∞ Nineteen ∞

63 6 1
                                    

∞Forever Yours∞

*Abby's Pov*

Tinawagan ko kanina si Ellen. Makikipagkita ako sa kanya kasi may sasabihin ako. :'(

Naghihintay ako sa kanya dito sa isang coffee shop malapit sa condo namin.

Dumating na naman din siya. Umupo na siya.

"Oh? Bakit bigla kang nakipagkita?" sabi niya habang nag-aayos sa pagkakaupo niya.

Paano ko kaya sasabihin sa kanya. Natatakot ako kung ano yung magiging reaksyon niya.

I heaved a sigh. "I break our promise, Ellen" matamlay na sabi ko saka napayuko.

Napatawa siya bigla. "Hahaha!"

Napatingin ako sa kanya. "Ellen, hindi ako nagbibiro!"

Unti-unti siyang huminto sa pagtawa. "Ano? Ibig sabihin.-Sino yung lalaki ahh? Kilala mo?"

Napayuko ako. "I-I don't know him." tapos napakagat ako sa labi ko para mapigilang tumulo yung luha ko.

"Pero wala naman diba!" sigaw niya.

Umiling ako.

"What the heck!"

Alam kong pinagtitinginan na kami ng ibang customer dito.

"Nagpunta akong OB kahapon, Ellen. Positive!" Hindi ko na napigilang mapaiyak.

"Abby, hindi ka ba nag-isip ahh. Promise natin, pwedeng makipag-eksena, like kissing but what the hell are you doing. Hinayaan mong may mangyari sa inyo? At di mo pa kilala? Are you out your mind?"

Naiyak lang ako. :'( Alam ko, galit sakin si Ellen. Ako din naman eh. Galit na galit ako sa sarili ko kasi di ko man lang nakontrol yung sarili ko. Dahil sa galit nahayaan kong mangyari yun.

-Flashback-

"Abby! Tigil-tigilan mo yang pag-iinom mo. Imbis na tumulong ka sa kompanya, nag-iinum ka lang. Stop being stupid!" sigaw sa akin ng Mama ko.

Alam kong mag-isa niya akong tinaguyod kaya nagtatrabaho siya ng maigi. Pero naman, sana maisip niyang magkaroon ng time para sakin. Puro na lang siya trabaho, at ngayon? Patitigilin niya akong mag-inom. Da hell. Hindi ko gagawin yun, isa yun sa naging karamay ko sa lahat ng problema na naranasan ko, pero siya? Wala siya ng mga time na yun.

"Stupid? Sige sabihin niyo na lahat. Wala akong pakialam. Wala ka naman ding pakialam sakin diba? Puro ka na lang trabaho? Pinapahalagahan mo yang trabaho mo, Eh ako? Sa buong buhay ko ginawa ko ang lahat para mapansin niyo, but what happened? Wala lang sa inyo yun. Pinagbuti ko ang pag-aaral ko para naman pansinin niyo ako kahit saglit man lang pero kahit sa awarding wala ka! Busy ka sa mga paperworks. Bilang isang anak ma, kelangan ko ng atensyon mo. Sa mga pagkakataon na kelangan kita Ma, wala ka, yung alak lang yung andun." pinahid ko na yung kuha ko saka umalis na sa bahay namin at nagpunta sa Bar.

I am proud kasi mag-isa akong pinalaki ng Mama ko without the help of my father. Kaya nga lahat ng ginagawa ko, ginagawa ko yung best para mapansin ako ni Mama. Sa tuwing birthdays ko? She's always busy, kaya Yaya's lang ang kasama ko pag birthday ko.

Uminom lang ako ng uminom. Gusto kong mawala yung sakit na nararamdaman ko. Gusto kong mawala.

Biglang lumapit sakin yung isang lalaki.

"Hi, you're alone?" sabi niya.

Di ko siya pinansin. Nakatingin lang siya sakin. Unti-unti niyang linapit yung mukha niya sa mukha ko, he kissed me. I response to his kisses.

∞Forever Yours∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon