Chapter 15

27.7K 889 184
                                    

Agad akong pumasok sa loob ng library at pumunta ako sa pinakadulo, nilapag ko yung bag ko st nilabas yung notebook at lapis. Napailing ako nang maalala ko dati kasi hindi ako nagdadala nang kahit na ano sa school. Tamang cellphone at earphones lang yung dala ko.

Naalala ko yung librong binabasa ni ma'am Vanessa kaya agad akong tumayo at tumungo kung saan iyon nakalagay. Natuwa ako nang makita ko iyon doon kaya kinuha ko at dinala sa table ko.

" Basahin ko kaya 'to?" Saad ko sa sarili habang tinititigan yung libro. Makalipas ang ilang minuto ay nasa kalagitnaan na ako nang libro.

Maganda ang laman ng libro kaya pala gustong gusto itong basahin ni ma'am. Sa bawat pahina na aking nababasa ay lalo akong naiingganyong magpatuloy hanggang sa umabot ako kung saan nakalagay yung bookmark ni ma'am.

Nahulog pa iyon kaya pinulot ko at nakita kong may nakasulat na bagong words doon sa ibabang bagahi nang sinulat ko noon. Agad akong umayos ng upo at binasa yun.

If this was a dream, then I want to stay here forever ,for I have fallen into you and I hope you'll catch me too..🖤

Whoever you are, just leave this dream. Wake up and don't be a fool ,live with your reality and face me!

Natawa ako nang mabasa ko yung sinulat niya. I immediately recognize her penmanship right after I saw the written words under mine. Grabe pati ba naman dito sa sulat kamay niya napaka cold parin ng reply.

Napailing ako at natawa habang kinukuha ko yung ballpen ko para mag sulat nang reply sa sulat niya, I am smiling while I was writing my reply under hers.

Whoever you are, just leave this dream. Wake up and don't be a fool ,live with your reality and face me!

I will face you in reality in the future ma'am. But for now, I want to stay unknown and admire you from here.

Agad kong ibinalik sa page kung saan yun nakalagay kanina bago ko itiklop yung libro at binalik sa rack kung saan iyon naka arrange. Tinapik ko pa yung libro nang nakangiti bago ako bumalik sa mesa.

Nakita kong alas dose na pala kaya niligpit ko na yung mga gamit ko at agad na lumabas ng library. Tumungo na ako sa cafeteria dahil kumakalam na yung sikmura ko. Pagkarating ko doon marami paring mga estudiante ang kumakain.

Agad akong lumapit sa mesa sa may dulo at nilagay yung bag ko bago ako pumunta sa counter para um'order.

" Ate isang rice po saka itong fried chicken at tempura. " Tinuro ko yung pinakamalaki na shrimp at yung chicken. I decided to eat nalang ng ganun at hindi ko na gusto yung iba kasi puro gulay.

Pagkakuha ko nang pagkain ko ay agad akong bumalik sa table ko ngunit natigil ako sa paglalakad nang makita kong may mga tao na doon sa table ko.

Apat silang lahat at familiar sa akin yung likod ni ma'am Vanessa at nasa tabi niya yung bag ko. Pakshit! sa utak ko. Ayaw ko na sanang lumapit kaso nandun yung bag ko eh.

" What do you guys want ba? Ako nalang o'order mga mamsh. " Ani nung isang babae na professor rin siguro sa lahat ng kasama niya.

" Kahit ano nalang sa'kin mamsh, cheat day ko ngayon." Sabi naman nung isang may maikli na buhok. Mejo chubby siya pero may curve na sexy at cute yung mukha niya.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon