3

4 2 1
                                    

Nakatulala ako sa tabi ng bintana ng sasakyan habang binabaybay namin ang daan patungong Lancaster Academy. Pagmamay-ari nila ang bagay na napulot ko kaya doon ako bibigyan ng parusa.



Minsan ko ng pinangarap pumasok sa eskwelahang 'yon at isa sa dahilan kung bakit gusto kong mabuksan ang charm ko. Ngayon ay makakapunta na ako doon sa paraang hindi ka-nais-nais.



Tanging ang driver at isang lalaki ang kasama ko ngayon sa isang sasakyan habang nasa backseat ako. Nasa isang sasakyan naman ang Headmistress na nasa unahan.



Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Master Harris sa akin bago nila ako kunin.

"Take her," utos ni Headmistress sa mga lalaki.

Naalarma kami ni Master Harris. Umatras ako at naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko saka ipinuwesto sa kanyang likuran.

Umaasa ako na maniniwala siya sa akin at hindi ako ibibigay.

"Sandali lang..." pahayag niya at humarap sa akin.

He sighed. Mariin siyang tumingin sa mga mata ko. "Alam kong hindi mo 'yon ninakaw. Hindi ka ganoon. But, the fact that you brought home that valuable thing and was found to your room, we can't prove your innocence anymore." Napakagat labi na lang ako at tumungo.



"A-Anong gagawin ko Master Harris?" I murmured.



"Rue... Wala kang gagawin. Wala kang kailangan gawin kun'di mabuhay. Wala kang dapat ikabahala dahil maaaring ikukulong ka lang nila. Hindi ka nila pwedeng hamakin." Seryoso at makahulugang sambit niya.



I just nodded. His words were always meaningful and somehow it gave me strength.



Before I bid my farewell, he gave me an encouraging look I never thought I would see and he uttered, "Live...Rue Finnegan."



Hindi ko namalayan na bumabagal na ang takbo ng sasakyan. Sinilip ko sa harap kung nasaan na kami at sakto namang pagtigil namin.



Nakahawak ang dalawang lalaki sa magkabilang braso ko at iginaya sa kinaroroonan ng Headmistress.



We walked for about a minute until we reached the wide and huge gate of Lancaster Academy! Naka-ukit rito ang eleganteng letterings na kulay gold ng Lancaster Academy.

Namilog ang bibig ko sa pagkamangha. Ngayon ko lang ito nakita ng malapitan. The gate itself screams elegance and power.



Kusang bumukas ang gate at nagsimula na kaming maglakad papasok. It brought me chills and shivers down on my spine.



Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong lumunok dahil pagkapasok pa lang namin sa mismong gate kanina ay hindi na magkanda mayaw ang mata ko sa mga nakikita ko!



We walked passed through the pines until we reached the main building of the school. Habang naglalakad ako kanina ay parang may nararamdaman akong kakaiba sa atmosphere pero hindi ako sigurado kung ano nga ba dahil magkahalo ang nararamdaman ko ngayon.  Para akong pumasok sa ibang mundo.



Tiningala ko ang mataas, malaki at magarbong disenyo ng building sa harap ko. Sa gitna ay may malaking simbolo ng Lancaster Academy. Everything is made out of bricks. There were also well-groomed plants aligned. The vast yard is covered with lawn and the maze garden were properly trimmed.





This place is truly enchanting. I almost feel like I am in some kind of fairytale book! The entire place is breathtaking!



Muntik ko ng makalimutan na nandito ako para maparusahan!



Lancaster Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now