Adelina.
"Her eyes sparkled. Many will think it was because of the man kneeling in front of her, holding the small box containing a sparkling diamond ring, but it showed fear for the man standing in the far corner."
Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko habang pinapakinggan ang aking kapatid gamit ang sarili nitong emosyon.
She is telling a story from the human realms.
It was no secret that Eirlys wished to be normal. A normal being who is far from who she is in reality.
That's also why she began reading the story from the other world. It allowed her to imagine what she could see and do from there.
And we're not even complaining.
Bigla niyang binaba ang librong hawak at hinarap kami para magtanong, "Bakit naman siya matatakot?"
"Well, Eirlys, my dearest sister. If I were her, bakit ako matatakot? The man I love is willing to marry me, why should I be afraid?" Sagot ni Ophelia'ng nakadapa ngayon sa lapag.
"Hindi, ate."
"Bakit hindi?"
"Hindi siya takot sa lalaking mahal niya. Natatakot siya sa posibleng mangyari sa kanila kapag lumipas na ang panahon." Kontra ni Eirlys.
"Alam naman nating sa simula pa lang takot na siyang magmahal, hindi ba? Takot siya na baka pagkagising niya, magbago na ang lahat. Takot siya na maaaring dumating sila sa puntong kinakailangan nilang maghiwalay."
Napatuwid ako ng upo at tila pumintig ang tenga sa mga salitang naririnig ko sa pinakabata naming kapatid.
"Ang tao kasi ate, mabilis mapagod, mabilis din silang magsawa, hindi katulad nating habang buhay na magiging tapat." Ngiti niya na para bang kabisadong kabisado niya ang mga mortal.
"Kaya natatakot ang babae dahil maaaring sa ngayon, siya ang piliin ng kanyang minamahal pero sa mga susunod na araw, buwan, o taon... siya pa rin kaya?"
"But isn't that love? Love is literally taking a risk." Balik ni Ophelia.
"No, ate. Love is the absence of fear."
"Kasi kung mahal mo ang isang tao, bakit ka matatakot?"
Namayani ang katahimikan sa silid habang nagkatinginan kami ni Ophelia. Sinenyasan niya ako gamit ang kanyang mga mata.
Isang mahinang bungisngis ang aking sinagot dahil alam kong nakuha lamang ni Eirlys ang kanyang mga sagot sa mga nobela niyang binabasa.
"You see, there is no right or wrong in what you're both saying since love may be interpreted in a variety of ways." Pagbasag ko sa katahimikan.
Binigyan ko ng saglit na tingin ang aking mga kapatid bago marahang tumayo para magtungo sa kumpol ng mga librong malapit sa akin.
"Everyone has their own definition of love."
Pinalandas ko ang aking hintuturo sa mga librong aking nilagpasan hanggang sa nahinto ako sa tapat ng pamilyar na salita.
Equity.
"Hindi lahat ay may pribilehiyong magmahal. Hindi lahat ay may pagkakataong piliin ang kanilang nararamdaman dahil simula pa lang, hindi kailanman naging pantay ang mundo."
At iyon ang nais kong ayusin.
Alam kong hindi ito madaling baguhin ngunit susubukan ko pa rin.
As long as they see someone trying, they will not be discouraged. A hundred percent will be incomplete without that one person who has the power to change everything.
BINABASA MO ANG
Navillera Series: Daisies
Fantasy[Navillera Series # 1] Navillera is the realm that has complete control over the beauty of nature in all realms. It is symbolized by the three jewels born from the blossoms of flowers that represent the jewel stones of their realm: Daisy, Iris, and...