Thirty Five

24 2 0
                                    

Forever Yours

*Ellen's POV*

Di ako makatulog, sa tuwing naalala ko yung nangyari kanina, yung nagawa ko kanina, bigla-bigla na lang akong napapaiyak. Ang sama ko. Ang sama ko bilang isang kaibigan.

Tumayo ako saka lumabas ng bahay namin, 'di ko alam pero pumara na lang ako ng taxi at nagtungo sa bar kung saan kami nagpupunta ni Abby. Nangiti lang ako. Naalala ko lang yung Abby na loka-loka. Pinahid ko yung luha ko. T.T

Nakita ko namang andun sa may bar counter si Suho. Napangiti ako at lalapit na sana ng mapansin ko yung kausap niya. Si DO. Yung kumag..

Hinigit ko yung kwelyo niya. "Hoy gago ka. Anong sinabi mo sa kaibigan ko ahh!" sigaw ko.

"Huh? Kaibigan mo? Baka nagkakamali ka lang Miss."

"Walangya ka.!" bibigyan ko na sana siya ng suntok ng may pumigil sakin .

Napaharap ako at nakita kong si Suho yung pumigil sakin. "Ikaw, isa ka pa. Bitawan mo nga ako, papatayin ko pa yang kaibigan mo.!" sigaw ko sa kanya saka inalis yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

Pagkaharap ko, may kalandian na yung DO na yun. Panay ngiti sa babaeng kausap niya.

Bigla ko namang kinuha ang bagong serve ng bartender at binuhos sa mukha niya.

"What the----"

Napatayo naman siya. "Hey, Ano bang problema mo, hindi nga kita kilala. Sh*t Nagpapapansin ka ba? Sorry Miss, di kita type!"

Susugurin ko na sana siya ng pinigilan uli ako ni Suho. Nagpupumilit akong makawala kay Suho dahil nanggigigil na ako. Atat na atat na akong mapatay yang DO na yan.

"Ellen..." bulong ni Suho.

Nagpupumiglas pa din ako pero sadyang malakas si Suho.

"Ellen, tumigil ka muna please....... Di siya si DO.." napatigil naman ako at hinarap ko siya.

Binigyan ko muna siya ng sarkastikong tawa saka nagsalita."Nagpapatawa ka ba ahh? Well, sorry di nakakatawa, eh sa mukha niya palang siya na yung DO'ng gago na walangyang p---!"

"What's happening here!" sabi nung lalaking halatang kakarating pa lang.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang DO na nakatayo sa likod ni Suho. Napalingon naman si Suho sa likod kung saan ako nakatingin.

Tumalikod ako saka tinignan yung kanina.

"Paanong..."

Nandito kami sa isang VIP room ng bar ni DO slash Gago slash Walanghiya. Sabi ni Suho na kakambal ni DO yung binangga ko kanina, Well sorry. Kasalanan ko bang mapagkamalan siyang si DO. Eh parehong pareho sila ng mukha eh. Kambal nga diba. Pero teka, di naman siguro ako pumunta dito para lang makilala ang kakambal niya, ang dahilan ng pagpunta ko dito ay para bugbugin ang DO na yun.

Bigla naman ako napatayo.

"Basta. Hindi pa rin mapapalitan ang desisyon kong sa kabaong ang abot mo ngayon 'langya ka!" nanggigil na sabi ko.

"Is that a threat? Well, I'm not afraid" nakangising sabi niya.

"Hoy mas lalong di ako takot sayo, bakla!"

Nakita ko namang tumawa yung kakambal ni DO.

"Babe, si Abby?" biglang tanong ni Suho. Napayuko naman ako at naupo. Napalitan naman ng lungkot ang galit ko. Alam ko. Galit na galit si Abby sakin, Sino ba namang ina ang magiging masayang malamang wala na ang anak niya? Kaya matatanggap ko ang galit sakin ni Abby, alam ko di niya ako mapapatawad ngayon pero maghihintay ako, kahit abutin ng isang taon o higit pa, kakayanin ko.

" Hala kaaa Suhoo, pinaiyak mo oh!" rinig kong sabi ng kakambal ni DO.

"Oie Babee. Babe. ..!"

Napaangat ako ng tingin .

"Sh*t. Wag mo nga akong tawaging 'Babe', Ano ako Baboy? Tangna.!"

Tumawa naman sila, si Suho napakamot lang ng ulo niya at si DO nakita kung nangisi lang. Bigla kong kinuha yung juice na sinerve samin kanina lang at binuhos sa kanya.

"Haha, ang ganda ba ng feeling, bro?" pang-iinis ng kakambal niya.

Tumayo naman si DO. "What was that for?"

Tumayo din ako. "What was that for?... Ha ha.. WHAT WAS THAT FOR? Huh?..... Well, Una para yan sa kagaguhan mo, Pangalawa dahil sinaktan mo si Abby. Pangatlo dahil iniwan mo lang siya w/o knowing na nagbunga ang nangyari sa inyo! Pang-apat dahil sinaktan mo uli siya. Pang-lima dahil gago ka. At Pang-anim at ang huli dahil nawala ang baby niya , Gagong Bakla!"

Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi kong iyon. "T-totoo ba yung... Huli?" tanong ni DO.

" Sa tingin mo, gagawin kong biro yun?, ... Papalampasin ko 'tong araw na ito kaya maghanda ka lang kasi baka di mo alam nasa kabaong ka na! "

Lumabas na ako dun sa VIP room na yun at nagpunta sa condo unit namin. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko yung mga damit-pambata na nasa sofa na binili niya noong nakaraang araw, naalala ko tuloy yung mukha niya, kung gaano siya kasaya, yung iniisip na niya na yung baby na niya yung nagsusuot nun.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa sofa. Kung sana 'di ko ginawa yun, 'di sana- 'di sana masisilayan mo pa ang mundong 'to, pero dahil sa kagagahang ginawa ko, 'di na mangyayari yun. Pinilit kong gawin ang sa tingin ko'y tama, pero yun pala'y magiging dahilan ng pagkawala ng isang inosenteng bata.

Naupo ako sa sahig at tuluyan nang napahagulhol. Im so sorry baby. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Dahil saki----

Bigla na lang may yumakap sakin. "Its okay" bulong niya. Sa boses pa lang niya, alam kong siya yun. Humarap ako sa kanya.

"No its not!" sagot ko.

Ngumiti siya at inayos yung buhok ko. "Then, it'll gonna be okay!" sabi niya at niyakap ako.

He's my hero. He's my boy-bestfriend. He's Paul, the person who's always there when I am sad and when I'm about to give up..

"Magiging okay din ang lahat"

That's the last words I heard from him before I fall asleep.

⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠

VoMments ❤❤

∞Forever Yours∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon