Sabay nating pinaghirapan iabot sa taas ang relasyon natin
Ngunit unti-unti itong gumuho
Pinilit nating pinaghahawakan
Pinilit nating ayusin at itaas muliPero pagod na akong hawakan
Tapusin na natin ito
Bitawan na natin ang ating mga kamay
Siguro hanggang dito lang talaga ang para sa ating dalawaSa pangalawang pagkakataon
Tayo'y sumubok muli
Ngunit tayo'y gumuho parin
Gusto mo pang lumaban ngunit ayoko naMahal ko, pagod na mahal mo
Masisisi mo ba ako kung ayoko na talaga?
Paulit - ulit na tayong gumuho
Tama na, mahalSiguro pinagtagpo lang tayo sa mundong ito
Pinasubok sa atin nang mundo ang hirap
Ngunit hindi tayo ang tinadhana ni kupido
Nasa tamang pag-ibig tayo ngunit nasa maling oras at tao.