Thirty six

37 2 2
                                    

Thirty —-

* Forever Yours *

Jussy's POV*


-_______- Yan ang expression ko ngayon. Nakakainis kasi 'tong (mga) otor ng istoryang ito, antagal ko na 'di nagsasalita.. Buti na lang.. Aishh.. But, 'wag na lang natin pag-usapan.


"Babe, wag mo na lang akong intayin. Take care. I love you. !" inis na basa ko sa text ng boyfriend ko.


Tangna. Halos 1 hour na akong naghihintay dito sa may waiting shed malapit sa school, medyo giniginaw na nga ako, tapos ngayon sasabihin niya lang WAG KO NA LANG SIYANG INTAYIN..


Ano 'to lokohan? Nalimutan na niya ba kung anong meron ngayon? Pucha. Napatayo ako bigla ng maramdaman kong may kumagat na lamok.


Kyaaahhhh, nilalamok na nga ako dito... -_____- Kinuha ko na lang yung bag ko saka isinakbit sa balikat ko at inis na inis na umalis dun. Ge lang Yix....

Naglakad-lakad lang ako nang mapansin kong may sunod ng sunod na sasakyan sa'kin, sa tuwing hihinto ako, hihinto din yung sasakyan. Binilisan ko na lang yung paglalakad ko.. Ano bang meron bakit ako sinusundan ng sasakyan na'to. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa 'di ko na napansin na may sasakyan na palang papalapit ng papalapit sakin. Napahinto ako. Di ako makagalaw. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang nagawa ko na lang ay ang takpan ang mga mata ko dahil sa silaw ng ilaw na galing sa sasakyan. Panay busina yung sasakyan pero para akong nilagyan ng glue dito.


Di ako makagalaw. Bigla namang may tumulak sakin kaya bumagsak ako sa gilid. Medyo masakit. Pinipilit kong makatayo nang may mapansin akong isang pamilyar na babae na nasa gilid ko. Walang malay. May dugo sa may ulo niya. Napaisip ako, hindi kaya........ siya yung nagligtas sakin?


Paanong? "Ahnne!" May mga taong lumapit samin at tinulungan kaming pumuntang hospital.


Si Ahnne, dinala agad sa Emergency Room. I just cant believe that she saved me. Sa lahat ng ginawa ko sa kanya, she still saved me. Lumabas na yung doctor at sinabing pwede na daw ako pumasok. Pagpasok ko, may benda na yung ulo niya.


"Doc, magiging okay lang ba siya?" tanong ko.


"Aha! You're lucky dahil sa mga oras na yun, may suot siyang cap na nakatulong para di ganun kalala ang damage, But Im telling you that there's possibility na mawala ang memory niya temporarily dahil di din natin mapagkakailang malakas ang impact ng pagkakabagsak niya. "


sabi ng doctor. Bigla namang pumasok ang nurse at sinabing kelangan si Doc sa kabilang room kaya nagpaalam na si Doc, at umalis na. Bigla naman akong napatingin kay Ahnne ng marinig kong napaaray siya.


"Ahnne!" lumapit ako sa kanya. Pero nabigla ako ng tinitigan niya ako at sinabing


"Sino ka?" Omo. Ito ba yung sinabi ni Doc? Dahil di ko alam kung ano ang gagawin ko, tinawag ko na lang si Doc.


Lalabas na sana ako ng marinig kong tumatawa si Ahnne. (¬_¬) Anyare? Di naman sinabi ni Doc na mababaliw din siya? But what's with her?


∞Forever Yours∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon