Sisters

69 4 11
                                    

Adelina.

Maliliit ngunit mabibilis ang aking hakbang habang binabaybay ang lubak na daan patungo sa lambak na pinagkakaabalahan ni Ophelia.

Kinailangan ko pang lumipad para makalabas sa palasyo dahil alam kong magtatagal ako kapag dumaan pa ako sa bayan. 

"Aricia." Bungad sa akin ng bantay sa lagusan.

"Magandang umaga." Bati ko pabalik.

"Masaya akong makita kang muli."

Ang mistulang katubigan na harang sa pagitan ng dalawang nakatindig na sanga ng puno ay marahang gumalaw dahil sa maliliit na bulaklak na tila sumasayaw doon.

The liquid gradually split in half, revealing the pathway leading to the valley's entrance. I giggled as I stepped inside upon being greeted by a shower of sparkles.

Tumigil ako sa paglalakad at nilibot ang paningin sa buong lugar. 

Hindi nawala ang ngiti sa aking labi habang manghang pinapanood mamulaklak ang iba't ibang uri ng mga bulaklak, pati na rin ang mga halamang maayos at masinop na nakatanim sa mga nakatalagang parte ng lambak para sa mga ito.

Mula sa aking kinatatayuan ay may daan patungo sa gitna, kanan at kaliwa at kahit anong piliin ko ay matitigil pa rin ako para pumili kung saang direksyon muli dadaan.

Ophelia's valley is similar to a maze, except that you won't get lost because of the post signages placed throughout the valley.

On the far end, near the top, I can see a house made of tree branches. I smiled and held the end of my dress as I continued walking, only to be stopped by a voice.

"You're back," exclaimed a man.

Hinarap ko ang sumalubong sa akin at marahan siyang nginitian.

"Alexandrite." His gem-like eyes sparkled as the ray of sun kissed them. 

"Adelina." Bati niya kasabay nang paggalaw ng hangin dahilan para lalo pang bumuka ang nakabukas na niyang pantaas.

"Kumusta?" Masigla kong tanong habang hinihintay siyang makalapit.

"I should be the one asking you that. How was your trip?" Aniya matapos tumigil sa harap ko bago binaba ang basket niyang hawak.

"Mabuti naman. May kinakailangan muna akong ayusin dito bago ako bumalik muli roon." Balita ko.

Bigla niyang ginalaw ang kanyang ulo para lumingon sa kanyang kanan kaya nakita ko ang tulis ng kanyang pangang bumagay sa masungit at mapangahas niyang dating.

Napailing pa ako dahil malayong malayo ang pisikal niyang kaanyuhan sa kanyang personalidad.

"I don't want to assume it's your sister, but she's at the ranch, playing with her horses."

Napatingin din ako roon at napahinga na lang ng malalim nang matanaw ang pagbagsak ng kapatid ko mula sa likuran nang sinasakyan niyang puting kabayo.

"Salamat." Balik ko sa kanya. 

"It's nothing. Your sister has been of help to my master." Ngumiti lamang ako at kumaway bilang pagpapaalam.

Alexandrite is one of the five stone sires. If my sisters and I were named after flowers, they were named after the gemstones that matched the colors of their eyes.

These sires are the greatest warriors in our realm, and they are at the frontlines of our defense. They were naturally skilled and experts on the battlefield, whether physically or intellectually.

It's no secret that they're perfectly sculpted, like a master of their own, when in reality, it's them who serve their masters for protection.

Tulad ng kanyang nabanggit at base na rin sa mga bulaklak at halaman na laman ng kanyang basket ay mukhang may dinaramdam ang pinagsisilbihan nito.

Navillera Series: DaisiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon