Sabado ngayon . At Ngayon daw yung Birthday ni Booo. Hayst. Maniniwala ba ako ? e kasi naman laging kalokohan lang ang alam nun .
Pero Kagabi kasi kinulit ako ng kinulit sa text medyo nakakabadtrip nga e kasi naman tatlong send sa isang pangungusap. minsan per Letter pa -__- How nice -__-
9am palang naman e. usapan 4pm sa tapat ng school.
ilang movie na din pala ang Napapanuod ko . 1pm nag text sakin sila Alvin nag aayang mag basketball. Bihira lang mag kaayayaan ang barkada kasi naman busy kaming lahat at pinag iba iba kami ng school na papasukan para daw tumino kami -__- magulo kasi kapag magkakasama e .Natural Barkada nga di ba ?-___-
Grabe nakakapagod Din maglaro kasama ang mga mokong nato ! Pero Atleast Nakabonding ko din sila . nakaka miss din ang Barkadang to.
Nakatulog kaming Lima sa Bahay ni Nila Alvin at pagtapos Movie marathon naman . Avengers Ang pinaka Favorite naming Movie :)))
Gabi na din ng makauwi ako sa bahay. Alam naman ni mama kung sino ang mga kasama ko kasi bihira na lang kaming magsamasama . kaya diretso na ako sa kwarto ko .
*Beep
*Beep
*Beep
Naiwan ko nga pala yung Cp ko sa kwarto . dahil Hindi ko nakita kaya pinabayaan ko nalang .
*Beep
*Beep
*Beep
grabe ang dami namang text . Tinignan ko na kung sino nagtext .
from Booo<3 :* (Oops ! Hindi ako naglagay niyan . Siya. )
asan kana ?!
Hoooy!!!
Uuuyyyyyu!!!!
Beeeee !!
pupuntakaba ?!!!
sabimoOopupuntaka :'(
Shit ! nakalimutan ko ! 10pm na ! Hindi ko namalayan yung Oras ! bigla bigla akong tumakbo para sumakay at pumuntang school . habang nasa biyahe binabasa ko padin yung message niya ... ewan ko pero nakokonsensya ako .
Beeeeeeeeeeeeee !!!
Beeeeeeeeeeee !!!
anggwapomobeeeeee !!
asankanaaaaa ?!!!
pakamataykanaaaaaa !!
angpangetmooooooooo!!!!
hoooooyyyy!!!
may Pigsakabasapweeeett ?!!!!!
natawa ako bigla sa kanya ang lakas talaga mang asar
BeeeeMahalKitaPuntakanadito
*Dugdugdug
bakit ang lakas ng tibok ng puso ko ?
sakto naman na baba na pala ako .
30mins. ang biyahe .
Buti nalang walang traffic. pagdating ko sa school .wala na siya . or Wala talaga siya ? Hindi ko alam pero sabi niya Hihintayin daw niya ako .
pero Shit lang ! 6 hours and 30 min. kung maghihintay siya. ang tagal na nun sobra.
"Oh !Clay ! ikaw pala yan ! " si manong guard . katabi lang niya yung school na pinapasukan namin .
"ako nga po "
"Hinihintay mo ba si Yna ? " napatingin ako sa kanya. paano—-
"Naku! Kanina pa siya dito e . Ayaw ngang pumasok muna sa bahay sabi niya hihintayin ka daw niya kaya hindi ko na kinulit. "
"pero bakit po siya Umalis kaagad ?" ewan. pero na inis ako .umalis siya kaagad. hindi ako inantay
"10 pm siya umalis kasi may curfew.lalo nat babae siya . tsk.tsk. "
akala ko aalis na si manong pero tinapik muna ako at sinabing
"Ingatan mo yung Mga taong nagbibigay halaga sayo .. yung taong nagpapasaya ng ng bawat araw mo... "
naiwan akong nakatulala .
*Beep
akala ko siya na yung nagtext pero sila alvin lang pala.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko . At kanina ko pa tinatawagan ang number niya pero pinapatay niya . Hayst. Nagalit yun malamang komang alamang .
kahit sa text wala ding replay .
sa monday ko nalang siya Kakausapin :3
(A/N VoComnaman ;) Thank You :*
⭐⭐Next ! ⭐⭐