Sebbraine pov:
Ting!' pagbukas pa lamang ng elevator ay bumungad na sa amin ang media.
Bakit napakaraming tao?
Mahigpit na yumakap sa binti ko si eli.
Kaagad ko siyang binuhat.
"mama" bulong niya sa akin.
"its ok baby" wika ko sa kanya ng umubob siya sa leeg ko.
Natakot si eli dahil maraming mga tao at mga camerang panay ang flash.
gumawi Ang tingin ko kay lolo.
Nakangiti siya at parang gustong gusto pang magpapicture.
Panay naman ang alalay ni dylan sa amin habang naglalakad.
Marami ang nagtangkang maginterview sa amin ngunit hindi namin ang mga iyun binigyang pansin at dire diretsong naglakad papasok sa loob ng malaking pinto.
Pagpasok namin ay nagtayuan ang lahat ng naroroon.
Dumako ang mata ko sa pwesto nina martin at ng mga magulang niya.
Nakatayo siyang katabi si azie.
Nasa likuran nila si dad.
Lahat sila ay hindi makapagsalita sa nakitang pigura.
"c'mon wala bang babati man lang sa 'ken" pabirong wika ni lolo.
nakatingin si martin sa amin ni eli.saka bumaling kay lolo
"lolo" sigaw ni martin saka patakbong lumapit sa pwesto namin.
"ikaw ba talaga yan" wika ni martin sa pagitan ng yakap nila ni lolo.
"pa!" sigaw ng mama ni martin sunod namang lumapit ang daddy niya.
Nagiiyakan ang halos lahat maliban kay azie at dad.
Wari bagot na bagot sila sa pinapanuod.
.........
"again i want to give an apology ,alam kong nagulat ang lahat at nalilito sa mga pangyayari.But i want to let you know na hindi ko rin ginusto ang ginawa ko.The truth is that...Pinagtangkaan ang buhay ko kaya kailangan kong magtago panandalian"mahabang paliwanag ni lolo sa press.
"may kinalaman po ba yun sa pagkamatay ng inyong apo na si CJ?" tanong ng isang media.
"wala" nag bulungan ang lahat
"alam kong hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko.Tinangka akong patayin ng sarili kong apo.Yes ,you heard it right.He try to kill me to get the company and own it."
"may pinaghihinalaan po ba kayo na may kagagawan nito sa apo niyo?"
"sa ngayon,meron na pero sisiguraduhin ko na magbabayad siya sa ginawa niya sa apo ko" wika ni lolo
"yun po ba ang rason kung bakit kayo bumalik?"
"oo,pero may mas importante pa akong dahilan kung bakit ako naririto sa inyong harapan." napagawi ang tingin niya sa amin ni eli.
hindi kaya?sasabihin na niya ang totoo?
"every one...I want you to meet my apo,Elisha Mar Seb Sanchez!" nakangiting wika ni lolo saka itinuro ang pwesto namin.
Wala akong magawa dahil ang atensiyon ng lahat ay nasa amin na ng anak ko.
Halos mangatog ako sa paglalakad buhat buhat si eli papalapit sa maliit na stage.
Tumabi kami ni eli kay lolo.
"panu niyo po siya naging apo? anak po ba siya ni cj?" tanong ng isang press
BINABASA MO ANG
AKO ANG BAD GIRL NG LAST SECTION??
General FictionBOOK II NG 'PRE INLOVE AKO SA BAD GIRL NG LAST SECTION' AKO SI SEBBRAINE, I WILL TELL YOU MY STORY.. HOW I BECAME THE BAD GIRL OF LAST SECTION. CAN YOU HATE ME?? MAYBE.. BUT ONE THING FOR SURE IM NOT THE GIRL BEFORE... HE CHANGE ME..HE MAKES ME FEE...