Entry #21

0 0 0
                                    

Kumusta kana, mahal ko?
Masaya kaba?
Tahimik na ba ang puso mo?
Hiling ko sayo ay sana nga.

Nag-uunahan parin ang luha kong bumagsak,
Umiiyak akong pinanood kayo,
Nasasaktan parin ako,
Hindi ko lang pinakita.

Walang oras na hindi ako nagsisisi,
Pilitin ko mang bawiin,
Pilitin ko mang itama,
Hindi na, sirang-sira na tayo.

Napapagod na akong magdusa,
Sinasaktan ko sarili ko,
Ngayon, sarili ko muna,
Hahanapin ko ang dating ako,
Kaya, paalam na, 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒌𝒐.

Unsaid ThoughtsWhere stories live. Discover now