Chapter 10

30.7K 914 241
                                    

Gising na si Irish nang makarating ako sa clinic.

" Oh, gising ka na pala. Okay ka na?"

Agad na tanong ko dito habang lumalapit sa kanya.

" Oo, ang sakit lang ng puson ko at gusto ko nalang magpahinga."

Naiiyak niyang saad sa akin. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso.

" Gusto mo bang sa dorm ka nalang magpahinga?Tara ihahatid kita."

Agad naman siyang tumango at bumaba sa kama, at nakahawak sa puson niya habang gusot ang mukha. Ganun ba talaga kasakit ang magdugo doon?sa isip ko. Pinayagan naman kami ng nurse na lumabas kaya heto na kami ngayon sa hallway. Napapansin kong nahihirapan siyang maglakad kaya agad akong lumuhod sa harap niya.

" Sumampa ka na, ang bagal mo maglakad para kang pagong eh."

Sabi ko sa kanya kaya natawa siya pero ganun parin yung hitsura niya kanina, sinipa niya pa ako ng bahagya bago siya sumampa sa likod ko. Agad naman akong tumayo at naglakad muli habang karga ko siya. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa dorm. Agad ko siyang inihiga sa kama niya at nagpaalam sandali para bumili ng lunch.

" Anong gusto mong kainin at bibili ako?"

" Gusto ko ng noodles at fried chicken.."

Mahina niyang saad kaya agad kong kinuha yung ID ko at naglakad na patungong cafeteria para bumili. Madali lang naman akong nakabili kaya mabilis lang din akong nakabalik. Hinanda ko yung pagkain niya at hinila yung lamesa at doon kami nagsalo at kumain. Masagana naman niyang naubos yung food niya.

" Thank you talaga beh ah. Busog na ako. "

Sabi niya sa akin at uminom ng tubig at bumalik pahiga sa kama niya, inubos ko yung food ko at agad niligpit yung pinagkainan namin. Pumunta ako sa study table ko at nagsulat ng excuse letter niya kasi hindi niya daw kaya tumayo.

" Pumerma ka muna dito at ako na bahalang mag explain sa professors natin."

Bumangon naman siya saglit at umupo at agad na pinirmahan yung sulat. Bumalik ako sa pagkakaupo at naghintay lang ng oras. Nang mag 1:00 PM na ay agad akong nagpaalam sa kanya

" Papasok na ako. Tumawag ka lang kung kailangan mo ng tulong."

Sabi ko bago lumabas, tumango lang naman siya. Pumasok ako sa lahat ng subjects namin ngayong hapon at pinakita ko sa lahat ng prof ko yung excuse letter ni Irish and they told me they understand at valid naman yung reason ni Irish umabsent kaya abswelto na siya. Nasa locker room ako ngayon at nagbihis ng P.E uniform at ngayon yung unang activity namin kay ma'am Vanessa.

Inayos ko muna yung lace ng puting sapatos ko at itinali yung kalahati ng buhok ko, tumingin ako sa salamin sa likod ng pinto ng locker ko at baliw na kung baliw pero binalik ko yung bandaid na nilagay ni ma'am sa pisngi ko kahapon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inayos ko muna yung lace ng puting sapatos ko at itinali yung kalahati ng buhok ko, tumingin ako sa salamin sa likod ng pinto ng locker ko at baliw na kung baliw pero binalik ko yung bandaid na nilagay ni ma'am sa pisngi ko kahapon. Napangiti ako bago ko sinubo yung lollipop sabay nag fierce look sa mirror

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon