Chapter 29

31K 809 127
                                    

Pinatunog ko yung kotse ko bago ko ito binuksan at marahas na tinapon nalang yung bag ko sa loob. Napahawak ako sa panga ko at napailing nang ma feel ko yung hapdi sa gilid nag pisngi ko.

" Damn, she's a great spiker." Bulong ko sa sarili ko.

Nasa parking lot ako ngayon at pauwi na naman ako sa bahay, hindi muna ako matutulog sa dorm at nakapag -paalam na naman ako kay Irish. Galing pala akong clinic kanina dahil dinala ako ni Professor Guidaughti doon. Nilapatan lang naman yung pisngi ko nang yelo para daw hindi mamaga sabi nang nurse. Sinilip ko yung pisngi ko sa rear view mirror nang kotse and damn, sobrang pula nito at para akong sinampal nang pagka lakaslakas. Hindi ko alam kung aksidente ba talaga 'yun kanina o talagang sinadya niya akong tamaan nung bola.

Narinig kong kumulog nang bahagya at kumidlat nang mabilis.

" Haist, mukhang uulan pa yata." Sambit ko at nakita kong nagsimula na ngang tumulo yung ulan.

Pumasok ako sa kotse ko at pinaandar ko na iyon. I was about to drive away nang makita kong may dalawang babae ang nakatayo sa bungad nang school at mukhang nag aabang. Tumigil ako sa harap nila kaya nakita ko kung sino sila. Ma'am Vanessa is standing with a stoic face on the right side while ma'am Ynez is smiling all ears to the left side.

" Wala po kayong dalang kotse ma'am?" Tanong ko kay ma'am Ynez at hindi ko tiningnan si ma'am Vanessa sa gilid.

" Uhm no, nasira yata yung kotse ko darling. Buti nalang nad'yan ka. Can I ride along with you?" Nakangitiing saad niya sa akin na bahagyang nakayuko.

Pasimple kong sinipat si ma'am Vanessa at kita kong nakatingin siya sa bungad nang gate nang school. I'm guessing she doesn't have her car too, at mukhang magpapasundo lang.

" Sure ma'am. Hop in." Straight kong saad at agad bumaba.

Kinuha ko yung payong ko sa likod para hindi kami mabasa nang ulan. Kinuha ko si ma'am Ynez at inalalayan pababa nang hagdan at baka madulas. Hinatid ko siya sa kotse ko at ipinasok sa likod. Isinara ko iyon bago ako bumalik sa harap nang school at hinarap si ma'am Vanessa.

" You can ride along with us ma'am." Seryoso kong saad habang nakatitig sa kanya.

I heard her made a "tsss!" At umirap sa akin bago nagsalita.

" No thanks. I'd rather stay here than be with you two." Tila ba'y galit niyang saad sa akin at naghalukipkip habang sa gilid nakatingin.

She's being cute by acting like that. Napatawa ako kaya she looked at me at ang talim nang tingin niya sa akin. Biglang kumulog nang malakas kaya napatili siya. I saw how she lost her poise which is very cute dahil napapikit pa siya. Takot pala siya sa kulog at kidlat. Tiningnan ko pa siya nang ilang minuto, hanggang ngayon ay wala parin ang sundi niya. Nagpasya akong aalis at nagbilang sa isip ko.

" Suit yourself miss ma'am." Sambit bago tumalikod at naglakad, I counted 1 to 10 while I walked away.

Biglang kumulog at kumidlat kaya naman napahiyaw na naman siya sa likod ko.

" W-wait!" She shouted and she sounds so scared kaya lumingon ako sa kanya.

" I-I changed my mind!I-I wanna ride with you Hendrix!" Nakapikit niyang sigaw habang halata sa boses niya yung kaba.

Lalong lumakas yung ulan kaya agad akong lumapit sa kanya at pinayungan siya. Kinuha ko yung gamit niya pati yung bag niya at inalalayan pababa ng hagdan. Nang makababa na kami ay pasimple pa siyang lumayo kaya mejo nabasa siya nang bahagya. Agad ko siyang hinapit sa bewang at idinikit sa akin sa ilalim nang payong para hindi siya mabasa. I opened the shut gun seat at doon ko siya pinapasok. She looked at me first bago siya tuluyang pumasok at umupo. Yumuko ako at ikinabit yung seatbelt niya bago ko ibinigay yung mga gamit niya. I felt her hot breath kaya agad akong umiwas at tumayo nang maayos bago ko isara yung pinto. Lumakad ako sa kibila at agarang sumakay. Pinagpagpag ko yung payong bago ko ito ilukot pero agad nag salita si ma'am Ynez sa likod.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon