNiel) [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon